Severed

5.8K 309 66
                                    

CHAPTER 15

Excited na excited ang buong theater club at dance troupe nang makarating sila sa resort kung saan sila mananatili overnight. Hindi na napigilan ng dalawang adviser ang lahat nang dumiretso na agad sa beach ang mga ito pagkalagay ng mga gamit sa kani-kaniyang kwarto.

Hindi alam ni Ramcel kung sinadya ba o nagkataon lang na sila ni Victoria ang magkasama sa kwarto. Isang queen size bed lang ang higaan nila. They exchanged awkward glances.

“Pwede naman akong makisiksik kina Helena mamayang gabi,” sabi ni Ramcel kay Victoria, na noo’y nakatayo sa bungad ng pinto.

“Hindi mo kailangang gawin yun. Okay lang sa akin na magkasama tayo,” Victoria said softly. Isinara na nito ang pinto ng kwarto saka tuluyang pumasok.

Ramcel couldn’t help herself checking out Victoria’s long legs. Maiksi ang black khaki shorts nito kaya litaw na litaw ang mapuputi nitong hita. Hapit din ang white shirt nito kaya kita ang balingkinitan nitong katawan. She quickly looked away when Victoria turned to her. Nagpretend si Ramcel na may hinahanap sa back pack nya.

Nagulat sya nang lumapit sa kanya si Vi. “Para sayo.” Nahihiya nitong ibinigay sa kanya ang isang Tupperware. Napatitig lang sya sa mukha nito at saka sa hawak nitong lalagyan. “S-Sige. I’ll see you outside.” Mabilis itong lumabas ng kwarto nang tinanggap nya ang inabot nito.

Nang maka-recover sa pagkabigla, binuksan ni Ramcel ang Tupperware. Napangiti sya nang makita ang tatlong ensaymada na punong-puno ng cheese sa ibabaw. Nangibabaw ang katakawan nya kaya agad nyang kinain ang mga ito. Mahirap na, baka humingi pa sina Helena at mabitin pa sya.

Sumunod na lang sya sa beach. Medyo maraming tao dahil sabado. Dumiretso sya sa malaking cottage na nirentahan nila. Nagkakagulo na ang mga kasama nya sa pagkuha ng pagkain. Almost lunch na rin kasi.

Umupo si Ramcel sa tabi ni Helena. Punong-puno na nang pagkain ang plato nito. Pag-angat nya ng tingin, si Vi ang nakita nya. Nakaupo pala ito sa tapat nya.

“Hoy, kumain ka na. Baka maubusan ka ng pagkain,” untag sa kanya ni Helena. Nagtataka itong tumingin sa kanya nang makita nitong konting spaghetti lang ang nilagay nya sa plato. “Himala atang para kang walang interes sa pagkain. Siguro kumain ka sa kwarto nuh! May tinago kang pagkain. Ang damot mo talaga.”

“Ang judgmental mo talaga!” Inirapan nya si Helena. Syempre hindi sya aamin ritong tatlong ensaymada ang nilantakan nya. Napatingin sya kay Victoria, na noo’y nangingiti sa kanya. Matipid din syang ngumiti dito.

Anong ibig sabihin ng ensaymada na yun? Peace offering? Ibig sabihin ba nun okay na sila? Ayaw na tuloy nyang magswimming. Gusto na nyang sumapit ang gabi para makausap ito.

Nagkanya-kanya ng activity ang lahat nang matapos kumain at matapos magbilin ang dalawang adviser nila to behave. Karamihan pumunta sa beach para maligo like Victoria, who looked sexy on her one piece black bathing suit. Halos maglaway na naman tuloy ang mga boys na kasama nila. May ibang nagform ng dalawang team at naglaro ng volleyball, kagaya ni Helena. Sa pool naman nagtungo ang iba.

Si Ramcel naman, mas piniling bumalik sa kwarto para humilata. Tinatamad syang magparticipate sa kahit anong physical activity. Kung may choice lang sya, hindi nya papasukan ang P.E subject nya. Napipilitan lang syang sumayaw kapag theater play.

Gusto sana nyang matulog pero hindi agad sya dinalaw ng antok. Naglabas sya ng notebook saka nagsulat habang nakadapa sa kama.

“Ram…Ram, gising na…” Ramcel heard Victoria’s gentle voice. She was also tenderly shaking her. Ang magandang mukha ni Victoria ang una nyang nasilayan. Nakangiti ito sa kanya. How she missed her smile. “Kakain na tayo ng dinner.” Humahalimuyak din ang vanilla sa buong kwarto. Mukhang bago itong ligo.

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon