Chapter 10

14.7K 572 262
                                    


Zaparta's POV

Hingal na hingal ako na makarating sa tapat ng bahay. Halos gusto ko ng humiga sa damuhan sa sobrang pagod ko pero hindi pwede.

"Kilos Zap!" sigaw ni coach Avey. Napangiwi ako at mabagal na tumakbo pababa ng burol. Nakakasalubong ko ang ilang mga kasamahan ko na paakyat.

Nasa training kami ngayon. Isang oras na kaming tumatakbo pababa at akyat sa burol. Ang hirap lang kapag paakyat tapos medyo delikado pababa dahil baka magpagulong gulong paibaba. Dalawang linggo na kaming nandito sa palawan at sa dalawang linggo na 'yon, nasa bahay lang kami kahit na rest day namin. Hindi pa kami nakakapunta sa dagat man lang. Kaya parang ang panget ng bakasyon namin dito. Nahihinayang kami lalo na ang mga seniors na laging kinumumpara ang bakasyon nila sa Boracay, Batangas at Pangasinan. Ang layo daw ng nangyayari doon dito. Kaya pati kaming mga rookies bagsak balikat eh.

"Wag kayong babagal bagal!" sigaw ni coach Ella na nasa baba naman. "Kilos! bawal huminto!"

Pambihira naman ang dalawang coach na 'to. Hingal na hingal na kami kahit ang mga seniors. May dagdag na training ang mga seniors kaya parehas kaming mga pagod at hingal. May nakasabit sa bewang nila na tali at hila-hila ang gulong ng truck kaya mas mahirap ang ginagawa nila kaysa samin.

"Stace ano? hanggang dyan ka lang ba?!" sigaw ni coach Ella. Tumingin ako kay Stace na tumigil sa pagtakbo.

"Hindi!" sigaw ni Stace at tumakbo ulit.

"Wow." sabi ko na lang. Alam kong mas pagod sya samin pero hindi pa din sya sumusuko.

"Zap! anong tinutunganga mo dyan? kilos!" sigaw ni coach Ella. Napangiwi akong tumakbo paakyat.

Kapagod!

Pagkatapos ng training namin bumalik kami sa bahay. Nakaassign ngayon ang kambal at  sila Cleo at Justine. Nakakagulat nga na sila pala ang magkakasama sa isang room.

"Okay girls, bukas rest day ninyo." sabi ni coach Avey. Nasa hapagkainan kami ngayon para sa merienda.

"Oh, bakit hindi kayo masaya?" natatawang sabi ni coach Ella.

"Paano, wala din naman kaming gagawin kahit rest day namin. Matutulog lang kami." sabi ni Kylo.

"Kawawa naman kayo." pang-asar ni coach Avey. "Fine, pupunta tayo sa dagat bukas." biglang naghiwayan ang mga kasamahan ko sa sinabi ni coach Avey. Sawakas, makakaligo na din sa dagat. Sayang naman ang pinamili ng iba na swimsuit kung hindi magagamit.

"Ang nakaassign bukas ay hindi muna magluluto. Kami na bahala ni Avey sa pagkain natin bukas at sa susunod na araw. Pag-eenjoyin na muna namin kayo sa bakasyon nyo dito." sabi ni coach Ella.

"Ayos!" masayang sabi ni Summer. Sila kasi nakaassign bukas.

"Sawakas! makikita na din natin si Zap mag-two piece bikini!" sigaw ni Marceline.

"Hoy!" saway ko sa kanya. Namula ang mukha ko nung tignan nila ako.

"Makikita natin ang abs nya!" sabi ni Stace. "Abs kasi wala naman syang dibdib." sinamaan ko ng tingin si Stace. Bwisit talaga.

"Ako na naman nakita ninyo ah." sabi ko.

"Ganon talaga. Ikaw pinakacute dito." sabi ni Stace at humalumbaba sa lamesa habang nakatingin sakin. Tinanggal naman ni Jacky ang pagkahalumbaba ni Stace.

"Masama sa harap ng pagkain ang humalumbaba." seryosong sabi ni Jacky tapos kumain ulit.

"Nagselos." bulong ni Math sakin. Napailing na lang ako.

Ako ang naunang natapos kumain kaya pumanik na ako sa kwarto para makaligo. Mabilis lang ako natapos maligo. Umakyat agad ako sa higaan para makapagpahinga. Nakapikit lang ako hanggang sa narinig kong bumukas ang pintuan at nag-uusap na pumasok si Marceline at Kriza. Ayoko sanang makinig sa kanila pero hindi maiiwasan dahil magkakasama kami.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now