CHAPTER 7

95.1K 2.7K 164
                                    

Chapter 7

"WHERE would you like to go?"

"Ewan ko sa 'yo. 'Di ba, ikaw naman ang nagyaya sa 'kin? Dapat alam mo kung saan tayo pupunta." I furrowed my eyebrows. He won against me. Naisipan kong pumayag na lamang sa hinhingi niyang date para tigilan na niya ako. Isang liungoo ko ring pinag-isipan ang panggigipit niya bago tuluyang pumayag. Sa buong lingo na iyon ay hindi niya ako tinigilan sa pangugulit. He even tried to scare my co-officers that he will be taking half of the ticket sales kapag hindi ako pumayag na makipag-date sa kanya.

"Sungit. Meron ka ba?" Ngumisi siya. Pinigil ko ang sariling mabangasan siya.

Itinuon ko na lamang sa labas ng bintana ng sasakyan ang aking atensyon. We were riding his car to nowhere.

"Chill, my lady." He laughed at me.

"I just want to know, baka may iba ka palang gustong--"

"Talagang may iba na akong gusto, at hindi ikaw 'yon," putol ko sa sasabihin niya. Ngumisi na naman siya na parang timang. Ang lakas ng apog niyang yayain akong mag-date gayong kakakilala niya pa lamang sa 'kin.

"You're too blunt," he commented.

Umirap ako.

"Then stop pestering me, mag-drive ka na lang. Pinagbigyan na kita sa gusto mo kaya sana pagkatapos nito ay tigilan mo na ako gaya ng napagkasunduan natin."

Nanahimik siya pagkatapos kong sabihin iyon. Mabuti nga. Sana maisip niyang hindi ako basta-bastang mahuhulog sa bitag niya. Sa totoo lang ay nakokonsensya akong pinagbigyan ko siya ng date. It feels like I'm cheating on Ronald. Iniisip ko na lang na pagkatapos nito ay matatahimik na ako.

He turned the radio on instead, which was a good thing because I suddenly felt the awkwardness.

'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars. I'm gonna give you my heart.

'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars. And cause you light up the path.

Ramdam kong tinapunan niya ako ng tingin pagkatapos niyon. I ignored him and decided to hum the song inside my mind. Ngunit nagulat ako nang marinig kong sinabayan niya ang kanta.

"I don't care, go on and tear me apart. I don't care if you do, ooh...'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars. I think I saw you, ohh..."

Wala sa sariling napatingin ako sa kanya ngunit agad ding nag-iwas nang magtama ang aming mga mata. He was staring at me while singing the song!

"'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars.. I want to die in your arms. 'Cause you get lighter the more it gets dark. I'm gonna give you my heart..."

His voice was raspy yet emotional. Kahit ilang beses ko na siyang narinig kumanta ay hindi ko pa ring maiwasang hangaan ang kanyang boses. He should have taken singing seriously. Kung gagwin niyang propesyon ay tiyak na sisikat siya sa bansa. Oh, well... sikat naman na siya pero sa mga college campuses lang yata. I'm not sure if they're bringing their band up to a wider audience.

I slowly laid my head to the headrest then held my eyes close. He's still singing with the radio. And I hate this feeling that started to build from within. His voice was shaking something in me. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakikinig sa kanyang pagkanta.

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Tinabig ko iyon dahil medyo inaantok pa ako. Ngunit agad akong nagmulat ng mga mata nang makarinig ako ng mahinang tawa at mainit na hininga sa may bandang leeg.

"Wake up, my lady. We're here."

Muli akong napapikit. He's too close to me. At isang maling galaw lang ay tiyak na magdidikit ang aming mga mukha. Huminga ako nang malalim. Gano'n ba katagal ang biyahe namin? Pakiramdam ko kasi ay malalim ang pagkakatulog ko kanina.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon