Kabanata III

28.5K 1.2K 254
                                    

Eliana's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eliana's POV

Matapos ang ilang segundong pakikipagtitigan sa aking ama at ilang minutong pakikipag-asaran sa kanya ay pinayagan na niya akong maupo sa tabi ni Ellionoir. Hindi na rin naman ako mamimili ng iba pang upuan dahil ang susunod na bakanteng upuan ay sa tabi na ng ikalawang asawa ng hari na halos patayin na ako sa sama ng pagkakatingin sa akin.

Sina Leandra at Stella naman ay nakatayo lamang sa likod ko kasama ng ilang alalay ng aking pamilya. Itinatak ko naman sa aking isipan na padalhan sila mamaya ng pagkain dahil nakakaawa naman silang mga alalay ko na mukhang gabi-gabi ata kinakain ang mga tuyot na gulay na pinapadala para sa akin.

Tahimik lamang kaming kumain sa hapag at tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig.

Tiningnan ko rin ang mga pagkaing nakahanda at tulad din naman ito ng mga pagkain sa dati kong buhay. Itlog, baboy, gulay, prutas, tinapay, keso, at kanin ang nakahain ngayon kaya agad na akong kumain.

Pinanatili ko pa rin ang pagiging elegante ng aking galaw dahil maski naman sa dati kong buhay ay hindi ako patay-gutom kung kumain kaya naman kayang kaya kong sabayan ang pamilyang ito kung pasosyalan din naman ang pagbabasehan.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay naramdaman kong nagpunas na ng bibig si Ellionoir na nasa aking tabi hudyat na nais niyang mag-salita. Ibinulong siya nina Leandra at Stella habang kumakain ako para makilala ko naman kahit papaano ang babaeng sinasabi nilang kakampi ko.

"Eliana, hindi kita nabisita kahapon pagka't pinagbawalan ako ni Doktor Pacieano na aking nakasalubong noong ako'y papunta na sa iyong silid. Ang sabi niya ay nanghihina ka pa at nais mo munang magpahinga kaya ipinagpabukas ko na lamang ang pag-dalaw sa'yo," malambing ang boses ni Ellionoir at hindi masakit sa tenga kaya masarap makinig.

Ayon din naman sa dalawa kong alalay ay mabait talaga siya kay Eliana kaya tumigil muna ako sa pagkain at pinunasan ang aking bibig saka siya hinarap.

Mukhang nais niyang makipag-kuwentuhan sa akin kahit ako'y nagugutom pero sige at pagbibigyan ko siya basta sana'y manahimik na siya pagkatapos nito.

"Nakatutuwang makita na nandito ka na muli sa aking harap at puno na muli ng buhay!" nakangiting saad niya kasabay ng pag-hawak pa sa dalawang kamay ko na bahagya ko pang ikinagulat.

Ang gaslaw naman ng babaeng 'to.

Kinuha kong pagkakataon ang pagharap sa kanya upang matitigan ko nang mabuti ang mukha ni Ellionoir dahil napakalapit din ng kanyang mukha sa akin.

Kung tutuusin ay maganda si Ellionoir. Mapungay ang kulay asul niyang mga mata, mahaba at diretso ang itim na itim niyang buhok, mapula ang pisngi, hindi ganoon kaputi pero makinis siya, matangos ang ilong at maganda ang korte ng mga labi na lalo pang gumaganda kapag siya ay nakangiti. Mayroon din siyang biloy (dimples) sa isang bahagi ng pisngi hindi tulad sa akin na parehas na pisngi ang mayroon. May nunal din siya sa ibaba ng kanyang kanang mata tulad ng kanyang ina na nakaupo ngayon katapat ko at nakikinig sa aming dalawa.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon