Chapter 26: The Admirer

1.4K 45 2
                                    

© EynJey 2014

Chapter 26

Tinitigan ko ng matagal yung taong dumating habang paupo siya sa upuan sa tapat ko.

"Surprise?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Y-you mean, ikaw yung m-may gawa nung kahapon sa school?" kinakabahang tanong ko.

Tumango lang siya sa akin habang nakangiti.

Naka-upo na siya ng dumating yung waiter kaya hindi ko muna siya natanong dahil umorder muna kami.

Pagka-alis nung waiter saka na ako nagsimulang mag-usisa sa kanya.

"Di ko inaasahan na ikaw pala yung may pakana nung nangyari kahapon."

"Bakit, iba ba inaasahan mo?" nakangiti pa ring tanong niya. Ang hilig niya talagang ngumiti kaya minsan naiinis ako sa sarili ko kasi ang gwapo niya pag ganun siya.

"Hindi naman sa ganun, matagal din kasi tayong di nagkita kaya di ko inaasahan to."

"Masyado kasi akong naging busy e, but now, I guess I'm free para gawin yung mga bagay na matagal ko na dapat ginawa."

Ano naman kaya ang tinutukoy ng isang to!?

"Yung sa sulat na kasama nung bulaklak, totoo ba talaga yun?" tanong ko sa kanya.

Imbes na sagutin yung tanong ko ay tinanong niya rin ako. "Nagustuhan mo ba yung mga bulaklak? Medyo nahirapan nga akong pumili ng mga yun e."

Ewan ko ba sa sarili ko, bakit ganun, kanina lang excited ako na makilala kung sino yung nagbigay nung mga bulaklak pero ngayon, parang may part sa akin na medyo disapointed, siguro dahil umasa ako na yung taong inaasahan ko yung darating.

"Kurt, ayoko ng magpaliguy-ligoy pa, bakit ako? Sa dami ng taong nakapaligid sayo, bakit ako pa?"

Tama kayo, si Kurt nga yung dumating. Siguro kung dati pa to nangyari, baka kiligin ako, kasi naging crush ko rin tong si Kurt, pero ngayon, wala na.

Siguro saglit na paghanga lang yung naramdaman ko nun. Na humanga ako sa kanya dahil ang bait niya, idagdag pa na magandang lalaki siya. Pwede kaya yun?

Siguro.

"Alam mo na pala." medyo tatawa-tawang sagot niya sa akin. "Akala ko kailangan ko pang sabihin sayo e."

My Boyfriend is a Gay (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora