Volume 2 CH 36: Spring Day

1.5K 42 6
                                    

Zack's Pov

Something is wrong. Habang pinagmamasdan ko ang mga galaw ni flat at the way nyang magsalita parang may mali. Ewan ko lang pero pakiramdam ko hindi sya yun nasa harapan namin. O baka napaparanoid lang ako kaya kung ano anong iniisip ko?

Pano naman hindi sya si flat kung mula paa at mukha nya ay syang sya ito. Kabisado ko na ang itsura nya dahil sa madalas kong pagtitig sa kanya. Pero fyi di ako stalker di ko lang mapigilan ang sarili kong tumingin sa kanya.

'Umuwi na tayo Zack gusto ko ng umuwi sa Linford' ani nito na bigla bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Di agad ako nakasagot dahil bigla akong nagulat ng ngumiti sya sakin at pinulupot ang braso nya sa braso ko.

Nakita kong napansin ito nina Silver at Ashton dahil nakita kong biglang dumilim ang ekresyon nila.

'Ayoko na dito' dagdag pa ni flat.

'Aalis tayo pagdumating na yung mga susundo satin galing sa Arzena. Yun ang sabi ng reyna diba?' sagot ni Silver kaya napatango naman ako. Di kasi ako sanay na ganto kalapit sakin si Flat.

'Okay pero sana papadating na sila' sagot ni flat sabay ngiti ulit nito ng kakaiba. Kaya napakunot ang noo ko at dahil dun ay inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko.

Di  kasi ako sanay na ganto umakto si Flat. Ano bang nangyari sa kanya at nagkaganto sya? Tulad kanina nung bigla syang sumulpot sa kwarto namin nina Silver at Ashton nagulat kaming lahat ng halos ibato nya yung sarili nya sakin pagkakita nya sakin.

Nabigla ako nun dahil alam ko na hindi ako yayakapin ni Flat kahit sa panaginip ko ng ganun. At pagkatapos non di na sya umalis sa tabi ko kinakausap sya nina Silver at Ashton pero parang tamad na tamad syang sumagot dito. Pero pag-ako ang nagtatanong nagiiba yun tono nya.

'May ginawa ba sayo ang R-reyna Raven?' tanong ni ashton kaya napatingin dito si Flat.

'Wala syang ginawang masama sakin kaya no need to worry' sagot nito at muli pinulupot ang kamay nya sa braso ko. At dahil dun lalo akong napaparaniod sa mga kinikilos nya. Gusto ko sana syang ilayo muli sakin pero nung nakita ko yun ngiti nya ay hinayaan ko na lang.

Inisip ko na lang na siguro natakot lang sya sa mga nangyari sa kanya kaya ganto sya ka dikit sakin.

'They here' cold na ani ni Silver na nasa tabi ng bintana. Lumapit naman dun si Ashton.

'Nandyan na sundo natin' ani nito kaya agad agad na napatayo si Flat sabay hitak sakin. May narinig ako binulong nito pero di ko sure kung tama ba yun dinig ko.

'Tara na Zack' yaya nito kaya wala na kong nagawa kung di magpahitak dito. Napansin ko naman na sinundan din kami nung dalawa.

Pero napatigil ako ng may kakaiba akong nararamdam. Parang may kulang kasi akong nararamdam. Parang may naiwan ako sa kwartong yun.

'Bakit zack?' tanong ni Flat pero agad agad akong umiling at muling naglakad papalabas pero bawat hakbang ko ay parang ang bigat bigat parang may mali talaga.

'Wait' bigla kaming napahinto ng biglang nagsalita si Pabidang silver.

'Ano naman yun pabidang Silver? Wag mong sabihin may nalimutan ka?' tanong ko. Ngunit parang nagisip ito ng malalim bago magsalita.

'Kind of' bulong nito pero biglang nawala atensyon ko sa kanya ng bigla pumunta sa kanya si Flat at pinulupot ang kamay nya dito.

'Ayaw mo bang umuwi Silver? Naghihintay na yun mga susundo satin' ani ni Flat kaya lalong nagsalubong ang kilay ko.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon