Chapter 23

2.7K 42 0
                                    

Chapter 23: Paris?

Athenna's POV [Sa bahay]
Diretso lang ako pumasok sa bahay at umakyat sa taas. Ganun din si Kaito pero dumiretso siya sa office niya sa bahay. Pagka-pasok ko sa kwarto ay umupo ako sa kama at tinawagan si insan.

"Ohh. Bakit napatawag ka Athenna Rodriguez-Shin?"

"Wala lang insan."

"Anong nangyari?"

"Umm. Tayo-tayo lang to ha."

"Okey. Sabihin mo na."

"Si Kaito kasi."

"ANO!? ANONG GINAWA NI KAITO SAYO? BINASTOS NIYA KA!?"

Sakit yun sa tenga ha.

"Wala siyang ginawa sa akin—"

"Do you love me?"

Bakit na-alala ko ang sinabi niya nung isang gabi? Yung gabing may nangyari sa amin?

"Hoy! Anong nangyari sayo?"

"Insan, wala siyang ginawa sa akin. Kanina kasi binastos niya yung nanay niya."

"Aba! May nanay pa siya? Hindi halata."

"Insan naman eh."

"Okey. Binastos niya ang nanay niya. Sa pamagitan ng ano?"

"Ang tatay niya nag-tanong kung ano ang family name ko, at sinagot ko iyon. Tapos biglang tumahimik ang nanay at tatay niya. May itatanong sana ang nanay niya kaso hinila niya ako palabas."

"Tapos?"

"Ayon."

"Sabihin mo!"

"Okey. Nag-away kami."

"Dahil?"

"Kinulit ko siya."

"Anong ginawa niya?"

"S-sinigawan n-niya a-ako tapos h-hinawakan y-yung b-braso ko nang m-mahigpit."

"Eh gago pala yang Kaito yan! Sinigawan niya ka!? Tuturoan ko siya leksyon."

"Wag! Aayosin ko to!"

Binaba ko agad ang phone ko. Baka sulongin ni insan si Kaito, delikado na. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa office niya dito. Actually may kalayuan yun sa kwarto. Pagkarating ko sa office niya ay nakita ko siya umiinom ng alak na naka-top less? Kumatok muna ako sa pinto, baka kasi magalit siya. Parang siya kasi si Sleepy Ash Of Slot kung magalit. Yung lalabas ang black lion. Tumingin siya agad sa akin habang nakaupo sa upuan niya at hawak ang basong may lamang alak.

"K-kaito." Tawag ko.

"What?" Tanong ni Kaito sabay taas ng kilay. Pumasok muna ako then i close the door, na hawak-hawak ko ang door knob.

"Yung tungkol kanina, um—"

"Forget it."

See? Bastos talaga. Hindi pa nga ako nakatapos nang sasabihin ko, nag-salita na siya.

"Ahhh. Okey. Bakit pala na despondent ang nanay at tatay mo?" Tanong ko.

"No—"

"Kid! Si Athenna anak ni Maria Alia Rodriguez-Yoshida. Asawa niya si Kenta Yoshida at may anak sila na si Kenji Yoshida!" Wika ni Kai sa kabilang linya. Napatitig ako kay Kaito ng deretso. Kilala niya si mama? Tapos, may asawa't anak siya? May pinindut si Kaito sa telepono at nilapag ang basong ma alak.

"Kilala mo si mama?" Tanong ko.

"Umalis kana."

"Kaito! Tinatanong kita! Kilala mo si mama?!" Pasigaw kong tanong.

"Athenna, magpahinga kana."

"Kaito, sagutin mo ang tanong ko. May ibang pamilya na si mama? Kilala mo siya?" Sunod-sunod kong tanong. Halos tumulo na ang mga luha ko. Bakit hindi niya kayang sagutin?

Ilang saglit ay sinandal niya ako sa pader at hinalikan. Hinawakan niya ang bewang ko at naglakad papunta sa sofa. Pinahiga niya ako sa sofa na hindi tinatangal ang mga halik niya. Pumaibabaw siya at ako naman ay nahigaan niya. Napunta sa leeg ko ang mga halik niya habang ang mga kamay niya ay malayang gumala sa katawan ko.

"Kaito. Please answer my question. Kilala mo si mama?" Tanong ko. Sandali siyang tumigil sa pag-halik sa leeg ko.

"Oo. I know about your mother." Mahinang saad niya.

"Bakit hindi mo ko sinabihan."

"Masakit ang katotohanan, Athenna." Simpleng sagot ni Kaito. Pinagpatuloy niya ang pag-halik sa leeg ko at tinangal niya ang damit kong suot.

[In the morning]
Pagka-gising ko ay nasa loob ako ng office ni Kaito? Anong nangyari? Bakit wala akong damit? Tapos ang polo nalang ni Kaito yung tanging pan-tabon ko sa hubad kong katawan.

May nangyari ulit?

Akala ko panaginip lang yun?

"Gising ka na?"

Napatingin ako kay Kaito. Still, naka-top less parin siya. Ang aga-aga pinapakita niya ang mga pandisal niya.

"A-anong n-nangyari ka-gabi?" Mahinang tanong ko.

Tumahimik lang siya at inimun yung alak. Wala pa ngang laman ang tiyan, alak na ang inuna niya.

"Mag-bihis ka." Seryosong utos ni Kaito sabay tayo at buhat sa akin. Pumasok kami sa kwarto at pinaupo niya ako sa kama.

"Mag-impke ka. May pupuntahan tayo." Muling utos ni Kaito. Akmang aalis na siya ng hinawakan ko ang kamay. Nilingon niya ako at binitawan ko ang kamay niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

[Airport]
"Kaito, saan nga ba tayo pupunta?" Muling tanong ko. Sabay hawak ng kamay niya.

"Pupunta tayo ng Paris." Sagot niya. Totoo? Paris? City of Love? Dun kami pupunta? Bakit naman? Hinila niya ang kamay ko at pumasok na sa airplane. Pag-pasok namin kami lang ang tao dito, expect sa dalawang lalaki na mag-kamukha na parang sila ang pilot.

"Uyy. Kid. Hindi nakita makilala." Saad ng lalaking nasa kaliwa.

"Mmm. Sino siya?" Tanong ng lalaking nasa kana.

"Umalis na tayo." Pag-iiba ng usapan Kaito sabay upo sa upoan.

"Im Hiro, kapatid ko si Hiroshi." Pagpapakilala ng lalaki na ang palangalan ay Hiro.

"Athenna. Ano niyo si Kaito?"

"Pinsan." Magkasabay nilang sagot.

"Alis na tayo." Sambit ni Kaito sabay lingon sa aming tatlo. Umupo na ako sa upuan na nasa gilid ni Kaito. Sila naman ni Hiro at Hiroshi ay pina-andar na ang eroplano. Wahh! Nakaka-kaba!

[Few Hours Later]
Pagkagising ko ay nakita ko si Kaito naka-tayo. Ilang saglit lang nanging masama ang pakiramdam ko.

"Kaito, nandito na tayo sa Paris?" Tanong ko.

"Yeah," sagot niya sabay suot ng makapal na jacket. "Mag-suot ka ng jacket, malamig dito."

"May cr dito?" Tanong ko. Nang maramdaman ko na parang susuka ako ay agad akong pumasok sa cr at sumuka.

"Athenna! Okey ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kaito.

"Hindi lang talaga ako sanay sa biyahe. Lalo na sa eroplano." Sakot ko. Ilang minuto akong nasa cr. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

"First time mong sumakay sa eroplano?" Tanong ni Hisroshi.

"Oo. Kahit sa bus nga nasusuka ako."

"Okey, akala ko buntis ka eh." Nakangiting wika ni Hiro habang kumakamot sa batok. Napatitig kaming lahat kay Hiro. Porket na sumusuka, buntis agad!

"Tama na nga yang daldalan na yan, naghihintay na ang driver sa labas." Sambit ni Kaito sabay hila sa akin palabas ng eroplano. Alam niya naman na masama ang pakiramdam ko, hihilain niya agad ako.


#WTMBFIL

When The Mafia Boss Fall In Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon