Chapter 63 ♥ Hidden Secrets

19.9K 470 210
                                    

A/N: Dedicated sa kanya. Thank you dear for reading! Salamat din sa nakakaheart whelming na comment sa last chapter. Godbless you and keep inspiring! Mwuah! 

Enjoy! OLE! :)

-wistfulpromise

♥♥

 ~Unedited

Chapter 63

Sa bawat na lumipas pagkatapos ng klase namin sa Princeton, diretso kami sa ni Niel sa pagpapaayos at pag-aasikaso ng nasira naming bahay at headquarters. 

Kasama ng mga private architects, engineer, at interior designer na kinuha ni attorney, kami ni Niel ang nanguna sa pag-aayos dito. Nakakalungkot man na iwan ang dati naming lokasyon, kinailangan naming gawin iyon dahil hindi na kami ligtas doon. Alam na ni The Highest at ng gang nya ang lugar na ito. Kaylangan naming lumipat upang maiwasan na mangyari na naman ang gulo kung saan marami ang napahamak. 

"Kailangan nating atakihin si The Highest sa lugar na ito sa oras naisaayos na ang lahat. I've learned from my private investigators na dito raw ang secret hide out nila. Sa oras na ayos na ang lahat, kami ng Serendipity ang pwepwesto sa lugar na ito. Tapos baback-up-an kami ng Shinobi sa lugar na ito." paliwanag ni Pietr habang may ipinapakita sa aming mapa. Tuwing umaga ito rin ang madalas naming ginagawa. Kami nila Niel, Pietr, Jace at Souta ay nagkikita kita para magmeeting. 

Nagsama sama kaming lahat para mas mapalakas pa ang pwersa namin. Bali-balita kasi na mas lalo pang pinapalakas ni The Highest ang kanya. Padami na ng padami ang sumasama sa kanya. 

Tumango si Niel. Tulad ni Pietr ay masinsin din ang tingin nya sa mapa na nasa harap namin.

"Nakausap ko na rin si Aziel at sinabi na pinaghahandaan na ng mabuti ng Ellipses ang tungkol sa bagay na ito. Dito naman kami pupunta kasama si Serene." Itinuro nya ang lugar na sinasabi nya sa mapa. "Sa oras na ma-trap natin si The Highest sa lugar na ito, magiging madali na ang lahat." 

"Pero huwag nyong kakalimutang may bagong mga alagad si The Highest. Sila ang pinaka malaking hadlang para sa plano na ito." sabi ni Jace. Nakatayo sya sa tabi ko pero tulad nila Pietr at Niel ay nakatangan din sya sa mapa. Seryosong seryoso ang mukha nya. 

"Tutulong kami roon. My gang and I, we'll try to distract them para magawa nyo ang dapat na gawin." prisinta ni Souta. Sa totoo lang masaya ako na narito sya. Bilang ally ng Ellipses, sya at ng gang nya ay isang malaking tulong sa amin. We need as much help as possible. 

This meeting is a top confidential one. Kaming mga leader ng bawat gang lang ang narito.

Umiling si Niel kay Souta. "We need to add more. Hindi ko sinasabi na mahina ang gang nyo, what I mean is, you never saw them fight. Hindi sila basta basta. Si Uno...kasama ang mga bagong alagad ni The Highest ay maduming makipaglaban." 

"I'll do it." sabi ko, sabay sabay silang apat na tumingin sa akin.

Sa sobrang intense ng pagplaplano at pag-uusap nila nakalimutan na yata nila na kasama rin nila ako. Not that I'm complaining. Sa mga lumipas na oras kasi ay nanatili lang akong tahimik-- nakikinig lang sa kanila. 

"Ako ang lalaban sa Uno na yun kung kinakailangan." ikinuyom ko ang mga palad ko. Si The Highest man ang ugat ng pagsugod sa gang namin, ngunit hindi pa rin maipagkakaila na ang taong ito na tinatawag na Uno ang nagsakatuparan nito. 

"No." Jace bluntly stated. Hindi man lang nya pinag-isipan ang magiging sagot nya. "Sasama ka kay Niel. Doon ka kasama si Aziel. Susundan natin ang orihinal na plano." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon