One Friend

6.3K 331 131
                                    

CHAPTER 16

“Harrison!” Pang-aagaw nang pansin ni Ramcel sa binatilyong abala sa pagpapa-cute sa isang first year. Nagbubulungan ang mga ito sa harap ng library at kulang na lang maghalikan pa. Kilig na kilig ang kerengkeng na babae na animo ngayon lang nakakita ng gwapo.

Napatingin ang mga ito sa kanya. “Ikaw,” baling ni Ramcel sa 1st year, na medyo natakot nang pukulan nya ito nang matalim na tingin. “Huwag kang magpapabola dyan. Alis,” madiin nyang sabi. Mabilis namang umalis ang 1st year. Disappointed naman si Harrison nang mawala ang hinaharot nito pero sunod na nanlaki ang mga mata nito when Ramcel grabbed his collar harshly. “Totoo ba yung sinabi mo tungkol kay Milan at sa pustahan nila tungkol kay Victoria?”

Tumango-tango ang nabigla pa ring si Harrison. “Oo Ram. Hindi ko gawa-gawa yun. Nagsasabi ako ng totoo.” Binitawan na ito ni Ramcel at napailing na lang. Harrison looked at her sympathetically. “Nakausap mo na si Vi?” Tumango sya. “At hindi sya naniwala?”

“Unfortunately,” Ramcel said sadly. “Kita mo naman di ba?”

Tumango si Harrison. Magkaholding hands na pumasok sina Victoria at Milan. Mukhang sinagot na ni Vi ang lalaki. Gustong hambalusin ni Ramcel ang mukha ni Milan para mawala ang maluwang na ngiti sa mga labi nito. Tila nanalo ito sa sweepstakes.

Pakiramdam ni Ramcel nadurog ang puso nya sa nakita. It hurt her when she saw how Victoria looked at Milan. She was so in love with him. Happiness radiated on her. Alam nyang wala syang pag-asang patulan ni Vi at alam rin nyang wala syang karapatan pero hindi nya mapigilang masaktan at magselos. At ang pinakamasakit sa lahat, nawalan sya ng kaibigan.

Maraming kinilig sa bagong couple. Bagay na bagay daw kasi ang dalawa. May mga nakaramdam ng inggit na karamihan sa mga yun ay mga may gusto sa dalawa. Alam nina Lauren, Liezle at Helena na nasasaktan sya. Nagpapasalamat na lang syang hindi sya inuusisa ng mga ito. Lagi lang syang pinagbabaon ng mga ito ng ulam araw-araw. Mas naalala nya si Victoria sa gestures nila pero hindi na lang sya nagkomento.

Hindi nga lang nya mapigilan ang mga itong samaan ng tingin si Victoria. Kulang na lang sugurin ng mga ito si Vi. Kahit hindi nya kinuwento kung anong nangyari sa kanila ni Vi sa outing, alam nilang may kinalaman ito sa kalungkutan nya.

“Ang sarap naman ng kare-kare ng Mommy mo, Ram!” Medyo exaggerated at malakas na komento ni Helena.

Lunch time at nagdala sya ng ulam para sa tatlo since lagi syang pinapakain ng mga ito. Nang makita ni Ramcel na nasa canteen din sina Vi with her new friends, gusto na sana nyang umatras at kumain na lang sa ibang lugar. Kaso hinawakan ni Lauren ang kamay nya saka hinila sa canteen. Umupo din sila sa table na malapit rito.

“Sana magluto pa sya ulit para sa amin.” Malakas pa rin ang boses ni Helena.

Gustong pandilatan ni Ramcel si Helena at sabihang hinaan ang boses pero napansin nyang napatingin sa gawi nila si Victoria, na tila may pagseselos sa mukha nito, kaya hinayaan na lang nya si Helena. Natatawa naman sina Liezle at Lauren, na katabi nya.

“Ram, try mo tong adobong niluto ni Mama para sayo. Kinuwento ko kasi na nasarapan ka sa binaon ko last time,” malambing na sabi ni Lauren at ipinaglagay pa sya ng ulam sa plato nya. Hindi pa ito nakuntento, sinusubuan pa sya nito. Pinanlakihan nya ito ng mata.

“Anong ginagawa mo?” Ramcel hissed.

“Pinapakain ka,” Lauren said smiling sweetly. “Dali na, isubo mo nato.” Sinamaan ito nang tingin ni Ramcel. “Pag hindi mo binuka yang bibig mo, hahalikan kita,” panakot nitong bulong kaya napilitan syang isubo ang nasa kutsarang hawak nito. “Sarap di ba?”

Since NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon