Kabanata XII

23.5K 969 212
                                    

ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIANA'S POV

"Hindi ko kailangan ng kaibigan dito. Kaya ko ang sarili ko at magiging pabigat ka lang sa akin." Matigas kong sagot sa kanya sabay tayo na at iniwan siyang nakanganga sa kinauupuan niya.

Bakit ako papayag na makipagkaibigan sa kanya ng ganoon na lamang kadali? Hah! Sa mundo ng kalakalan at industriya ay hindi ka puwedeng uto-uto at tatanga tanga. Nasanay ako sa pag-uugaling hindi porke't nakahain na sa akin at mukhang puwede nang kainin ay basta ko na lamang susunggaban. Kailangan ko muna kilatisin ito o kaya kung masyadong maganda para maging totoo ay tinatanggihan ko ito. Lahat ng bagay may dahilan, may malalim na pinaghuhugutan at ang sagot sa akin ng babaeng iyon ay pawang kababawan.

"Sandali lamang!" Dinig ko pang sigaw niya sa akin pero hindi na ako nag-abala pang lumingon at nagdire-diretso na lamang ako sa paglalakad.

Naabutan naman niya ako kaya sumabay na siya sa akin sa paglalakad. Mukhang hiningal siya katatakbo pero inirapan ko na lamang siya at hindi pa rin ako nag-abalang huminto.

"Hindi mo naman ako kailangan iwan doon! Nakikipag-usap pa ako sa'yo eh." Hinihingal niyang pahayag pero hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy pa rin ako tungo sa Field kung saan gaganapin ang asembliya ng mga mag-aaral.

Nanahimik naman siya pero hindi pa rin niya ako nilulubayan kaya hinayaan ko na lamang. Basta hindi niya ako kinakausap o kinikibo ay hahayaan ko na lamang siya kundi ay makakatikim talaga siya ng pagsusungit ko.

Pagdating namin duon ay marami rami na rin ang mga mag-aaral na nakapila. Hiwalay ang mga kalalakihan sa mga kababaihan. May inilatag din na lumulutang na entablado sa gitna ng field na may iilang upuan. Sa baba naman nito ay mayroong walong gintong mga upuan na natatangi talaga dahil iyon lamang ang mga upuan na nandun na halatang mamahalin. Sino naman kayang mga paimportante sa buhay ang mauupo duon?

Nakikita ko na rin si Maestro Mageius sa harapan na inaayos ang pila ng ilang mag-aaral kaya nilingon ko na rin yung posibleng kabilangan ko. Muli kong sinilip ang pangkat na kabibilangan ko at nakalagay dito ang salitang Elios.

"Hala! Magkaklase pa pala tayo! Mabuti naman at nasa iisang pangkat tayo!"

Halos mapunit na ang papel ko nang bigla ko itong itago. Nakikisilip pala sa gilid ko ang baliw na kasama ko kaya nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Nilingon ko siya saka sinamaan ng tingin pero ang lawak lamang ng pagkakangiti niya sa akin.

"Puwede ba? Layuan mo na ako at wala akong panahon makipag-laro sa'yo." Mataray kong sagot sa kanya sabay irap. Mukhang hindi naman siya naapektuhan dahil ngumiti pa siya lalo sa akin. Bakit ba ganito ang mga tao na nakapalibot sa akin?

Isang matandang tawa ng tawa at ngayon naman ay isang babaeng ngiti ng ngiti. Ito na ba ang kapalit ng lahat ng pagsusungit ko sa mundong ito? Ayoko sa kanila!

"Hindi uubra sa akin yang mga pagsusungit mo dahil gusto talaga kita maging kaibigan!" Muli na naman akong kinilabutan sa sinabi niya kaya nilayasan ko na siya at naglakad na ako para hanapin ang pangkat ng Elios.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon