Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CHAPTER 26

1.1M 30.9K 11.1K
                                    

CHAPTER 26

WALANG pag-aalinlangang ibinaon ni Knight ang espada sa panghuling buhay sa Triad headquarters na pinasok. Habang nawawalan ng buhay ang sinaksak niya, hinugot niya ang espada at isinaksak ulit iyon sa leeg naman nito hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Knight let out a loud breath. "Sorry about that."

Hinugot niya ang espada saka tumayo mula sa pagkakaluhod at ipinalibot niya ang tingin sa kabuonan ng lugar.

The silence was deafening. No one— not a single soul was left alive. Blood was scattered on the floor, walls and ceiling. Dead bodies are everywhere.

Ni hindi na nga niya mabilang kung ilan ang tinapos niya ang buhay mula ng makapasok siya sa gate ng compound na 'to. He just keeps on attacking until there's no one left.

It was a Triad's Headquarter that needs cleaning because of some Confidential Organòsi files that they stole.

Naglakad si Knight patungo mahogany table saka maingat na umupo sa swivel chair at inilapag ang katanang hawak sa gilid ng lamesa... at gamit ang duguang kamay, binuksan niya ang laptop na naroon saka may ini-insert siyang device sa USB port ng laptop na gawa ni Shun.

Knight tapped the earpiece on his left ear to on it.

"Bud." Anang boses ni Shun sa kabilang linya. "How is it?"

"Done. Inilagay ko na sa USB port 'yong pinapalagay mo—" He's really not a techie person. "Whatever that is."

"I'm hacking now." Ani Shun na mukhang pinasok na ang system ng Triad Headquarters na 'yon gamit ang laptop na nasa harapan niya.

Thanks to that device that he inserted on the USB port, Shun can enter the Triad's system easily.

Shun tsked. "Damn, Velasquez, I'm looking at the CCTV footage now in that HQ— this is the bloodiest that you've done so far. Ever. Stressed?"

Isinandal niya ang katawan sa likod ng sofa saka inabot ang tissue na nasa ibabaw ng mesa at ginamit iyon para alisin ang kumapit na dugo sa katana niya.

"Yeah, kind of." Sagot niya kay Shun, "someone tried to harm my baby today. I'm just letting off some steam."

Shun tsked again. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit palagi kang mag-isa sa mga misyon mo. If someone sees your work, personally— they'll be shaking in fear. Even I feel nauseous looking at these pile of bodies and pool of bloods."

"Why is that I don't feel the same?" Pabulong niyang tanong saka bumuntong-hininga. "Though fear is good to control people. And I'm used to working alone anyways. Ayokong may kasama na iba ang isip sa isip ko at iba ang desisyon sa desisyon ko. Baka pati siya mapatay ko." Aniya saka ipinatong ang mga paa sa gilid ng mesa at ipinikit ang mga mata. "I'll rest for a bit. Tell me if you're done hacking."

Hindi na umimik si Shun pero naririnig niya ang pagtipa nito ng keyboard sa laptop niya.

At hindi pa nag-iisang minutong nakapikit ang mga mata niya ng may kumapit na kamay sa rugged jeans niyang suot.

Knight opened his eyes before looking down.

It's the right hand man of the boss of this Triad HQ. He was weak but still glaring at him with murderous look on his face.

"You're still alive?" Knight sighed heavily before gripping his katana, "you should have played dead to live." Pagkasabi niya niyon ay ibinaon niya ang espada sa likuran niya, siniguro niyang tatamaan ang spinal cord nito para hindi na ito magising pa.

Nang bumagsak ang katawan ng lalaki sa sahig, gumawa iyon ng ingay pero kaagad siyang bumalik sa pagpikit ng mata para makapagpahinga pansamantala.

POSSESSIVE 21: Knight VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon