"Ito na ba" Lyrics

97.1K 4.1K 107
                                    

Title: "Ito Na Ba"

Written by: Marc and Rapha

Music by: Marc and Rapha

Copyrights @ Marc and Rapha 2019


Tila nauutal, nauurat kapag nariyan ka

Ni hindi makalapit kaya pag nagdidikit, abot langit ang kilig

'Di mapigilang mapanaginipan, mukha ng tangi kong pangarap

'Di mapigilang maluha, 'pagdarasal na akin ka na lang

Sasabihin ko na ba na gusto kita?

Gusto kong umamin pero paano ba?


Magtatanong-tanong na lang sa sarili kung paanong darating ang panahon na akin ka na

At sasabihin kong mahal kita

Sa una kong pag-ibig, ito na ba?


Sinabi ko noon hindi muna ako magpapadala sa bugso ng damdamin

Pero biglang nabuksan dahil sayo

Ang puso kong itong hindi umaamin na may pagtingin din ito

Lalabanan ko pa ba ang tanging hiling

Ng puso kong sabik ka nang makapiling?


Ikaw na ba ang gusto kong makasama habambuhay

Palagi kong kapiling sa hirap at saya

Sa'yo na nga ba ang hahawakan kong mga kamay

Sa una kong pag-ibig


Ito na ba...

Ito na ba...


Bumulong sa bituin, humikbi sa buwan

Iniisip ang ating kahihinatnan

Nangangarap ngunit nag-aalinlangan

Pag-ibig mo kaya'y makamtan?


Magtatanong-tanong na lang sa sarili kung ikaw na ba

Ang gusto kong kapiling sa hirap at saya

Sa'yo ko na nga ba sasabihin na mahal kita?

Sa una kong pag-ibig


Magtatanong na lang...

Ikaw na ba ang gusto kong makasama?

Magtatanong na lang...

Ikaw na ba ang gusto kong makasama?

Ikaw na ba?

Magtatanong-tanong na lang

Ikaw na ba?

Magtatanong-tanong na lang

Ito na ba?

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon