CHAPTER 9

81.4K 2.5K 173
                                    

Chapter 9

"UMUWI ka na."

Humakbang ako paatras para isara ang pinto ngunit hinarang niya ito.

"Ganito ka ba tumanggap ng bisita? How grateful of you, my lady. Pagkatapos mo akong patayan ng tawag kagabi at hindi pinatulog, palalayasin mo ako ngayon?" panunumbat niya.

Bagama't mahinahon ang kanyang boses ay nakakunot naman ang kanyang noo.

"Ngayon kasalanan ko pa kung hindi ka nakatulog? Hawak ko ba ang mga mata mo? Umalis ka na. Sinisira mo ang umaga ako."

Bumuwelo ako at buong lakas siyang itinulak. Hindi niya yata napaghandaan iyon kaya't bumulagta siya sa sahig.

"The fu—shit!"

Nakita ko ang pagdaing niya at napahimas pa sa kanyang balakang. Napangiwi ako at agad na tinalaban ng konsensya.

Anong ginawa ko?

"S—sorry. H—hindi ko sinasadya. Ikaw kasi."

Nakagat ko ang ibabang labi at hindi alam ang gagawin. Yumuko siya't patuloy pa ring hinihimas ang kanyang tagiliran. Napasama yata ang pagbagsak niya.

Diyos ko! Wala akong perang pambayad ng x-ray!

Bahagya akong yumuko para hulihin ang kanyang mukha.

"A—ayos ka lang ba?" alanganin kong tanong.

Hindi agad siya nakasagot. Nasa bahagyang pang-upo pa rin niya ang kanyang kaliwang kamay. Binalot kami ng katahimikan sa loob ng mahigit isang minuto

Hindi ko nakayanan ang pananahimik niya kaya't umayos ako ng tayo at inilahad ang aking kamay sa kanya para tulungan siyang tumayo.

"P—pasensya ka na. Tulungan na kita."

He looked up to me, but instead of grabbing my hand, he handed me the bouquet of flowers. Ngayon ko lang napansin na hindi niya iyon binitiwan kahit na napasama ang pagbagsak niya.

Hindi agad ako nakagalaw. Nag-aalangan akong tanggapin ang mga bulaklak. I don't want to entertain him. Higit sa lahat, ayaw kong magkaharap kami nang matagal dahil pakiramdam ko'y matutunaw ako sa kanyang mga titig.

"Please?" he begged while looking up to me.

Nangungusap ang kanyang mga mata. I shut my eyes close then opened again. Nagbabakasaling sana ay nananaginip lamang ako. Ngunit pagdilat ko'y gano'n pa rin ang kanyang posisyon—patihayang nakaupo sa sahig habang inaabot sa akin ang mga bulaklak.

Ilang beses akong tumingala sa bubong para maghanap ng kasagutan kung tatanggapin ko ba o hindi ang mga iyon ngunit sa huli'y marahan ko iyong inabot mula sa kanya.

"Salamat. Tumayo ka na d'yan," mahinang sabi ko. Umiwas ako ng tingin nang pilit niyang hinuluhi ang mga mata ko.

"Help me, please?"

Napailing ako at muling inilahad ang kanang kamay ko para tulungan siyang tumayo—na siyang pinagsisihan ko dahil sa isang iglap ay nakaibabaw na ako sa kanya.

"What the hell, Dela Vega!"

Hinila niya ako padapa sa kanya!

I heard him chuckled. Aksidenteng nangudngud ang mukha ko sa matigas niyang dibdib kaya't amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Bigla ay parang lalabas ang puso ko sa aking dibdib. Ramdam ko rin ang tibok ng kanyang puso. It was as loud as mine.

I don't know for how long we stayed in that awkward position. Nakayakap sa bewang ko ang kabilang kamay niya.

Natauhan ako at mabilis na umalis sa ibabaw niya. Tiningnan ko siya nang masama ngunit nakahiga pa rin siya at malaki ang ngisi sa mga labi.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon