[99]

755K 16.7K 4.2K
                                    

CHAPTER 99

  

GAIL’S POV

Halos isang buwan na ang lumipas. Hindi pa rin sila nagpapakita. Bakit ko nga ba iniisip pa ang dalawang iyon? I should have just moved on with my life. Isa lang naman akong epal sa relasyon nina Kurt at Kaye Anne. Baka nga sila talaga ang para sa isa’t isa.

Ang tanga-tanga ko lang. Ang tanga-tanga ko dahil ibinigay ko ang pinakaiingat-ingatan ko. Masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko sa kanya. Masyado akong nagdepende sa nararamdaman namin. Baka nga… baka hindi niya na talaga ako mahal. Maybe it was just his raging hormones and not love.

Month of June na. Nakapag-enrol na ako sa E.H.U at binigyan pa kami ng post thanksgiving party ng University. Nagpasalamat sila sa amin ni Nathan dahil naging magaling kaming estudyante sa University Of Heidelberg. Dahil dun, ginawaran kaming dalawa ni Yam ng Role Model Students award.

First day of classes na ngayon. Nagkalat ang mga students sa buong campus. Ako ito, nakaupo lang sa isang bench, pinagmamasdan ang mga galaw nila. Parang kailan lang, 1st year College pa lang kami. Ngayon, senior na ako. I realized that there were lots of strange happenings in the past three years. 

Namiss ko rin itong E.H.U.  

“HI GAIL!!!” 

Dahan-dahan kong nilingon ang boses na tumawag sa akin. Kahit na hindi ko siya lingunin, kilala ko na yan.

“Uh, Chloe. Musta?” Tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko. Binalik ko ulit ang tingin ko sa mga estudyante. May ibang ngumingiti sa akin kaya nginingitian ko rin sila pabalik.

 “Ampness yan si Dustin!” Inis na sabi ni Chloe. Napatingin ako sa kanya. Nag-indian sit siya sa bench na inuupuan namin at pinatungan ng bag ang lap niya.

“Tsk. Chloe, nubayan! Umayos ka nga ng upo,” hinila ko ang hita niya pababa. Nag-pout lang siya. “Naka-palda tayo. Makikitaan ka nyan!”

 “Wow!!! Sumigaw ka Gail!! After 1 decade, sumigaw ka!!”

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Siya naman tumawa ng nakakaloko at nag-peace sign. Umiwas nalang ako ng tingin at bumuntong hininga. Lately, naninibago ako sa sarili ko. Nagiging matamlay ako at medyo nawawalan ako ng ganang kumain kaya madalas na sinisikmura ako at sumasama ang pakiramdam. Pakiramdam ko, biglang humina ang immune system ko dahil nagpapabaya na ako sa sarili ko simula nang umalis si Kurt nang walang paalam. Hindi ko kasi kayang mawala siya eh…

“Gail,” naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. Malumanay na ngayon ang salita niya, “Huwag mo namang pabayaan ang------“

“Kumusta pala kayo ni Dustin?” Masigla kong tanong sa kanya. Ayaw kong nalulungkot sila para sa akin. Sapat nang ako nalang. Ayoko silang madamay katulad ng dati.

 She showed her lop-sided smile and crossed her arms across her chest. She rested her back on the bench and pouted a little, “Yang mongoloid kong fiancé', gustong isali ang ex niya sa mga bridesmaid! Nakaka-leche lang! Grrrr!” Inis na sabi niya.

I chuckled and put my right arm on her shoulders, “Anong gusto mo? Papapiliin kita, maging isa siya sa mga bridesmaid at ikaw ang bride o ikaw ang bridesmaid at siya naman ang bride? You choose!” mapanghamong tanong ko sa kanya.

“Hehehe, sabi ko nga, bridesmaid siya!”

“Good,” I nodded and removed my hand on her shoulders. Napahawak ako sa sikmura ko, sumasakit na naman kasabay ng migraine ko. May ulcer na ata ako. Minsan kasi nagpapalipas ako ng gutom.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon