Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 5

34K 835 30
                                    

May mga magaganda rin palang epekto ang pagseselos ni DFB. Nakataas na ng level ng confidence niya, nakabawas pa ng stress. Nakabawas sa stress niya kasi hindi niya kinailangang magpaka-orocan with him for long hours dahil ibinaba lang siya nito sa bahay at umalis ulit nang mag-isa. He almost didn't talk to her while he let her finish her food at the fast food restaurant tapos nag-aya na agad itong umuwi. Ni hindi nga nito kinain ang pagkain na inorder niya for him kaya pinasalubong na lang niya kay Kels. Tuwang-tuwa naman ito.

Nakapahinga siya ng ilang oras bago niya naisipang bumaba. Mga pasado alas kwatro na. She might as well help Kels with dinner preparations para maka-extra points na naman siya kay Jacob kung sakaling maghahapunan ito with her.

At since patuloy pa rin ang misyon niya, she put on a pair of light blue shorts na hindi naman maiksi masyado pero litaw pa rin ang makinis at maputi niyang mga hita. Tinernuhan niya ng isa sa mga shirt na naman from him na kulay puti pero ibinuhol niya ang harapan nito kaya kita nang bahagya ang tiyan niya. She has her hair in a messy pony tail. Ilang araw na hindi siya nagpapabango pero naisip niya kanina na mag-perfume. Alam niyang kahit hindi sabihin ni DFB, he liked how she smelled when they were together for lunch. Ginamit ulit niya ang Jo Malone English Pear and Freesia cologne para dagdag sa pang-aakit niya syempre. She dabbed some behind her ears.

Naudlot lang ang panghaharot niya rito dahil sa bad mood nito kaya ngayong gabi niya itutuloy. Sana lang gising pa siya pag-uwi nito. She winked at herself in the mirror. Satisfied with how she looked and smelled, bumaba na siya. She has plenty of time to help Kels dahil alam niyang wala pa si Jacob. Hindi pa niya natanaw ang kotse nito from her window.

Nagulat pa si Kels nang makita siyang pababa. Mukhang galing ito sa labas. Ngumiti ito sa kanya. May dala itong mga bulaklak.

"Wow! Saan galing 'yan, ha?" tukso niya rito.

"Wala!" natatawang sabi nito bago tumuloy sa kusina.

Sumunod naman siya rito.

"Anong wala? Ang gaganda ha? Sa admirer mo galing 'yan, 'no?" panunukso pa niya.

Simple pero maganda rin si Kels kaya hindi na siya magtataka kung may magpapadala ng bulaklak dito. Maingat na inilagay nito ang mga rosas sa lamesa ng kusina bago tumuloy sa lababo kung saan may mga gulay na nakababad. Nag-umpisa na itong hugasan ang mga gulay.

"Tutulungan kita," sabi niya.

"Kahit naman hindi na. Kaya ko na 'to," sagot nito.

"Kailangan kong gawin ito para naman hindi ako pagalitan ni Jacob. Baka sabihin na naman senyorita ako," sabi niya na may mahinang tawa.

Natawa rin ito. Inabot sa kanya nito ang beans na nahugasan. Tinuruan siya nito na putulin ang magkabilang dulo.

"Mas safe 'yan kaysa maghiwa ka. Baka magalit pa si Sir Jacob sa akin. Kuyang-kuya siya sa 'yo, eh. Mukhang overprotective," dagdag pa nito na malapad ang ngiti.

Hindi na lang niya pinansin ang huling sinabi nito.

"Turuan mo rin akong maghiwa at magluto. I want to learn. Nakakahiya na nilagang itlog at gulay lang, hindi ko maluto nang maayos," she told her na naiiling pa.

Tumango naman ito.

"Ang swerte naman ng mapapangasawa mo in the future. Maganda ka na, mukhang willing ka pang matutong magluto. 'Yon ang gusto ng mga lalaki. Maasikaso, lalo sa pagkain. Sigurado akong uulanin ka ng manliligaw kapag nag 18 ka na pero wag ka munang mag-aasawa kasi ang bata mo pa. Sa ganda mong 'yan, madaming gwapo at mayayaman ang magkakagusto sa 'yo kaya pumili ka nang mabuti. Hayaan mo lang silang magkandarapa. Pillin mo yung the best. The best sa lahat. Hindi ka bagay sa lalaking pwede na," biro nito.

Seducing Mr. IrresistibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon