WA 2 - Little Wanderer

196K 5.3K 1.2K
                                    

CHAPTER TWO

LITTLE WANDERER

The gates are as high as the trees that surrounds the whole place. In the entrance, there goes the carving on the floor... The school's golden crest.

May dalawang matandang babae ang nakatayo sa tapat naming lahat. Ang isa ay may malaking capa na suot at medyo may katandaan na. Ang isa naman ay halata ang pagiging istrikta dahil sa pamamaraan niya ng pagtingin sa amin.

I don't want to judge so quickly, lalo pa't first impressions don't last.

"This place is really big." Bulong sa akin ni Xynthea.

I nod in approval. Malaki nga talaga ang school na 'to. Kasi mula sa kinatatayuan namin, tanaw ang napakalawak na espasyo sa tapat nito. A big elevated rectangular castle is in the center with a wide granite porch and decorated plants in each side. On it's right side, the big clock and bell tower stand so tall and proud. May isang napakalaking fountain din sa tapat ng kastilyo. It has crystal windows and rustic double doors.

"Oo nga. Baka naman maligaw tayo bigla." I said.

She chuckled, "Siguro naman may mapa silang ibibigay sa atin. I don't think we can just roam around in this place without any help."

"I hope so." I said.

"Next!" Umusad ang pila at ako na ang susunod, "Letter?" She eyed me intensely. Siya iyong mukha istrikta kanina.

I handed her the letter that was given to me. The letter signifies the acceptance of a person in Worthwood Academy. Hindi basta-bastang nakakapasok sa paaralang ito na walang letter mula sa headmaster.

The woman looked at my letter and back at me with suspicious eyes. Kitang-kita ko ang pagtaas ng kaliwang kilay niya, "Nathalia... Delacroix?"

I bit my lip—hoping that she is not a victim. If yes, I'd be doomed.

Wala akong ibang maisagot dahil na rin sa pagtataka. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na rin ang isa pang babae. Tumikhim siya at nagkatitigan sila. Hindi nagtagal, binigyan na ako ng daan ng dalawa.

"You may go now."

Before that, she handed me a paper. Laman ang mga detalye kung saan ako titira.

Walang imik akong pumasok sa loob at pinalibot ang tingin sa buong lugar. Mga iba't ibang disenyo ng gusali ang bumungad sa akin. Nakakalula naman... Mahirap sabihin kung gaano kalaki, basta malaking malaki ito. School grounds palang ang tanaw ko. Paano pa kaya ang ibang parte ng school na 'to? May ilalake pa ata.

Napalingon ako kay Xynthea nang tapikin niya ang braso ko, "Paano ba 'yan? Kita na lang tayo pag may vacant." Iwinagayway niya ang papel na katulad sa akin. "Remember what I said Thalia... Live in the present. You have your life to manage. Huwag mo masyado isipin ang nangyari dati. Nakapasok ka na sa Worthwood, kaya tama lang na kalimutan mo muna ang mga nangyari sa labas ng paaralang 'to. It's time to build new memories." She winked at me.

"Thank you talaga. I'm glad you talked to me... See you around."

She grinned, "See you when I see your first." She waved goodbye and so did I.

Napangiti ako sa kawalan nang maisip kong hindi na pala masama. I met someone who can understand me well. Hindi 'yong hinuhusgahan ako kaagad.

Nagpalakad-lakad ako. Hindi ko talaga alam kung saan pupunta. Sana pala nagtanong ako doon sa matandang babae, pwede naman siguro. Ngayon ko pa talaga naisip 'to. Itinuon ko ang atensyon sa papel na hawak ko. "Saan naman kaya 'to?" Wala sa sarili kong tanong. Pakiramdam ko naliligaw na ako.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon