IKA PITO

4.8K 97 0
                                    

Pero hindi, this time, he left with purpose of course, at hindi ko alam kung anong oras siya babalik.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang may TV na naka wallmount sa harap. Kinuha ko ang remote sa may bedside cabinet at ini on iyon. Boring na boring ako dito at kahit may konting hilo pa ay nanood parin ako.

FLASH REPORT: FOUNTAINHEIR TECHNOLOGIES WILL RELEASE THEIR NEWEST SMARTPHONE MODEL THIS MONTH.

Haaay. Nakakabuntong hininga nga talaga. He is so busy tapos sinasayang lang niya ang oras sa akin?. He has a company, a province. I don't even know kung bakit niya ipinagsisiksikan ang sarili sa akin. I am an impostor of my own self. Haaay.

I turned the tv off dahil nawalan na ako ng ganang manood. Nahiga ako ng maayos at tumingin nalang sa kisame hanggang dalawin ako ng antok. Siguro naman ay magiging maayos na ang tulog ko ngayon, hindi din naman nagmimintis ang mga nurse sa pagchecheck sa akin, sa temperature ko at sa paa ko, syempre.

Bukas ay lalagyan na ito ng cast at siguro, pwede na akong lumabas. Hindi na ako magpapatest pa ulit. Ayoko nga. Natatakot akong malaman kung may ibang sakit paba ako o ano.

Unti unti ko nang nararamdaman ang antok kaya pumikit na ako.

Nagising ako nang marinig ang mahihinang yapak palapit sa akin, binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isa sa mga nurse, i checheck lang pala yung IV ko.

Napansin niya atang nagising ako kaya ngumiti siya at nagpa umanhin. Lumabas din siya kaagad. Luminga ako sa paligid at wala parin si Jacob. Sana ay okay lang siya. Okay lang naman kung hindi na siya bumalik dito. Tsaka, may gagawin siyang importante bukas.

Matagal bago ako dinalaw ng antok, just when my eyes are about to close, bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin ang napakagwapong nilalang. Nakahiga parin ako ngunit nakatingin ako sa bumukas na pinto.

Napansin niya atang gising ako, medyo madilim sa kwarto dahil patay na ang ilaw ngunit naka on ang lampshade at may ilaw din ang air purifier na nasa loob.

Lumapit siya sa akin. Iba na ang damit niya mula kanina, naka casual nalang siya ngayon, khaki shorts at t-shirt na hindi ko mawari ang kulay dahil medyo dim talaga ang kwarto, o baka hindi ko lang maaninag masyado dahil malabo ang tingin ko dahil narin sa antok.

"Nagising ba kita?" Tanong niya.

Naupo na ako at kinusot ang mata dahil pakiramdam ko ay naghuhuramentado ang puso ko dahil nandito siya. Hindi ko sinasabing kanina ko pa talaga siya hinihintay pero parang ganun nanga.

"Hindi" sagot ko nang makitang naka kulay gray na t-shirt siya. V-neck iyon at masasabi kong bagay nga sa kanya.

"Gutom kaba?" Tanong niya. Ipinagpantay niya ang mga mata naming dalawa sa pamamagitan ng pagyuko niya ng kaunti. Para siguro makita ang mga mata ko. Pero damn. Kumakabog na naman ang puso ko.

Umiling ako dahil doon.

"Masakit paba ang paa mo?" Tanong na naman niya.

"Medyo, pero okay na. May saklay naman" sagot ko.

"Go back to sleep, Althea" malambing niyang utos sa akin.

Tumayo siya ng maayos tsaka naglakad sa harapan ko papunta sa sofa na nasa gilid. Sinundan ko naman siya ng tingin.

"Magrequest ka nalang kaya ng extra bed?" Suggestion ko.

Humalukipkip lamang siya at umiling tsaka ngumiti. Aww.

"Why not?" Kunot noong tanong ko.

"I'm good" wika niya tsaka marahang pinagpagan ang sofa. Hmm. Alam kong hindi siya magiging kumportable doon. Kumpara sa kama niya, walang wala ang sofang inuupuan niya ngayon.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon