WA 1 - Elemental Curse

330K 6.7K 2K
                                    

CHAPTER ONE

ELEMENTAL CURSE

Summer ended fast like it's only a glimpse. I did not even enjoy the whole duration of it. I only spent my summer inside my room like a sick person that has contagious disease.

When summer ends, that only means one thing... Pasukan na naman. It's the time of the year that I hate the most. Hindi naman sa ayaw kong pumasok, hindi lang talaga pwede. I stopped going to school since I was 11 years old. From then and now, I only stayed in our house while my Mother personally tutors me with the things that I needed to learn. Baka kasi kapag umapak pa ako sa labas, magkagulo. People do not want me around near them. They hated me for the strongest reason... and I fully understand why.

Paranoia is eating me up. Whenever I see a familiar person, nanginginig ako kaagad. Pagkatapos ng insidenteng nagbago ng buhay ko, hindi ko na magawang harapin ang mga tao. Even if I wanted to, I just really can't.

Natatakot ako.

Minsan, nakakabaliw na ang masyadong pamamalagi sa bahay namin. Marami akong naiisip na hindi naman dapat. I am too paranoid even in the smallest things. Iniisip ko palagi na may mangyayaring masama.

I am cursed.

That's how people describe me. Sadly, ganoon rin ang tingin ko sa sarili ko.

Ako na mismo ang lumayo sa kanilang lahat. Ako na mismo ang naglayo sa kanila sa kapahamakan.

I decided to isolate myself to keep everyone safe from me. Even if my Mother tells me that, what happened before wasn't my entire fault, I still don't trust myself that much to take the risk of being free.

Seven years ago...

It was my 11th birthday. At the exact midnight, naramdaman kong para akong sinisilaban sa sobrang init. Para akong inaapoy ng lagnat. May kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag sa loob ng katawan ko.

Hindi ko kayang pigilan...

Kapag pinipilit kong huwag intindihin, mas lalong lumalakas ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

Sobrang init. Nakakapaso.

Parang nagliliyab sa init ang buo kong katawan.

I was so scared. Walang magawa si Mama kaya sa sobrang takot ko, tumakbo ako palabas ng bahay. Hanggang ngayon, naririnig ko pa rin ang mga boses. Paulit-ulit... Madalas na hindi ako pinapatulog ng mga boses na humihingi ng saklolo sa kung sino man.

Maling-mali na lumabas ako ng bahay sa puntong iyon. Mali na naging mabilis ang takbo ko at nadapa ako sa nakahilerang tuyong dahon ng kapitbahay namin. Mali na nagawa kong masunog ang lahat sa bayan namin.

Because of what happened, everything changed.

Nagbago ako.

Nagbago ang pakikitungo ng lahat sa akin. Maling-mali ang paglabas ko sa aming bahay. Dapat pala tiniis ko na lang ang pakiramdam na 'yon. Dapat nakinig ako sa Mama ko. Dapat hindi naging matigas ang ulo ko talaga.

Nasunog ko ang buong bayan namin.

Of all the people in Greacugon, I was the chosen one to bear the rarest Imaclum.

The Fire Imaclum.

It is one of the most powerful Imaclum in Greacugon. Sadly, it is I who was chosen. The said Imaclum is cursed—that's what most people describe it. The last person who has it, killed the entire specie of hawks and accidentally caused a massive wildfire. Sa isang iglap lang, everything was burnt out. It was one dangerous Imaclum. Kaya noong nalaman nilang ako ang sumunod na nagkaroon ng ganoong Imaclum, takot na sila kaagad sa akin.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon