✓Part 7-All For You

364 11 0
                                    

(Aerin POV)

Ang lambot ng pakiramdam ko. Napakagaan at napakapresko. Napakabango. Napakaaliwalas.

Teka saan ako?

Minulat ko ang mga mata ko.

Nakadapa ako sa malambot na kama. Binaling ko ang mukha ko sa kanan. Nakaawang bahagya ang bintana. Galing doon pumapasok ang sinag ng araw at ang preskong hangin.

Dahan dahan akong bumangon. Napansin ko ang shot Kong white silk night gown. Lumapit ako sa bintana at tuluyan itong binuksan.

Tumambad saakin ang mga bulaklak sa garden na pinalibutan ang maliit na fountain.

Ang asul ng langit at may mga kalapating nasa malaking puno ng Nara.

Napakagandang araw sa napakaganda lugar.

Tama, nasa rest house ako ni Agus.

Di na nakakapagtaka kung bakit gustong gusto ni Agus ang lugar na ito.

Pero bakit nandito ako?

Saan si Agus?

Naalala ko nawalan ako ng malay sa sama ng pakiramdam ko pero ngayon sobrang okay na.

"My lady Aerin gising ka na pala."

Rinig kong sabi ng babae sa likod ko.

"Po?"

"Ito pala si Carmi nurse mo at ako si Jordan ang doctor mo. Pinaalagaan ka ni Agus saamin." Sabi din ng lalaking kasama ng babae.

"Ganon ba? Anong araw na ngayon?"

"Dalawang araw at gabi ka nandito. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng doctor.

"Okay na Doc. Salamat sa pagaalaga. Saan si Agus?"

"He is downstairs for breakfast. Bumaba ka na rin para makakain. Ligpitin lang namin ang mga gamit namin para makaalis na."

"Maraming salamat. Should go and thanks Agus too sa pagpapunta sa inyo at alagaan ako."

"Obligasyon niyang paalagaan at alagaan ka. Asawa ka niya." Tawa ni Jordan.

Umiling ako at lumabas na ng silid.

Malakilaki din tong rest house ni Agus.

Akala ko ba sakanya lang ang lugar na to, halos pagtabuyan niya nga ako nung unang beses na pumunta ako dito, bakit pinayagan niyang dumito ako, ang doctor at nurse na yon.

Papunta na ako ng dining nung marinig ko ang boses ni Agus.

Sino ang kausap niya.

Tumigil ako at nakinig.

"How's Aerin? Is she better now?" Rinig kong tanong ni Agus.

"Opo. Medyo magaling na po siya."

"Prepare more nutritious food. Made her soup." Sabi pa ni Agus sa kausap niya kaya tumuloy na ako sa dining.

"Gising ka na pala." Bungad ni Agus sa akin nung mapansin ako.

"Thankyou sa,

"Bayad ko yan sa pagalaga mo noong may sakit ako. Kumain ka na at maligo. May paguusapan tayo." Aniya at nilagpasan ako.

Huminga ako ng malalim at nginitian ang kausap niya na cook pala.

Umupo na ako para makakain.

Di man lang ako sinabayan ni Agus.

***

Pagkatapos kong kumain. Naligo na agad ako.

Kumuha ako ng masusuot sa closet.
Hinubad ko na ang tuwalya.
Susuot ko na sana ang damit nung biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok galing don si Agus.

My Billionaire Subtitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon