HGP Special Chapter 1: My Childsih Prince

581K 9.3K 921
                                    

Grabe namiss ko din ang pag-click ng 'new part' sa storyang ito. huhuhuhu. Sana magustuhan niyo ito. Sinusulat ko ito habang may lagnat ako at may ubo. Kaya pagpasensyahan niyo na ako.

~*~ 

 Jade's Pov

+Kinder 2+

“Ma’am Jade! Andito na po si sir Pierce para sunduin ka!” sigaw ng maid sa labas ng kwarto ko.

Agad ko naman inayos ang sarili ko at pati na rin ang pink ribbon na nasa may uluhan ko. Ngumiti ako nang makita ko ang ganda kong mukha. Now, I’m ready.

“Pababa na po ako, manang.” Sabi ko at mabilis na kinuha ang aking Hello Kitty bag at bumababa na papuntang sala.

Bumungad naman sa akin ang napaka-gwapong lalalake na kababata ko habang ngumunguya ng bubble gum habang nakaupo sa ming sofa. I flashed my sweetest smile to him pero ngumuwi lamang siya. Sungit talaga ng lalakeng to pero okay lang crush ko pa rin siya.

“Hi, Pierce. Maganda ba ako?” bungad ko sa kanya.

Family friend kasi ang mga parents namin ni Pierce kaya palagi kami ang magkakasama. Hatid sundo rin ako sa driver nila dahil yun ang gusto nila mama masyadong busy kasi ang parents ko para i-hatid sundo ako.

Tumayo naman si Pierce at humarap sa akin. Tinignan niya ako ulo hanggang paa kahit magkasingtangkad lang kami, matagal kasi tmangkad ang mga lalake pagbata pa, at ngumiwi.

“Yes, you’re pretty...” sabi niya. “Pretty stupid. Para kang si Hello Kitty at ang panget panget kaya ni Hello Kitty.” Sabi niya.

Mangiyak ngiyak naman akong tumingin sa kanya. Bakit palagi siyang ganyan? Nilalait niya talaga ako! Ang bad bad niya! Kung hindi lang siya gwapo hindi ko na to kinaibigan eh.

“Sama mo, I hate you!” sabi ko at nauna ng lumabas ng bahay.

“I hate you, too.” Sabi niya.

Mas nalungkot ako wala na talagang pag-asang magugustuhan iya ang katulad ko.

***

+Grade 6+

Pitong taon na kaming magkakilala ni Pierce Andrews. Kung sa una ay natitiis ko pa ang pambubully niya sa akin pero hindi na ngayon. Siguro napagod na rin ako sa paulit-ulit niyang panlalait sa akin. Kahit isang compliment ay wala akong narinig sa kanya. Oo, siya na ang gwapo at grabe ang tinangkad niya ngayon pero hindi pa rin yun sapat na dahilan para laitin ako. Matagal ko ng kinamumuhian ang pagmumukha niya angsisisi talaga ako at bakit ko siya naging crush.

“Charlotte, pangit ba talaga ako?” tanong ko sa best friend kong kumakain ng sandwich.

Umiling naman siya at kumagat ng sandwich.

“Hindi ah, ganda mo kaya. Rami kayag nagkakagusto sayo dito sa school hindi mo lang alam.” Sabi ko.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon