Chapter 7: Vine Manipulator

23.7K 804 63
                                    

( Cy )

Nakabalik na kami sa West Forest ng makita naming dali daling tinapos ni Zero ang mga dark user mapapansin dito na kanina pa mayhinahanap at ang pagkalito sa mga ibang Royalties dahil sa ginagawa nito.

"Is everyone alright?" Narinig kong tanong ni Hm Tanya na kakarating pa lamang.

"Some are injured but they're fine. Five students were sucked by the black dimension." Pagsasalita naman ng lalaking may brown na buhok na sa pagkakaalam ko ay kabilang sa Royalties at ang pangalan ay Six.

Hm Tanya look at Sir David na katabi niya lamang bago magsalita.

"Find the names of those five students at ipaalam mo sa mga magulang nila. They have to know." Paguutos ni Hm Tanya habang si Sir David ay yumuko bago umalis upang asikasuhin ang pinapagawa ni Hm Tanya.

"Thank you." Napalingon ako sa nagsalita at nakitang ito ang babaeng humingi ng tulong sa amin kanina.

"I didn't do anything." Anas ko.

Tama naman ang aking sinabi. Wala naman talaga akong ginawa dahil nakita ko na lamang na kusang gumalaw si Zero papunta dito.

"Still thank you kung hindi dahil sa inyo baka lahat ng mga kaklase ko ay nahigop na ng black dimension." Nakangiting saad parin nito.

"What's your name?" Pagbabaliwala ko dito.

"Bea, Bea Wein Hans." Nakangiti pa din ito.

Tumango lamang ako at sinimulang maglakad pabalik sa Academy ng nakakaanim pa lamang akong hakbang ng magsalita muli ito.

"How about you? What's your name?" Puno ng kuryusidad na tanong niya sa akin.

"Cy. Just call me Cy." I calmly said.

Muli naman akong nagpatuloy sa paglakad ng hindi na sila tinatapunan ng tingin.

My name isn't really important.

( Agatha )

Kanina ko pa tinitingnan si Zero na para bang may hinahanap pansin ko din ang nakakunot na noo ng aking mga kaibigan pwera na lang kay Kiyan na nakatingin lamang ng walang emosyon.

Nagulat pa nga ako ng bigla na lamang pinatamaan ni Zero ang mga dark user ng kidlat at tumakbo pabalik dito sa West forest pagkatapos ay pinayelo niya ang black dimension at piniraso ito kasabay ang pagdating ni na Alisia.

"Dude! Paano mo nalaman na ganon ang magpapakawala sa black dimension?" Nagtatakang tanong ni Chad habang nakatingin kay Zero.

"She told me." Simpleng tugon ni Zero na maslalong nagpakunot sa noo namin.

"She? Sinong she?" Nagtatakang tanong ni Six.

"I don't know. She told me inside my head." Nagsasalita muli nito habang mababakas ang kaseryosohan.

"Nababaliw ka na ba Zero? Sa pagkakaalam ko ay mahirap makipagusap sa inyo ni Kiyan sa isip lamang." Mataray na saad naman ni Dominique.

Zero and Kiyan are top student sa buong Fantavian Academy. They're the strongest kaya lahat ng mga nagagawa nila ay nasa ibang level kahit ang pagkausap sa isip nila lalo na kung wala nilang pahintulot. Silang dalawa din ang Emperor ng buong Zanvier kaya naman nakapagtataka na may nakapasok sa isip ni Zero.

"Are you sure about that?" Tanong muli ni Elien.

"Yeah." Kibit balikat na sagot ni Zero.

"There's a possibility that she's not ordinary." Saad ng isang pamilyar na napakalamig na tinig.

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon