Tara, Magbilang Tayo

210 0 0
                                    

ISA
Isang beses pa lamang ako nagmahal.
Isang relasyon na akala ko'y magtagagal.
Isang tao na nangakong hindi siya tulad ng iba.
Isang biro lang pala ang mga sinabi niya.

DALAWA
Dalawang tao lang dapat ang nasa isang relasyon.
Dalawang puso din sana ang maligaya ngayon.
Dalawang araw lang naman akong nawala.
Dalawang tao na bigla ang iniibig ng puso niya.

TATLO
Tatlo pala tayo sa relasyon na ito.
Tatlong buwan mo na pala akong niloloko.
Tatlong beses kang humingi ng tawad sa harap ko at sinabing siya ang pinipili mo.
Tatlong beses akong humiling sa langit na sana nananaginip lang ako.

APAT
Apat na buwan na pala siyang nagdadalang-tao.
Apat na beses mo siyang itinaboy nung una pero hindi kinaya ng konsensya mo.
Apat na bote ng alak at higit pa, iyan ang dahilan kung bakit nangyari ito.
Apat na minuto ang dumaan bago ko naramdaman ang pagkabasag ng aking puso.

LIMA
Limang beses kong inalala ang lahat ng ating pinagdaanan.
Limang beses kong kinilatis ang lahat ng hindi natin pagkakaintindihan.
Limang beses nagpabalik-balik sa inyo ang aking paningin.
Limang beses kong tinanong ang aking sarili kung bakit nagawa niyo kong lokohin.

ANIM
Anim na salita sa isang tanong, paano niyo nagawa sa akin ito?
Anim na beses kitang tinanong kung bakit, bakit yung kasintahan ko?
Anim na taon kitang pinagkatiwalaan bilang isang matalik na kaibigan.
Anim na sampal, tig-tatlo sana kayo pero hindi ako makagalaw mula sa aking kinatatayuan.

PITO
Pitong beses ko kayong nahalata.
Pitong beses ko din binaliwala.
Pitong araw akong naghinala.
Pitong araw na din pala akong tama.

WALO
Walong buwan nalang, ikakasal na sana tayo.
Walong libo ang bilang ng mga nais dumalo.
Walong libong tao ang saksi sa relasyon natin, mahal ko.
Walong libo din ang madidismaya dahil sa pangyayaring ito.

SIYAM
Siyam na beses kong pinitik ng palihim ang sarili ko.
Siyam na beses kong sinubukang kumbinsihin ang sarili ko na nagbibiro lang kayo.
Siyam na beses ko din nadama ang pagkirot ng aking puso.
Siyam na segundo ang nakalipas bago ako tuluyang bumigay at nawasak ang aking mundo.

SAMPU
Sampung segundo ang dumaan bago ako napaluhod at umiyak sa harap niyo.
Sampung beses kayong humingi ng tawad, na hindi niyo sinasadya ito.
Sampung minuto ang nakalipas, dahan-dahan akong tumayo.
Sampung hakbang papalayo sa inyo bago ako tahimik na lumabas at isinara ang pinto.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon