Chapter 28: Mall

14.8K 488 41
                                    

Sorry sa late update guys. Nagstart na kase yung klase kaya matagal bago ako nakapag-update. Hope you understand! Sana suportahan nyo pa rin ang story ko. Thank you!!

---------------

             ***Samara's Pov***

Habang papunta kami sa mall dto sa magical kingdom sakay ng mga pegasus hindi ko maiwasang mapatingin kina Firen. Nakasakay sa likuran si Nicole habang nakayakap ito kay firen. Hindi ko din maiwasang magselos sa nakita ko kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap.

Pagkarating namin sa mall ay isa-isa na kaming bumaba meron mga lumapit na mga parang tauhan at kinuha ang aming mga pegasus upang ito ay asikasuhin. Pumasok na kami sa loob ng mall.

"Ren I want to bili some clothes!"maarteng sabi ni Nicole,napangiwi nalang kaming lahat dahil sa english nito. Humarap sa amin si Firen bago nagsalita.

"Doon na muna tayo sa girls section"sabi nito sa amin bago tumalikod at nagumpisang maglakad.

Dali-dali namang sumunod sa kanya ang linta--este si Nicole pala.

"Ren wait for me!!"sigaw pa nito na nakuha ng atensiyon ng marami. Napayuko na lang kami dahil sa hiya.

Katulad ng sinabi nya ay dumiretso kami sa girls section supposedly dapat nag-eenjoy ako dto dahil marami akong bagay na pwedeng mabili pero no--hindi ako makapag-enjoy dahil sa mga dala-dala ko,ginawa ba naman kaming tagabuhat ng MAHAL NA PRINSESA sa mga pinamili nya--and when I say lahat kasama doon si Firen na hindi manlang nagrereklamo.

Kita ko sa peripheral vission ko ang nakasimangot na mukha ni Aria ganun din si Walter. Ugh! Hindi ko na kaya to gutom na gitom na ako.

"Why don't we eat first! I am so damn tired!"iritang sabi ni Ice pero cold pa rin. Sa wakas makakain na rin ako! Thank you Ice your my savior!

Napatigil naman sa paglalakad sa harap namin ang prinsesa at humarap sa amin.

"Huh? Pero may bibilhin pa ako."sabi naman ni Nicole.

"Pero gutom na kami princess!"sabi naman ni Walter na nagmamaktol na rin. Hindi umimik ang prinsesa sa halip humarap ito kay Firen na parang nagmamaka-awa napairap na lang ako sa asal nito. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"We'll just eat first then we will buy that thing."sabi nito kaya naman nakahinga kami ng maluwag dahil sa wakas makakain na rin kami akala kasi namin pagbibigyan naman nito ang prinsesa.

"Yessss! Pagkain here we come!"sigaw naman ng kambal na parang nanalo sa sa lotto--see ganyan sila kagutom.

"FINE!!"bakas ang inis sa boses nito dahil hindi nasunod ang gusto.

Humanap kami ng restaurant na pwede namin kainan pero as usual ang prinsesa na naman ang nasunod. Really! Paano kami makakapag--enjoy kung sya lagi ang nasusunod!! She's really getting into my nerves!!

Umorder na kami ng pagkain buti na lamg this time hindi ang prinsesa ang nasunod sa kakainin namin kiung hindi aalis na talaga ako bahala sila sa buhay nila.

Umorder ako ng lasagna,fries,burger,pizza at coke oo ganun ako kagutom dahil ginurom ako ng linta, bwiset!!

Pagkarating ng order namin ay napanganga pa ang mga kasama ko dahil sa dami nito.

"Sam, hindi ka naman ganun kagutom noh?"sambit ni Aria,hindi ko na lang pinansin dahil hut9m na talaga ako.

"Eww... she eat so marami I think she's very mataba na."maarteng sabi ni Nicole pero tulad kanina ay hindi ko na lang pinansin hindi dahil sa gutom ako kung hindi dahil baka kapag nagsalita na ako may kasamang sabunot na rin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na muna ako sa kanila para mag-cr. Habang naghuhugas ako ng kamay ay may pumasok at walang iba kung hindi si Nicole. Lumapit ito sa lababo at naghugas din ng kamay pagkatapos ay humarap ito sa akin at nagsalita.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, STAY.AWAY.FROM.THE. ROYALTIES!"madiing sabi nito.

"At bakit naman kita susundin?"mahinahon pero bakas ang pagkainis sa boses ko.

"Caise I am the PRINCESS!!"sabi nito.

"Prinsesa ka lang pero hindi ikaw ang taong makakapagpasunod sa akin dahil hindi mo hawak ang buhay ko!!"sabi ko sa kanya.

"Talaga lang ha! Let's see!"tumalikod na ito sabay flip hair sa mukha ko pero may napansin ako na suot nya sa kanyang leeg. Kaya naman pinigilan ko ang pag-alis nito.

"WHAT!!"Iritang yanong nito.

"Sandali saan galing yang kwintas na suot mo?"tanong ko,kung hindi ako nagkakamali ito ang kwintas na nakita ko sa mall doon sa mortal world. Paano ito napunta sa kanya

Hinawakan nya muna itobago nagsalita"Glad you notice it! Ren gave it to me, how sweet of him dba?"bakas ang pang-aasar sa boses nito. "Oh! Gotta go!"sabi nito at umalis na,hindi ko na ito napigilan dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Nanlambot ang mga tuhod ko tumulo na rin ang luha ko. Ang sakit...kaya pala nung bumalik ako para sana bilhin ito ay may nakabili na raw, yun naman pala si Firen binigay nya pa ito sa prinsesa,sabagay sino ngaba naman ako, pero hindi eh... kung gusto nya talagang bigyan ang prinsesa bakit yun pang bagay na alam nyang gusto ko,pwede naman syang maghanap nang iba bakit yon pa. Mas lalo akong nawalan ng pag-asa. Siguro kaylangan ko na itong itigil...itigil ang nararamdaman ko sa kanya.

Ang hirap...ang hirap ng mag-isang umiibig!

Pinunasan ko ang mga luha ko at nag-ayos na ng sarili bago lumabas . Nagulat ako ng makita ko sa labas ang mga royalties at bakas sa kanila ang pag-aalala.

"Sam, bakit ang tagal mo--wait umiyak ka ba?"tanong ni Aria

"Wala toh! Naghilamos kasi ako kanina...kaso nalagyan ng sabon yung mata ko kaya ayun."i lied. Napadako ang tingin ko kay Ice na mataman lang na nakatingin sa akin yung tingin na parang inoobserbahan ang bawat kilos mo,umiwas na lang ako ng tingin baka mahalata pa nya na nagsisinungaling ako.

"What took you so long?"tanong ni Firen pero hindi ko ito tinapunan ng tingin o pinansin man lang sa halip ay nauna na lang ako sa kanila pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-ngisi ni Nicole.

Narinig ko pa ang pagtawag ng mga kasamahan ko sa akin pero hindi ko na sila tinapunan ng tingin dahil iniiwasan ko si Firen dahil sigurado ako na kapag nakaharap ko sya ay hindi ko na naman mapihilan ang pagtulo ng luha ko.

Pagkalabas namin sa mall ay sumakay na kami sa pegasus at pinalipad na namin ito papunta sa magic academy.

Sana ganon lang kadalo makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya, kasi sa sitwasyong ito palagi na lang akong nasasaktan. Kung wala ba ang prinsesa may pag-asa rin kaya na mahalin nya ako? Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Parang hiniling ko na rin na sana hindi na lang dumating ang tagapagligtas ng mundong toh laban sa kasamaan.

Sya nga kaya talaga ang PRINSESA?

........

PLS

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU!!

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now