Fighter

5.7K 304 121
                                    

CHAPTER 10

“Alam na ni Victoria ang tungkol sayo…she knows you are a lesbian…alam na rin nyang may gusto ka sa kanya.” Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw iyon sa utak ni Ramcel buong araw. That answered why Victoria was acting that way. Acting what? Repulsed? Sickened? Appalled? Kahit anong adjective ang gamitin nya, kitang-kita nya ang pandidiri nito sa kanya.

Nangyari na ang kinatatakutan nya. Nalaman na ng kaibigan ang tungkol sa pagkatao nya. Ang tungkol sa nararamdaman nya para rito. At kagaya nang kinatatakutan nya, mukhang hindi sya nito tanggap.

Laking pasasalamat nya kay Ms. Rivera dahil excused the whole day ang mga miyembro ng Theater club para magpractice at gumawa ng props. Hindi nya kailangang humarap kay Victoria ngayon. Since hindi rin sya nito kinakausap, mabuti na rin sigurong hindi muna sila magkita para makapag-isip sya kung anong gagawin at para na rin makaiwas dahil hindi alam ni Ramcel kung paano haharapin ang kaibigan. Wait, kaibigan pa ba ng turing sa kanya ni Vi?

Narinig daw ni Helena kahapon during her Vacant period na pinag-uusapan si Ramcel ng mga miyembro ng dance troupe. Nung gabing nakita nilang dalawa sina Victoria at Milan, may nakarinig ng usapan nila ni Helena at nakarating ang lahat sa kaibigan nya.

Hindi mapigilang magtampo ni Ramcel kay Victoria. Kung nalaman na nito ang tungkol sa pagkatao nya, bakit hindi man lang sya nito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Hindi man lang ba sya nito tatanungin directly kung totoo iyon? Magkaibigan sila nito di ba? Dapat sa kanya muna ito magtanong ng mga bagay-bagay. Paano kung hindi pala totoo? Huhusgahan na ba sya nito agad?

“Ramcel, ano tong nababalitaan ko?” Pukaw ni Samantha, isang Junior at sya rin ang President ng Theater club, kay Ramcel, na kasalukuyang naggugupit ng art paper. Nakapameywang itong nakatingin sa kanya. “Kumakalat sa buong campus na may relasyon daw kayo ni Victoria.”

Nagkatinginan sina Ramcel at Helena. Bukod sa nakarating na kay Victoria ang tungkol sa gender preference nya, kumakalat din sa buong eskwalahan na may relasyon sila ng kaibigan. Nabigyan ng ibang kahulugan ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Inis na tumayo si Ramcel at hinarap ang leader nila. Natigil sa mga kanya-kanyang ginagawa ang mga kagrupo nila para makinig sa usapan nila. “Hindi totoo yun. Magkaibigan lang kami ni Vi,” she said with conviction. “It’s true, I prefer girls. May problema ba dun?”

Tinitigan sya ni Samantha saka ito ngumisi. She looked amused. “May problema ba kayo sa pagiging lesbian nya?” Samantha addressed the other members, who shook their heads. “Good,” she said satisfied at tumingin muli kay Ramcel. “Wala kaming problema dun, Ramcel. Kahit maging girlfriend mo lahat ng mga babae dito sa school, wala akong pakialam. Ayoko lang maapektuhan ang performance mo. I don’t want you distracted. Siguraduhin mong huwag kang magkakalat sa araw ng pagtatanghal natin.”

Nakahinga nang maluwag si Ramcel. “Makakaasa ka dyan. Hindi ko ipapahiya ang Theater club. I also hate mediocre performance.”

“Mabuti naman,” napangiting sabi ni Samantha. Bumaling ito ulit sa mga kagrupo nila. “Back to work everyone. Huwag tatamad-tamad. Tigilan nyo ang tsismis,” masungit na sabi nito kaya inabala ng lahat ang mga sarili sa kani-kniyang ginagawa. “Ram, I have a very important question.” Hinintay ni Ramcel ang tanong nito. “Do you find me attractive?”

Ramcel smirked. “Is that a trick question?”

“Nakakainis ka. You should have said yes,” Samantha glared but laughed before leaving the room. Napailing na lang si Ramcel but she couldn’t help but feel grateful to her. Sana lahat ng tao katulad nina Samantha at Reese. Open-minded.

But it was different outside the Theater club. Kahit saan magpunta si Ramcel, pinagtitinginan sya. Hindi lang naman sya ang lesbian sa buong campus, but it seemed to be a big deal dahil silang dalawa ni Victoria ang involve. They were both popular, smart and beautiful. Hindi lang makapaniwala ang lahat na ganun sya. Isa syang model student. It was unexpected.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon