Chapter 13

15.2K 552 183
                                    


Zandy's POV

Nagjo-jogging ako nang makita ko si Rigel na naglalakad mag-isa. Binilisan ko ang takbo ko para maabutan sya. Nakita kong kumakain sya ng lollipop. Tumigil ako sa pagjo-jogging at sumabay ng lakad sa kanya.

"Goodmorning, ang agang lollipop naman nyan." nakangiting bati ko sa kanya. Napatingin sya sakin. Tinaasan nya ako ng kilay. "At ang agang pagsusungit naman nyan." dagdag ko na nakangiti pa din. Nakita kong namula ang mukha nya at humarap ng tingin. Medyo natigilan ako sa pamumula ng mukha nya. Napaubo ako at napakamot ng ulo.

"Araw-araw mong ginagawa yan?" tanong nya. Napaisip pa ako kung ano ang tinutukoy nya. "Ang pagjogging."

"Ah oo. Nakasanayan na din." sagot ko.

"Ikaw lang?" tanong nya ulit. Tumango ako. "Si Dite?" tumingin ako sa kanya. May inis sa mukha nya nung banggitin nya si Dite kaya naman napangiti ako.

"Nagjo-jogging din sya pero kasama nya si Tita Alexa. Maaga silang nagjo-jogging at hindi dito." sagot ko.

"Bakit hindi ka sumasama sa kanila?"

"Bonding nila 'yon eh tsaka alas cuatro pa lang wala na sila sa bahay nila, eh ala singko ang gising ko." sabi ko.

"Hmm." sagot na lamang nya. Ninanamnam nya ang lollipop na kain-kain nya. 

Pinagmasdan ko sya. Sa unang tingin talaga, mukhang masungit si Rigel pero masungit talaga sya kapag nakilala lalo. Mahigpit sya at napakabossy pero mabait naman sya ng konti. Maganda din sya sa totoo lang. Yung ibang seniors namin may gusto sa kanya kahit ang sungit nya tapos tinanong namin si Titania kung may manliligaw ba si Rigel at nagulat kami na ang daming manliligaw ni Rigel. Mapababae o lalaki. At lahat 'yon ay rejected, wala daw sinasagot si Rigel sa mga manliligaw nya. Sya na maganda.

"Saan ka pala pupunta?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin saglit.

"Sa gym ni Papa." Sagot nya naman.

"Anong gagawin mo don?" Alam kong napakatanga ng tanong ko dahil ano nga ba ang ginagawa sa gym?

"Kukunin ko yung video ng laro ng Miracle vs Dragon Empire pati ang Shakers. At mag-aadvice ako kay Papa kung ano pa pwedeng gawin para mag-improve kayo."

"Kakatapos lang ng Winter Cup, iniisip mo pa din kami." Baka mawalan sya ng time mag-aliw aliw.

"Mas maganda na ang maaga pa lang para more chance na manalo tayo." Seryosong sabi nya. Nakakunot na ang noo nya.

Mabilis na naglakad ako sa harapan nya. Napatigil sya dahil doon. Lalong kumunot ang noo nya. Nginitian ko sya at hinawakan ang noo nya.

"Ang aga, nakakunot na ang noo mo. Sige ka, maaga kang tatanda." Mali ata ang sinabi ko dahil sinamaan nya ako ng tingin. Napangiwi tuloy ako. Susungitan na ako nito. "'To naman, smile ka na lang. Mas maganda ka kapag naka-smile ka though hindi pa kita nakikitang ngumiti." Sabi ko.

Inirapan nya ako at tinanggal ang kamay ko sa sentido nya. Hinihilot ko kasi 'yon kanina para hindi sya kunotan ng noo.

"Masaya ako sa ginagawa ko kaya okay lang." Sabi nya at ngumisi. "Masaya akong nakikita kayong nahihirapan." Ngumiwi ako sa kanya. "Gusto mo bang sumama sa gym?" Medyo nabigla ako sa pag-aaya nya sakin. Hindi ko inaasahan na yayayain nya ako.

"Sure." Nakangiting sabi ko. Umalis na ako sa harapan nya para sabay na kami maglakad.

"Okay pero mag-jog ka habang papunta tayo pero dapat sabay ang jog mo sa lakad ko." Sabi nya.

"Rigel naman." Nakangusong sabi ko. Papahirapan pa ako. Patapos na nga ako magjogging eh.

"Ikaw ang captain ngayon 'di ba? So gawin mo ang mga ipapagawa ko sayo." Sabi nya na ikasimangot ko.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now