Chapter 9: I am -

22.7K 927 46
                                    

Nakatingin lamang ako sa prinsesang nakangisi sa harap ko habang hinihintay ang pagatake nito sa akin. Dalawang minuto na ang lumipas ng magsarado na ang barrier na nagpapakitang pwede na kaming dalawang maglaban ngunit nanatili lamang kaming nakatingin sa isa't isa.

Bigla na lamang itong nagpalabas ng mga sanga na meroong mga tinik at nakangising tiningnan ako nito bago linatigo papunta sa dereksyon ko ang mga vines.

Ako naman ay umiwas lamang dito na naging dahilan ng paginit masyado ng ulo nito. Mas lalong rumami ang mga tinik sa vine at mas naging mas mabilis ang pagatake nito habang ako ay iwas lamang ng iwas.

"You're stupid. Iiwas ka na lamang ba? Isa ka lamang talagang mahinang nilalang sa mundong ito, ang dapat sa katulad mo ay mamatay katulad na lamang sa babaeng humingi ng tulong sa inyo maligtas lamang ang mga kaklase niyang walang pakinabang." galit na mayhalong pangiinis na saad nito sa akin.

"Ang mga katulad mo ay dapat hindi na nabubuhay pa kasama ng iyong mga kaibigan dahil ang katulad ko lamang ang maykakayahang mabuhay sa mundong ito." kasabay ng huli nitong sinabi ay ang pagtama ng vines sa akin ng malakas.

Ramdam ko ang pagtama ng likod ko sa barrier na naging dahilan para mapaubo ako. Hindi pa man nakakatayo ng hinablot ako nito at itinapon sa gitna ng arena.

Dahan dahan akong tumayo habang nakayuko ng maramdaman ko ang presensya nitong papalapit.

"Isa kang mahinang nilalang. Wala kang lugar sa mundong ito."muling saad nito kasabay ang paghambalos muli ng mga maytinik nitong sanga.

Kahit nakayuko ay walang pagaalinlangan ko itong sinalo, napapikit ako dahil sa sakit ng mahawakan ko ang vines na puno ng tinik na may lason.

Nakarinig ako ng mga pagsinghap galing sa labas ng barrier kung na saan ang mga studyante, Royalties, at mga teacher. Ngunit hindi ako nagabalang tumingin dito at nanatiling nakayuko ng bigla kong maalala ang pagmamakaawa ng babaeng humingi ng tulong sa amin na nagngangalang Bea.

Kumuyom ang aking mga kamao bago tiningnan siya ng sobrang talim. Masyadong mapagmataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Nakakainis.

"You're right, we're weak. Nothing but a useless one in this world but atleast we knew how to fight for our life. Hindi kagaya mong kapangyarihan lamang ang basehan upang mabuhay." pagsasalita ko habang nakayuko at maslalong idiniin ang hawak ko sa vines niya ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa aking kamay.

Bigla naman akong may narinig na sinusubukan na wasakin ang barrier at ang mga teacher at Royalties na nagsasalita.

"Open the barrier."

"She's going to get herself killed!"

"Stop her!"

"Open this damn barrier."

"But do you know one thing? You're useless than we are." i said again bago ko makita sa aking gilid na sinuntok lamang ni Zero at Rage ang barrier ngunit nagkaroon agad ito ng crack.

Susuntukin muli sana nila ang barrier ngunit bigla na lamang nawala ang crack ng barrier at mas tumibay pa. Alam kong gulat na gulat sila ngunit ipisinawalang bahala ko ito.

"Wala kang karapatan husgahan ang ibang tao lalong lalo na kung hindi mo sila kilala dahil sa inaasta mong yan pinapakita mong isa ka lamang na nilalang na matabas ang dila."

Wala na akong pakialam kung masaktan man siya sa sinabi ko dahil ito ay katotohanan naman. Dahil sa una pa lamang masyado na niyang minamaliit ang kakayahan namin.

"You don't have the right to speak to me that way." nanggagalaiting saad niya.

"You don't know me Princess of Ondios. Let me rephrase that. In this Academy no one knew me at all." i said with gritted teeth.

"I am Princess Mich Quizon of Ondios, I will kill you!" sigaw niya kasabay ang muling paglatigo ng bago nitong ginawang vines na nakapagpagulat sa lahat.

"I am Miyuri Cy from the Island of Thousand Nefhomia. I bow to no one." Walang pakialam na saad ko kasabay ng huling sinabi ko ay ang pagyelo ng hawak kong vines.

( Agatha )

"I am Miyuri Cy from the Land of Thousand Nefhomia. I bow to no one."

Lahat kami nagulat lalong lalo na ng kasabay ng huling sinabi niya ay ang pagyelo ng hawak niyang vines.

Land of Thousand Nefhomia o kilala din sa tawag na Frozen Land ay isa sa mga makapangyarihan lupain sa buong Zanvier. Dahil na din sila ang binigyan ng blessing ng Emperatris. Hindi lamang doon kaya kilala sila kundi dahil na din sa kanilang mga kaalaman. Kilala din sila sa kagustuhan nila ng mapayapang lugar.

Minsan lamang umalis sa kanilang lupain ang mga Nefhomian kaya isang karangalan ang makakita ng isang Nefhomian.

Tiningnan ko ang babaeng Nefhomian na nagngangalang Miyuri na ngayon ay walang kahirap hirap na pinapatamaan si Mich ng mga maliliit na ice spikes. Hindi din ito umaalis sa pwesto at kalmado lamang na ginagalaw ang kamay.

Bigla na lamang naging mga vine spikes ang mga vine ni Mich at pinatama kay Miyuri habang ako naman ay nakatingin lamang sa mga vine spikes na meroong mga lason.

Ngunit mas lalong kaming nagulat ng naging yelo lamang ang mga ito at bumalik papunta kay Mich na ngayon ay gulat na gulat.

"Shocking diba?" pagsulpot bigla ni Hm Tanya habang ang mga newbie ay nasa gilid lamang niya at nakatingin kina Mich.

"You knew her?" tanong ni Alisia.

Ngunit imbis na sagutin ay ngumiti lamang si Hm Tanya. Para bang may mga ipinapahiwatig iyon.

"She's no ordinary Nefhomian." pagsasalita ng nagngangalang Monique.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman.

"She's a dangerous one."pagsasalita naman ng nagngangalang Enzo.

"She might be your greatest rival in the near future, Alisia." biglang sabi ni Hm Tanya kasabay nito ang pagkasira ng barrier at ang pagkahimatay ng nanghihinang prinsesa ng Ondios.

Does that mean she's dangerous?

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon