Pain under the Rain

71 13 7
                                    

"Bye Best, ingat ka ha." Kaway-kaway ko pang sigaw sa kanya habang tinitingnan ang paalis na kotse ni Aj. "Thank you best." I mouthed. Tatalikod na sana ako para pumasok sa bahay ng mahagip ng mga mata ko ang isang lugar....

.

.

ang favorite place naming dalawa.... ang playground.

Hindi ko alam kung bakit kusang naglalakad ang mga paa ko at tinatahak ang daan patungong playground. Parang kahapon lang na ang saya-saya namin.

Ang playground na laging tambayan namin. Lumapit ako sa swing at umupo. Pinikit ko ang aking mga mata at naalala ko ang kanyang masayang mukha.........

kung paano niya ko titigan sa mata..........

ang mga ngiti niyang bumubuo sa araw ko...... at

ang boses niya na parang himig sa pandinig...

"Ang sakit-sakit Herald. Akala ko, okay na to *turo sa dibdib*. Pero hindi eh, andito pa rin ang bakas na iniwan mu ko."

Napatingin ako sa nagdidilim na langit. "Nakakatuwa, pati ang langit nakikisabay sa aking pag-iyak." kasabay nun ay ang pagbuhos ng ulan. "Pag iniyak ko ba to ngayon sa ilalim ng ulan mawawala ba to? Mawawala ba ang sakit? *sniff..... sniff..* Parang tanga ako dito."

"Hindi ka tanga. Siya ang tanga dahil iniwan ka niya." napalingon ako sa likod at nakita ko si Aj. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Sabi na eh,umiiyak ka na naman. Mabuti nalang at bumalik ako tapos nakita kita dito." pati si Aj umiiyak na din. Hindi niya parin ako binibitawan.

"Alam mo Summer, di naman masamang umiyak eh. Sabi nila, "Crying doesn't mean your weak, it's just a proof that you have a pure heart." sige na, iiyak mo lang yan, andito ako bestfriend. Hindi kita iiwan." Pagkasabi niya nun, umiyak na talaga ako.

"Aj, ba-ba't ga-gani-to? Ginawa k-o naman ang lahat para sa ka--kanya. Nagpaturo pa nga a-ako ka-kay *sniff.. sniff* manang elay magluto, para maipagluto ko siya ng pa-paborit-o niyang si-sinigang *sniff.. sniff..* Hi-hindi ba ako pe-perfect sa kanya?" gumagaralgal na ang boses ko.

Hinawakan niya ang mga balikat ko saka ngumiti. "Hindi ka perfect best, sadyang di niya lang siguro nakita ang mga katangian mo. Katangiang kakaiba sa ibang babae." Pinahid niya ang mga luha ko. "Sshhh.. tingnan mo best, di bagay sayo ang namumugtong mata.. tapos para kang si sadako sa buhok mu, walang kasuklay-suklay," tumawa siya at tumingin sa'kin "at dapat nakangiti ka.." nilagay niya ang dalawang daliri niya sa gilid ng bibig ko at ginuhit ang isang ngiti sa mukha ko. "Ayan, ang ganda-ganda mo, katulad ko pero mas maganda ako sayo.. hahahahaha..."

Ngumiti ako sa kanya at nakita ko parin ang magandang ngiti niya sa'kin. Siguro kung wala si Aj, baka di ko alam ang gagawin.

Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang ulan na bumabagsak sa'kin..... "Ito na ang last, di na ako iiyak.." nakangiti kong sabi.. "Ibabaon ko nalang ang alaalang kasama ka noon... kung bumalik ka man sakali at mahal pa natin ang isa't-isa... yun na siguro ang tamang panahon para sa'tin."

Minulat ko ang aking mga mata at ngumiti kay Aj. "Okay na ko, thank you bestfriend." Ngumiti rin siya sa'kin. "Halika kana Aj, uwi na tayo. Ang basa-basa natin."

"HINDI" nagtaka ako sa sagot niya. "Total, basa na rin lang tayo.. tara ligo nalang tayo sa ulan bestfriend. Ano? Game? ^_^" naka wide smile pa siya sa'kin.

Hindi pa ko nakasagot ng bigla siyang umakbay sa'kin. "Pero *sabay pahid ng putik sa mukha ko* ikaw ang taya... hahahaha.... habulin mu ko Summer... Bleh..bleh..bleh :P" Putakteng babaeta to. Tumakbo na siya palayo sa'kin. Pumulot din ako ng putik.

"Humanda kang  babae ka." hinabol ko siya, dala-dala ang putik sa mga kamay ko.

I guess, I'm starting to rain away the pain i'm holding for a month.

From Me to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon