Chapter 19

92.2K 2.9K 185
                                    

Happy 17+ k reads


Chapter 19: Lily Gang



Fuschia's POV


"I'm Zaren. The Leader of the the Lily Gang."

"I'm Zaren. The Leader of the the Lily Gang."

"I'm Zaren. The Leader of the the Lily Gang."



Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa utak ko ang sinabi kanina ng babaeng iyon. Gabi na kaya't nasa sari-sarili na kaming dormitoryo. Ni hindi ko rin nakita buong araw ang dalawang magkaibigan na sina Hera at Jeena. Bagay na hindi ko na bibigyan pa ng pansin lalo na at may bagong grupo na naririto na hindi ko alam ang pakay.



Nang magkasagutan sila kanina ni Lexine ay tila naging pamilyar na sila sa akin. Kaya ipinagpatuloy ko ang pagkain at pilit kong inaalala kung saan ko sila nakita. At hindi ako nagkamali. Isa ang Lily Gang sa mga naging matunog na gang sa bansang Europa dahil sa lakas nila dagdag pa na puro babae ang bumubuo ng grupo nila.



We have met them before in the Underground in Europe nang minsang mapadpad kami doon at nagliwaliw. Ang Underground City ay may iba't ibang sangay sa mga piling bansa. Ngunit ang Pilipinas ang pinakabase ng lahat ng Underground dahil sinasabing naroon ang taong mga namumuno at nagtaguyod na kilala bilang Empire Society. 



Ang buong Empire Society ay binubuo ng mga mafioso, gangster, reaper, assassin, sorority at iba pa. Ngunit dahil sa naging batas noon at dahil sa pamumuno ng pinakamataas na rangko ay napagbuklod at naisailalim ang lahat ng pangkat sa Society.



Emperor. Siya ang may pinakamataas na rangko o ang pinuno ng Society. Siya din ang nagahas na ipagbuklod ang bawat magkakaibang pangkat sa undergroung. At siya din ang nagpatayo ng Underground o Battleground sa iba't ibang panig ng mundo. May kumakalat na balitang patay na ito pero hindi ako naniniwala. Imposibleng patay na ito dahil sa nakikita kong maayos pa rin ang pamamalakad ng Empire Society. Higit doon ay walang kinaklaro ang grupo ng Council tungkol doon. Ang Councils na siyang sunod sa Emperor.



Agad akong napatingin sa pinto nang makaramdam ng pamilyar na presensya. Kasunod nito ay ang dalawang katok sa aking pinto. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Hindi na ako nagulat nang makita na si Blairre nga ang nasa harapan ko dahil may ipinagawa ako sa kanya.




"You should open that now." Saad niya sa akin bago umalis. Napatango na lang ako at pagkasarado ng aking pinto ay agad kong binuklat ang brown envelope na hawak ko.



Black Lily. White Lily. Pink Lily. Red Lily. Bukod sa mga pangalan nilang nakarehistro sa underground na tanging mga kulay ng lily ay agad ko ding tinatak sa isip ko ang mga kakayahan nila mapapisikal o armas.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon