Volume 2 CH 38: Home Again

1.5K 35 5
                                    

Raven's Pov

'Raven buti na lang ay nandito ka na ulit. Nagalala ako ng husto sa pagkawala mo' ani ni Kiera habang nakain kami ng lunch sa cafeteria.

Tatlong araw na kasi lumipas simula nung nakabalik kami dito sa Linford. Aamihin ko na masaya ako na nakabalik ulit ako pero may kakaiba akong lungkot na nararamdaman. Para may kulang o para may nalilimutan ako importanteng bagay.

Pero kahit anong isip ko di ko maalala o di ko malaman kung anong sanhi ng kakaibang kalungkutan na nararamdaman ko.

'Patawad Kiera kung nagalala ka pa sakin' sagot ko pero niyakap ulit ako ni kiera. Simula kahapon kasi yakap na sya ng yakap sakin at mawaglit lang ako sa paningin nya nagpapanic na sya.

Pati si Zack ay ganon din ang reaction. Maya maya nya kong chinicheck at sige ang tanong o kamusta sakin. Then minsan si Silver ay nakakausap ko rin pero madalang dahil mukhang marami itong na iwan ng gawain kaya ito'y naghahabol ngyon.

'Masaya akong nandito ka na ulit Raven sabi ni Ryzell kaya nginitian ko ito habang di pa rin bumibitaw sa yakap si Kiera.

' Namiss kita Raven. Ang daming nangyari ng wala ka. Pero handa kong ikwento sayo lahat 'ani ni Kiera at naramdaman kong unti unti ng lumuluwag yun pagkakayakap nya sakin.

' Ano bang mga nangyari? 'tanong ko ng tuluyan ng humiwalay sa pagkakayakal si Kiera.

'Pagkawala mo sundo sunod na ang pagkamatay o pagkawala ng mga ilang estudyante dito sa Linford. Nagkaroon din ng haka haka na baka may traidor sa pamahalaan ng Arzena kingdom dahil nagsunod sunod din ang pagnanakaw ng mga gamit sa loob ng palasyo' kwento ni Kiera.

'Ang bali balita hinigpitan lalo ng council ang seguridad sa kaharian at ganon din dito sa school. Kung mapapansin mo 6pm pala ay bawal ng lumabas sa mga sari-sarili nilang dorm ang mga estudyante. Idagdag pa ang weekly dorm monitory nito sa mga kwarto natin 'dagdag ni Ryzell.

Marami na palang nangyari buhat ng nawala ako dito. At maraming nagbago ng bumalik ako. Ramdam ko kasi na maraming mga mata ang tumitingin sakin at pinagbubulungan ako. Ang sabi ni Kiera ay dahil ito sa ginawa nina Zack at Silver.

Na kwento kasi sakin ni Kiera kahapon ang ginawa nina Zack at Silver. Para kasi iligtas lang ako ay sinuway nila ang utos ng pamahalaan at council. At isa pang pinaguusapan ng lahat ay ang pagwawala ni Prince Night sa bulwagan ng Pamahalaan.

Maraming nagsasabi na ginawa raw yun ni Prince Night para tulungan sina Silver at Zack ng makapuslit palabas dahil naganap ang pagpuslit at pagwawala nito ng sabay.

Kaya bilang parusa nito ay dalawang linggo ito na kapiit sa kulungan ng pamahalaan. Nung nalaman ko yun ay di ko alam kung anong gagawin ko. Kasi kung totoong ginawa ni Prince Night yun para tulungan sina Zack at Silver ay malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Hindi lang pala sina Zack at Silver ang dapat ko pasalamatan. Idagdag pa si Ashton na naging malaking tulong din.

'Kaya pinagiingat ang bawat estudyante at mamamayan ng Arzena dahil mukhang nasa loob na ang ating kalaban' ani ni Kiera at nakita kong tumango tango dito si Ryzell.


'Nga pala Raven ikwento mo na sakin kung anong buong nangyari sayo nung nawala ka dito sa linford ?' biglang tanong ni Kiera sabay kagat ng kanyang tinapay.

Magsasalita na sana ako ng may narinig akong mga pamilyar na boses kaya napatingil ako at napalingon sa likod namin.

' Bat di mo na lang kasing tanggalin ang weird na maskarang yan. Mas lalo kang nagiging weird dyan' kita kong ani Zack kay Ashton na papasok palang sa cafeteria.

'Oonga kung ano man yang tinatago mo wag kang magalala di ka namin huhusgahan.' rinig ko naman na sabi ni Stone habang pinipilit tanggalin yub maskara ni Ashton.

Pero kahit anong gawin nila ay di sila na nalo-nalo kay Ashton. At speaking of Ashton ngyon ang simula nya sa pagaaral sa Linford. Masaya akong nagawan ng paraan ni Silver ang pagpasok nya.

'Raven' tawag sakin ni Ashton sabay lapit sakin at iniwan yun dalawa. Nginitian ko agad ito at inalok ng upuan sa tabi ko pero uupo na sana ito ng unahan ito ni Zack.

'Yow Flat' bati nito sakin sabay agaw ng kinakain kong pagkain.

'Bumili ka nga ng iyo Zack. At hindi ikaw ang pinapaupo ko dyan' sagot ko at nakita kong tinaasan ako nito ng kilay.

'Hi guys paupo' bati ni Stone na agad na umupo sa tapat ni Kiera. Si Kiera naman ay nakita kong sumiring.

'Wala akong pake uupo ako sa kung saan ko gusto at kakainin ko ang gusto kong pagkain. At pinapaalala ko lang sayo na ang dami mo ng utang sakin kaya magayos ayos ka' sagot ni Zack sabay kagat ng tinapay ko. Ako naman ay napabungtong hininga na lang at nakita kong umupo na lang sa tabi ni Ryzell si Ashton.

Pasalamat lang ito si Zack na ang laki ng utang na loob ko sa kanya kung wala lang kanina ko na ito nabatukan sa pambubully kay Ashton.

'Shut up ayokong makipagusap sa langaw na tulad mo' bigla akong napatingin kay na Kiera at Stone na nagsimula na itong magbangayan.

'Tinanong mo ba ko kung gusto rin kita kausap?' sagot ni Stone at nagsimula na ang walang katapusan nilang away. Kaya napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

Namiss ko ang pagaaway nilang dalawa sa totoo lang.

'Bagay sayo ang uniform mo Ashton' ani ko at nakita kong biglang umiling iling ito sakin.

'I-Ibinigay ito ni S-silver sakin' sagot nito.

Magsasalita sana ulit ako para tanungin si Ashton kung kumain na sya ng biglang umepal si Zack na naubos na pala ang pagkain ko.

'Flat bilhan mo pa nga ako ng pagkain di ako na busog sa pagkain mo' utos nito kaya sinamaan ko na sya ng tingin pero syempre walang talab yun sa isang Zack.

'Wala akong pera. At higit na mas mataas ang allowance nyo kesa sakin' sagot ko.

'Flat, Wala akong pake. Uubusin ko yun pera mo para makabayad ka na sakin. Kaya bilisan mo na at bilhan mo na ko ng pagkain.' aroganteng sabi nito kaya napakamot ako ng aking ulo ng wala sa oras.

'Aako na bibili Raven' sabay na sambit ni Ryzell at Ashton kaya napatingin ako sa kanila habang papatayo ako.

Magsasalita na sana ako ng sumingit na naman si Zack. 'Wag nga kayong epal, si Flat inuutusan ko. Mga pabida kayo'

'Ako na lang. Salamat na lang Ashton at Ryzell' ani ko bago tumuloy sa pagpunta sa counter pero habang naglalakad ako ay biglang may sunod sunod na flashback ang lumitaw sa aking isip.

Napahawak ako sa isang lamesa para di ako matumba dahil unti unting dumidilim yun paningin ko. At pagkatapos nun ay naramdaman ko na lang na may tumutulong luha sa aking mga mata.

XxX
Legal wife ni Kim taehyung

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon