Kabanata I

39.8K 1.4K 365
                                    

Yvonne's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yvonne's POV

Eliana... patawarin mo ako anak ko...kailangan ko nang lisanin ang mundong ito.

Ina! Ina! Huwag po! Huwag mo po ako iwan parang awa mo na! Hindi ko po kakayanin sa mapagmalupit na mundong ito! Pakiusap, Ina!

Hinawakan niya ang aking pisngi at hinalikan ang aking noo.

Mahal na mahal kita anak ko. Hinding-hindi kita pababayaan. Balang araw ay maipaghihiganti mo rin ang ating kamatayan.

Nais ko sanang habulin ang babaeng tinatawag kong ina pero isang nakasisilaw na liwanag ang nagpapikit sa akin at bigla na lang siyang nawala sa harap ko. Sino ang babaeng iyon? Bakit ko siya tinatawag na ina?

"Prinsesa Eliana..."

"Prinsesa Eliana pakiusap gumising na po kayo." Isang matinis na boses ang humihikbi at paulit ulit kong naririnig dahilan para mabalik ako sa ulirat.

Kahit mabigat ang talukap ng aking mga mata ay sinubukan ko pa ring dumilat. Dahan-dahan ko itong naimulat ngunit agad din akong napapikit nang masilaw ako sa liwanag ng ilaw.

"Jusko! Gising na ang mahal na prinsesa Eliana!"

"Stella, tawagin mo ang manggagamot at ipaalam mo na nagkamalay na ang mahal na princesa!" Nakarinig naman ako ng mga yapak na mukhang tatawagin nga nang sinabihang tauhan ang manggagamot.

"Mahal na prinsesa Eliana pakiusap ay huwag mong pilitin ang iyong sarili at baka mabigla ang iyong pangangatawan." Muli ko na naman narinig ang matinis na boses nang babae na tinatawag akong Eliana.

Eliana? Sino ba si Eliana e Yvonne ang pangalan ko.

Gustuhin ko man siyang pagsabihan na hindi Eliana ang aking pangalan pero wala pa akong sapat na lakas para gawin iyon.

Sinubukan kong idilat muli ang aking mga mata at ipinagpasalamat ko naman dahil hindi na ako nasilaw sa liwanag. Unti-unting luminaw ang aking paningin dahilan para mailibot ko na ito sa aking paligid. Unang bumungad sa akin ang kisame na may kakaibang disenyo. Ang silid na kulay asul at may kakaibang mga kagamitan na mamahalin pero mukhang luma na. Kailan ba nagkaroon ng lampara sa ospital?

Kailan pa nagkaroon ng ganito kagagarang kagamitan sa ospital? Teka, nasa ospital nga ba ako?

Sunod na dumako ang aking paningin sa babaeng nasa tabi ko at nakadungaw sa akin. Pinagmasdan ko ang kanyang pagmumukha. Mukhang hindi siya nalalayo sa aking edad. Tama lamang ang tangos ng kanyang ilong, mapula at manipis na labi, kayumanggi ang balat, at kulay tsokolate na mga mata na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nakapusod ang kanyang itim na itim na buhok at nakasuot siya ng bestida na kulay asul at may kakaibang disenyo. Ganyan na ba ang uniporme ng mga nars ngayon?

"Prinsesa Eliana lubusan mo akong pinag-alala! Mahigit isang linggo kang walang malay dahil sa malakas na pagkakabagok mo sa batuhan sa ilog!" Muli na naman siyang umiyak habang nagkukuwento sa akin.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon