Family

5.6K 314 55
                                    

CHAPTER 13

Magaan na ang loob ni Ramcel nang pumasok sya ng lunes. It felt like something heavy was lifted off her chest. Nagkabalikan nga sina Tita Jam at Jackie. Hinatid sya ng mga ito kahapon ng Sunday afternoon. Hindi na sya nag-usisa sa mga ito. Ang mahalaga masaya na ang dalawa. Pagkatapos makipagkwentuhan nina Tita Jam sa Mommy nya, umalis din ang mga ito para ipakilala ng pormal ni Tita Jam si Tita Jackie sa Lolo at Lola ni Ramcel.

Habang kumakain sila ng Mommy nya ng dinner, umamin na rin si Ramcel tungkol sa kanyang gender preference. Tama nga si Reese dahil tanggap ng Mommy nya ang kanyang pagkatao.  Niyakap sya nito nang mahigpit at sinabing mahal na mahal sya nito.

Kaya kahit medyo malungkot pa rin sya dahil kay Victoria, pakiramdam nya mas may lakas na sya ngayong harapin ang lahat. Bahala na kung saan tutungo ang pagkakaibigan nila nito. If Victoria would choose to cut their ties, then so be it. Kailangang masanay na syang wala na ito sa tabi nya.

Kinabukasan, naabutan nya si Lauren sa bungad ng pintuan ng classroom nila. Ngumiti ito nang makita sya. Napakunot ang noo ni Ramcel. Ano kayang kailangan nito? Naisip nya.

“Excuse me. Nakaharang ka,” medyo masungit na sabi ni Ramcel. Lauren was unfazed. Hindi ito umusog para paraanin sya. Smile was still plastered on her pretty face. “Umagang-umaga. What do you want?”

Natawa ito sa kanya. “Umagang-umaga ang sungit mo. Yan ang gusto ko sayo eh. I find your crossness endearing,” amused nitong sabi. Sinamaan ito nang tingin ni Ramcel. “Sabay tayong maglunch mamaya ha.”

“Bakit ako sasabay sayo?” Tanong nya.

“Dahil mula ngayon, friends na tayo,” sagot nito at hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.

“Why do you want to be friends with me?” Ramcel was curious. She was never friendly with anyone except Vi. She rarely smiles or greet anyone.

“Because I like you,”sagot naman ni Lauren. “Wala ka ng choice anyway. Susunduin kita mamaya.” Wala nang nasabi pa si Ramcel dahil iniwan na sya nito. Napansin nyang malungkot na nakatingin sa kanya si Victoria nang tuluyan na syang makapasok sa room.

Pagdating ng lunch, pinuntahan nga sya ni Lauren. Kasama pa nito si Liezle. Magkaklase ang mga ito.

“Jolibee tayo,” sabi ni Helena at nakangiti sa kanilang tatlo. Tumango naman ang dalawa.
Kumunot ang noo ni Ramcel. “So, nag-usap-usap kayong tatlo?” Nakataas ang kilay na tanong nya sa mga ito. They grinned at her as confirmation. Ramcel rolled her eyes. Wala na syang nagawa nang kunin ni Lauren ang kanang kamay nya at hinila palabas. Medyo nag-alangan sya. Naalala nya si Vi sa ginawa nito. “Teka, Lauren.” Nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya si Lauren. “Hindi ka ba naiilang?” She indicated their hands. “O kaya nag-aalala na baka matsismis tayong may relasyon?”

“Hindi. Wala akong pakialam sa kanila,” seryosong sabi nito saka nagpatuloy maglakad nang hindi binibitawan ang kamay nya. Narinig nyang natawa sina Liezle at Helena.

Mula noon, araw-araw na nyang kasabay ang mga itong kumain ng lunch. Kahit paano, napapawi ang kalungkutan nya. Nami-miss pa rin nya si Victoria pero naiibsan naman yun dahil hindi sya hinahayaang mag-isa nina Lauren. Minsan nanonood pa sina Liezle at Lauren ng practice nila sa theater club.

Na-appreciate ni Ramcel ang ginagawa ng mga ito. She knew they meant well. At nakikita nyang tinuturing sya ng mga itong kaibigan pero hindi pa rin nya maiwasang mag-alinlangan. Baka isang araw, iwanan din sya ng mga ito.

“Ram, hindi masamang ngumiti paminsan-minsan,” naiiling na sabi ni Lauren sa kanya. Nasa canteen silang dalawa at hinihintay sina Helena. Lumapit sa kanila si Harrison. Natapos na kasing basahin at i-edit ni Ramcel ang essay nito. Binigyan din sya nito ng isang pack ng Yakult bilang pasasalamat. Ni hindi kasi ngitian ni Ramcel ang binatilyo kanina. Tinanguan lang nya ito.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon