Milan

5.8K 322 57
                                    

CHAPTER 8

Naging abala sina Ramcel at Victoria sa school habang tumatagal. Sabay silang gumagawa ng assignments and projects. Tuwing vacant naman sila gumagawa ng sulat para kay Jenny.

Sumali sa Cheering squad at dance troupe si Vi, samantalang naging Thespian si Ramcel at contributor sa school newspaper. Kahit 1st year pa lang silang dalawa, pareho na silang nakilala sa buong eskwelahan dahil sa kanilang angking ganda at katalinuhan lalo nang manalo sila sa Regional Quiz Bee. Dinaig din ni Vi ang mga higher years nang manalo syang Miss St. James. Kaya lalong dumami ang mga umaaligid na manliligaw sa labas ng classroom nila para makita si Vi, na syang lihim na ikinainis ni Ramcel.

Laking pasasalamat ni Ramcel sa istrikto nilang adviser na si Ms. Rivera, na syang nagtataboy sa mga binatang nais pumorma kay Victoria. “Kapag nakita ko pa kayong tumatambay sa labas ng classroom ko, ipapatawag kayo lahat sa Principal’s Office,” banta nito minsan nang mapansin nitong may mga nakatambay sa labas ng room habang nagtuturo ito ng Filipino. Mabilis pa sa alas kwatro na nagsialisan ang mga binatilyo.

“Takpan kaya kita ng sako?” Biro ni Ramcel habang tinitignan ang magandang mukha ng kaibigan. “Masyado kang maganda eh.”

“So, nagagandahan ka sakin?” Ganting- biro rin ni Vi saka kumindat sa kanya.

Inirapan ito ni Ramcel. “Feeling ka din eh.” Tatawa-tawa sa kanya si Vi.

Buti na lang walang interes si Vi sa mga lalaking umaaligid dito. Sa pag-aaral at activities sa school ito naka-focus. Kahit abala sa kani-kaniyang kinabibilangang grupo, nagagawa pa rin nilang magsabay umuwi. Hinihintay nila ang isa’t-isa. Kapag may late practice si Vi, hihintayin sya ni Ramcel at ganun din naman si Vi kapag sya naman ang may practice sa Theater club.

They were inseparable and closer than ever. Kapatid na ang turingan nina Vi at Ramcel sa isa’t-isa. Laking tuwa nila nang maging magkaklase pa rin sila nang maging Sophomore sila. Nagkaroon na rin sila ng ibang mga kaibigan pero kagaya ng ipinangako nila, silang dalawa pa rin ang magbestfriends. Patuloy din nilang sinusulatan si Jenny, na nakapag-adjust na rin sa Maynila.

“Vi! Congrats, Best!” Masayang nagyakap ang dalawa nang manalo si Victoria sa cooking contest na ginanap sa school nila during Foundation Day. “Kailangang matikman ko yung dish mo ah.”

“Syempre,” nagniningning ang mga matang sabi ni Vi habang hawak nito ang trophy at sobre ng cash na napanalunan nito. “Ikaw kaya ang lucky charm ko.” Kinilig si Ramcel nang niyakap sya ulit ni Vi nang mahigpit. Kumalas ito sa kanya nang lumapit sa kanila si Milan, ang gwapong transferee na naging instant crush ng bayan dahil magaling din itong basketball player. Kapareho rin nilang sophomore.

“Congrats, Vi,” nakangiting bati ni Milan at inilahad nito ang kamay.

“Salamat.” Matipid na ngumiti si Vi at nakipagkamay sa binatilyo.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ramcel, lalo na nang makitang may kilig sa mga mata ni Vi habang nakatingin ito kay Milan. Hindi mahahalata nang kahit na sinuman pero dahil kilalang-kilala na ito ni Ramcel, alam nyang may gusto si Vi sa lalaki. Matagal na nyang napapansin na palihim itong sinusulyapan ni Vi sa tuwing nasa paligid si Milan. Parang kinukurot ang puso ni Ramcel sa nakikita pero wala syang magawa. Hindi nya hawak ang damdamin ni Vi.

At sa nakikita nya, gusto rin ni Milan ang kaibigan nya. Kapag nanligaw ito, alam ni Ramcel na may pag-asa itong sagutin ni Vi. He’s handsome and an exceptional basketball player. Matalino din ito at mukhang mabait. Kahit si Ramcel walang maipintas rito.

“Tara, Ram. Gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod ang araw nato.” Iwinaksi muna ni Ramcel ang iniisip nang hawakan ni Vi ang kamay nya saka sya hinila palayo sa mga taong nakapaligid rito. “Hintayin mo na lang ako rito. Kukunin ko lang yung bag ko.” Pumasok ito sa loob ng Home Economics room.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon