CHAPTER 16

2.3K 49 6
                                    

CHAPTER 16


Nakatulala lang ako sa kawalan, magkasalikop ang mga kamay ko habang nakatukod sa lamesa ko ang mga siko.


Anong gagawin ko ngayon, buntis si Selene at ako ang ama. That bitch!


She said that its safe to release inside here because she's protected by pills, naisahan nanaman ako ng babaeng yon. Paano ko na siya ngayon maaalis sa buhay ko kung dinadala nito ang anak ko.


"Sir."


Napakurap kurap ako at napalingon sa may pinto kung saan nakadungaw ang sekretarya ko, kumunot ang noo ko tapos ay ibinaba ang mga kamay ko.


"What?" Iritang tanong ko.


"Ahm. Sorry Sir, I was calling you and it seems like your spacing out. Your next meeting in La Resto will start in twenty minutes." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, nakalimutan kong may meeting pa pala akong pupuntahan.


Itinaas ko ang kamay ko at sinenyasan siyang umalis na, umalis naman agad ito at isinara ang glass door. Napasandal ako sa swinel chair ko at napahilot ng sintido.


Paano na kapag nakita ko ulit si Devi? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya, talaga bang wala na kaming pag-asang magkasamang dalawa.


Pagkatapos ng meeting ko sa La Resto ay tinawagan ko ang sekretarya ko para itanong kung may susunod pa akong mga meetings, nang sabihin nitong wala na ay nagpasya akong magdrive na pauwi.


Habang nagmamaneho ay napatingin ako sa passenger seat kung saan ko inilagay ang cellphone matapos tawagan ang sekretarya ko, binalik ko ang tingin sa daan tapos ay inabot ang cellphone gamit ang kanang kamay.


Pagkakuha non ay mabilis kong tinignan kung sino ang tumatawag, sumeryoso agad ang mukha ko ng makita ang pangalan ni Bart. Ang taong inutusan ko para hanapin si Devi pati na ang taong inutusan ni Selene na mag sumbong sa mga pulis sa oras na may mangyaring masama sa kanya na matagal ko ng pinahanap dahil matindi ito magtago.


Nilipat ko sa kaliwang kamay ang cellphone matapos sagutin habang ang kanang kamay ko ang nakahawak sa manibela.


"Hello."


"Sir Chip, good news." Nahigit ko ang hininga, sana tungkol kay Devi ang good news na iyon.


"Spill it."


"Nagsalita na po yung lalaki, umamin siya na siya nga ang inutusan ni Selene Vergara, nakuha namin sa apartment niya ang iba't ibang litrato ng isang babae na sa tingin ko po ay ang babaeng pinapahanap niyo sa akin."


Napaawang ang labi ko at napahigpit ang hawak sa manibela, nanginginig ako sa galit para kay Selene. Talagang planado niya ang lahat at may mga ibedensya siya.


"Sir lahat ng picture ay kuha sa loob ng university, mga ebidensya sa pagpatay." Bumilis ang pag taas baba ng dibdib  ko dahil sa sinabi nito.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon