Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 1: Titan Academy

2.2M 49.9K 10.2K
                                    

Chapter 1: Titan Academy

Pinagmasdan ko ang malaking kastilyo sa tuktok ng bundok na napaliligiran ng gubat at ilog. Ang mga tore lamang nito ang kita dahil natatakpan ang kabuuan nito ng matataas na pader.

Kasing-laki ng kalahati ng Hesperia, ang bayan namin, ang kastilyo ng Titan Academy na ilang daang taon nang nakatayo.

"Darating din ang araw na makatatapak ako riyan."

Tiningnan ko si Lucas na nakaupo sa tabi ko. "Huwag kang umasa. Isang buwan kang hindi kakain para lang makabili ng isang set ng uniform ng school na 'yan."

Lahat ng taong nakatira sa Hesperia ay pinanganak na may special abilities, pero hindi lahat ay nakakapag-aral sa Titan Academy. Para makapag-aral dito, kailangan mong magbayad ng dalawang daang libong pilak na baray o limampung libong gintong barya.

"Panira ka talaga, Shia. Masama bang mangarap?" sagot ni Lucas.

Humiga si Lucas sa tabi ko at pinagmasdan ang bughaw na langit. Mula rito sa kinalulugaran namin ay kitang-kita ang kastilyo mula sa kabilang side ng bayan.

Bata pa lang kami ni Lucas, pangarap na niyang mag-aral sa Titan Academy. Sampung taong gulang kami nang magsimulang mag-ipon si Lucas ng pera para pagdating ng ika-labing apat na kaarawan niya ay maaari na siyang makapasok sa Titan Academy.

Nawalan siya ng loob pagkatapos ng dalawang taong pagtatrabaho araw-araw pagkatapos ng klase at tuwing weekend, at paghahatid ng dyaryo tuwing madaling araw. Kahit gaano siya kasikap at kasipag magtrabaho, napagtanto niyang hindi niya maiipon ang limampung gintong barya para makapasok sa Titan Academy.

Naisip ko noon na posibleng maipon niya ang kailangan niyang pera dahil sa special ability niya na super speed. Mabilis siya talagang kumilos. Minsan, hindi mo siya makikita at tanging hangin na lang ang maaabutan ng tingin mo 'pag dumadaan siya. Mabilis niyang natatapos ang kahit anong trabahong ibigay sa kanya.

Ngunit nahabol pa rin siya ng reyalidad ng buhay niya. May apat siyang mga kapatid at sakitin na ina. Yumao na ang ama niya noong dalawang taong gulang pa lang kami. Dahil do'n, nagdesisyon siyang itigil na ang pag-iipon para sa Titan Academy at mag-focus na lang sa pagpapakain ng pamilya niya.

Ako naman ay hindi nangarap kahit kailan na pumasok sa paaralang 'yon. Sa totoo lang, wala akong pangarap. Ilang buwan na lang ay magiging labingwalong taong gulang na ako. Magiging legal age na ako. Maaari na akong umalis sa bayang ito kung gugustuhin ko.

Problema lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta or kung ano ang gusto kong gawin.

Wala akong pamilya. Dalawang taon na ang lumipas simula noong yumao sina lolo at lola na nagpalaki sa akin, ang humalili bilang magulang ko. Mag-isa akong nakatira sa bahay na naiwan nila. Madalas dumadalaw si Lucas. Minsan, 'pag may pera ako, nagsasalo kami sa pagkain sa bahay ko.

My special ability is my enhanced senses and the way I control them. I can shut down my senses if I need to. I can tolerate pain, blinding light, and extreme noise. Pinakanapakikinabangan ko ay ang mabilis at matalas kong pag-detect sa kahit anong panganib kahit malayo pa ito.

Kung tutuusin, walang-kwenta ang kapangyarihan ko. May silbi ito, pero hindi ito ang tipo na pwede kong gamitin para sa kabuhayan. Gusto ko ng kapangyarihang tulad ng kay Lucas. Gusto ko ng kapangyarihang magagamit ko para magkatrabaho at kumita ng pera.

Tiningnan ko ang Titan Academy.

Sa Hesperia, may basic education program para sa lahat. Libre ito para sa mga batang pitong taong gulang hanggang labing apat na taong gulang. Sa unang apat na taon, tinuturo ang pagsulat, pagbilang, at pagbasa. Nagsisimula ang training ng special abilities pagkatapos n'on.

Pwedeng ituloy ang pag-aaral sa Titan Academy kung may pambayad ka. Doon mahahasa ang kapangyarihan mo. Siguradong may trabahong madadatnan ang makatatapos dito dahil tinatangkilik sila ng Magic Council.

Sa mga tulad naming free basic education lang ang natapos, mga pa-extra-extrang trabaho lang ang posibleng mapala mo. Informal workforce ang tawag sa amin. No specific jobs or expertise. Mga graduate lang ng Titan Academy ang posibleng magkapermanenteng trabaho. Ang mga katulad namin ay makauusad lang kung may kapit kami sa itaas.

Pagkatapos ng basic education, pwede nang magtrabaho, pero limitado lang ang opportunities namin sa Hesperia. Makalalabas lang kami ng bayan para magtrabaho 'pag naging labing walong taong gulang na kami. Wala nang pakialam ang Hesperia sa kung ano mang gawin mo pagkaalis mo.

"Ano kaya ang ginagawa ng mga estudyante sa mga oras na ito?" tanong ni Lucas habang naghihikab.

"Nagbibilang ng kanilang yaman. Doon naman sila magaling. Para namang marunong talagang makipaglaban ang mga anak-mayamang tulad nila."

Umupo si Lucas sa damuhan. "Whoa, iba na 'ata 'yan," pabirong sabi niya. "Namemersonal ka na 'ata."

Umismid ako. Kung makapagsalita siya, parang isa siya sa mga estudyanteng tinutukoy ko.

"Hindi ko lang gusto ang mga tingin nila. Naalala mo noong minsan na bumisita sila sa bayan? Kung tingnan nila tayo, para bang nakakita sila ng dumi sa kanilang mga sapatos."

Humalakhak si Lucas. "Hindi lang siguro sila sanay na makakita ng mga ka-edad nilang nagta-trabaho na. Alam mo namang ang iba sa kanila ay sa Titan Academy na pumapasok mula pitong taong gulang sila."

"Tama ka," sabi ko. "Sila ang mga klase ng tao na walang alam sa reyalidad. Puro sila magagandang damit, malalambot na kama, at masasarap na pagkain na hindi nila pinaghirapan."

"Naiinggit ka ba?" nakataas ang kilay na tanong ni Lucas.

Tiningnan ko siya nang masama. "Inggit? Ha! Naiinis ako. Sa mundong ito, walang pantay-pantay. Pero dahil napaliligiran sila ng mga kauri nila, wala silang alam kung gaano sila kaswerte."

Umihip ang malakas na hangin sa burol. Unti-unting nagbabago ang kulay ng langit. Mula sa bughaw ay naging gray ito. Sa 'di kalayuan ay ilang madilim na ulap ang nagpakawala ng kulog at kidlat.

Tumayo ako. "Mabuti pa ay bumaba na tayo. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko kay Mrs. Cello bago umuwi."

Pagtingin ko sa tabi ko, wala na si Lucas. Umirap ako nang marinig ko ang boses niya mula sa ibaba ng burol.

"Hoy, Shia! Ang bagal mo talaga! Tara na!" Kumaway siya nang nakangiti sa akin. Ang yabang talaga niya sa mga ganitong bagay.

Pinagpag ko ang lumang damit ko bago ako bumaba ng burol para sabayan ang pinakamatalik kong kaibigan.

***

Titan Academy of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon