Prologue

19 8 0
                                    


~*~

Being a guardian angel is not easy, specially if your human is a stubborn one. I sipped a coconut water while waiting for my next assignment.

I am Lucifer James, a guardian angel. I can't remember my life in Earth. But as long as I know, halos tatlong taon na akong nagtatrabaho bilang guardian angel. I've been assigned a lot people, I've seen some lose their faith and commit suicide. May iilan na pinapaabort ang bata na nasa sinapupunan nila, poor babies. Mga walang kamuwang-muwang pero tinanggalan ng karapatan para mabuhay.

Nakaupo ako ngayon sa isang banig sa ilalim ng coconut tree. Heaven was indeed a paradise, it's way too peaceful here kumpara mo sa Earth. It's been years after I left everything in that place at malaki na rin ang pinagbago ng lugar na 'yon.

Everyday, Earth is getting more modern and modern. But getting more cruel and cruel. People abused that planet, Some killed innocent animals, cut trees and threw their waste almost everywhere, they are destroying God's creation. I pity them, one day, they will suffer the consequence of what they're doing. Tumingin ako sa magandang tanawin na nasa harap ko ngayon.

Pinagmasdan ko ang crystal clear na dagat, papalubog na ang araw at tila humahalo na ang kulay kahel na araw sa dagat. Napangiti ako, They're right, Heaven is such a wonderful world. Wala ng lungkot, pagdadalamhati, at sakit, only happiness.

"You're Lucifer James, right?" Tanong sa akin ng lalaking walang pang itaas at nakaputing roba sa ibaba. May dala-dala itong bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. Tumango naman ako dito at may ini-abot itong puting envelope.

"That's your next assignment." Saad nito at bigla na lang naglaho na parang bula. Binuksan ko ang envelop at binasa ang nakasulat. The letter is beautifully written in calligraphy with gold ink.

To: Lucifer James

Deimanuelle, Lithianne
Will be born on December 28

It's already twenty-seventh of December, a few more hours and I'll be guarding this little girl. But I have a bad feeling about this girl, I hope you are not a troublemaker, Lithianne.

Pumasok na ako sa aking kubo at nagpalit ng isang puting roba para sa aking pang-ibaba. Simple lamang ang buhay dito sa itaas, pantay-pantay lamang ang aming pamumuhay.

Lumabas ako't lumanghap ng sariwang hangin, the salty breeze of the sea welcomed me. Nasa tapat lamang ng mga kubo ang dagat tila ilang metro lamang ang layo, tuwing umaga, masayang lumalangoy ang mga bata sa dagat. Habang sa ilalim naman ng puno ay mga kababaihan na masayang nagkukuwentuhan.

I sighed, pinalabas ko ang aking malalaking pakpak at tila para bang umuulan ng puting feathers. Itinupi ko ang aking mga tuhod at tumalon ng mataas kasabay ng pag-pagaspas ng aking malalaking pakpak. Mabilis akong nakalipad papalabas ng paraisong ito, at dumeretso sa aking bagong misyon.

Nang makababa ako sa lupa ng mga tao'y agad akong pumasok sa loob ng ospital kung nasaan ang mag-luluwal sa bata na aking babantayan. Walang nakakakita sa akin dahil isa na akong anghel, habang tinatahak ko ang daan papunta sa kwarto kung naasan ang ina ni Lithianne ay marami akong pasyenteng nakita na nag-aagaw-buhay.

Nang makarating ako sa kwarto ng ina ni Lithianne ay nakahiga na ito at umiire. Pinanood ko lamang ito at bakas sa mukha nito ang hirap na pinagdadaanan niya.

"One more push, Mrs. Deimanuelle." Saad ng doktora na nakapuwesto sa may pagkababae ng ina ni Lithianne. Sumigaw ito't napakapit ng mahigpit sa railing ng kama, at napuno ng iyak ng bata ang buong silid.

Welcome to your world, Lithianne.



- End of Prologue -

Horns & HaloWhere stories live. Discover now