CHAPTER 37: The Victim

22.2K 362 13
                                    

CHAPTER 35: The Victim

 

Nagulat si Tj sa narinig niya mula sa pinsan. Kumunot ang noo nito at agad nagtanong.

“A-anong sabi mo?” – tanong ni Tj.

Huminga ng malalim si Matthew.

“Hindi mo ko maiintindihan Tj, iba ‘to sa nangyari sa inyo ni Alex.. Tj, mahal ko siya at hangga’t maaari ayoko siyang saktan.. Pero pano ko maiiwasan yun kung yung mismong taong mahal na mahal niya nawala sakanya dahil sakin.. dahil sa Daddy ko.. Masasaktan ko siya.. Masasaktan at masasaktan ko siya..” – halos mautal si Matthew sa mga sinabi niya..

Hindi malaman ni Tj kung anong dapat niyang sabihin sa pinsan niya.. Dahil kahit siya mismo alam niya kung gaano kahalaga ang Daddy ni Alexis para sakanya.. At tama si Matthew masasaktan si Alexis kapag nalaman nitong ang taong pumatay sa Ama niya ay yung Ama ng boyfriend niya..

“A-anong balak mo?” – tanong ni Tj..

“Hindi ko alam..” – hinilamos ni Matthew ang palad sa mukha, problemadong problemado siya bago siya makabalik sa Pinas.

-----   



FLASHBACK ( Matthew’s flashback)

 

*ringgggggggggggggggggggggggg*

Halos mahulog ang binata sa kamang hinihigaan niya sa isang hotel sa Italy ng marinig niyang mag ring ang cellphone niya.. Pagod na pagod siya dahil sobrang dami niyang inasikaso kahapon para sa business nila sa Pinas, tuwang tuwa siya dahil sa wakas napapayag niya si Mr.Chua na wag pirmahan ang proposal na inaalok ng sariling Ama niya.. Alam niyang malaki ang isusugal niya para sa kumpanya, pero hindi siya makakapayag na mawalan ng tirahan ang mga tao sa village na yon para lang mapatayo yung planta na binabalak ng Daddy niya..

Sinagot niya ang tawag habang nakahiga at nakapikit ang dalawang mata.

“Hello.” – bati niya.

[Akala mo ba mananalo ka sakin?] – napatayo ang binata ng marinig ang boses ng Ama niya sa kabilang linya.

“Dad..” – tawag niya.

[Anak lang kita, at wala pang nakakapigil sa mga gusto kong gawin. Tignan mo nga naman sinong mag aakala na kakalabanin ako ng sarili kong anak.] – punong puno ng galit ang boses ng Daddy niya, kilala niya ang Daddy niya, hindi ito basta basta sumusuko kahit saang bagay.. Lalo na pagdating sa negosyo..

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon