Huling Gabi

4K 28 0
                                    

"Tay. Huwag ho." Pagmamakaawa ko kay tatay

"Anong huwag? Lumabas ka! Labas!" Sigaw nya saakin.

Pilit nya akong tinutulak palabas ng bahay.

Pilit kong nilalabanan si tatay kahit na alam kong wala akong laban sakanya.

Isa lamang akong mumunting babaeng bata

"Lumabas ka!" Sigaw nyang muli.

Niyakap ko si tatay saka humagulgol ng iyak.

"Tay huwag ho. Parang away nyo na tatay. Madilim ho at malamig sa labas."

"Lumabas ka!!" Sigaw nya saakin saka ako itinulak papalabas ng bahay dahilan para matumba ako sa lakas ng pagkakatulak nya.

"Tay. Wag nyo ho sarahan yung pinto." Humihikbi nang pakiusap ko.

Ngunit imbis na makinig ay mas pinili nya pang samaan ako ng tingin saka sinara ang pinto.

Takot na takot akong tumingin sa paligid.

Walang tao, walang ilaw, puros mga puno lamang ang makikita. Walang kahit na ano. Tanging ang ilaw galing sa buwan ang nagsisilbing liwanag ng gabing ito saakin.

Ramdam ko ang unti unting pag agos ng patak ng ulan mula sa ulo pababa sa lupa.

Napa hagulgol na lamang ako dahil sa sakit ng mga pasa na natamo ko mula kay papa.

'Lasing lang si tatay, kaya nya nagagawa to.' Pang uuto ko sa aking sarili.

Sumilong ako sa ilalim ng punong manga, kahit na alam kong mababasa parin ako.

Inaalala ko lahat ng naranasan ko kay tatay mula nung mamatay si nanay.

Napangiti ako ng mapait saka muling napahikbi. Wala ni isang magandang bagay ang nangyare saakin simula ng mawala si nanay.

Puro pananakit ang naaalala ko.

Naupo ako saka niyakap ang tuhod, ipinatong ang ulo sa tuhod saka muling naiyak.

Simula ng magkaisip ako, wala nang ibang sinasabi si tatay kundi dapat ay ako nalang ang namatay kesa kay mommy.

Nahirapan si mommy sa panganganak. Dumating na sa punto na papipiliin sya ng doctor, kung ako ba o si mommy ang bubuhayin.

Mas pinili ni mommy na ako ang mabuhay tutal ay mas mahaba pa raw ang buhay ko kesa sakanya.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo saka pumunta sa likod ng bahay.

Nakakita ako ng lubid na naka sabit sa hagdan.

Kinuha ko iyon saka dinala sa pinagsilungan kong manga Kanina. Mataas ang puno ng manga at sakto lang ang taas ng hagdan para mabot ang unang matabang sanga.

Nagsimula na akong humakbang pataas ng hagdan bitbit ang lubid na nakita ko.

Isinabit ko ito at itinali sa sanga ng manga.

Ipinasok ko ang aking ulo sa lubid na nakabuhol na at tanging ulo ko na lamang ang kasya.

Muli akong sumulyap sa bahay na kinalakihan ko.

Isang napakagandang bahay na puros mga pasakit at paghihirap lamang ang aking naranasan.

Bago ko pa man tuluyang matanggal ang aking pagkakatapak ay nakita ko ang liwanag na nagmumula sa kabubukas lang na pinto na agad ring sumilaw saaking mga mata.

Nakita ko ang agad nyang pagtakbo sa direksyon ko.

Luha. Sa unang pagkakataon, nakita ko syang lumuha, hindi dahil kay mommy kundi dahil saakin.

Bago ko pa man tuluyang matanggal ang paa ko na naka apak sa hagdan ngumit ako sakanya.

"I love you dad." Huling bigkas ko saka tinanggal ang pagkaka apak sa hagdan..

Paalam.. Tatay..

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon