Chapter 5

24.6K 797 209
                                    

CHAPTER 5 – DON’T GIVE UP ON ME

FAYE POV.

Sa ginawa kong paghalik kay James ay iniiwasan na niya ako. Hindi niya ako magawang tignan o sulyapan man lang.

Grabe! Ganun ba talaga ang epekto ng paghalik ko sa kanya?! Eh ako ba, hindi ba ako nawalan? First kiss ko rin kaya yun, tapos binigay ko lang sa kanya.

“Okay, class. Ibibigay ko na ang magiging partner niyo sa research. Don’t try to request na mag-iba ng ka partner. Deal to whom you’ll be with!” Sabi ng teacher namin sa research at binigay na ang mga magiging kapartner namin.

“Fabay at Sambilad..”

“Vidad and Castro..”

Sino kaya ang magiging partner ko?

“Castillo and Real..”

“Ma’am no!” biglang sigaw ni James!

“Don’t try Mr. Real! Kakasabi ko lang!” taray ni ma’am sa kaniya.

Sinulyapan ko siya at nakita siyang nakasimangot at walang magawa sa sinabi ni ma’am. Nginitian ko siya ngunit isang matalim na tingin ang isinukli sa akin nito.

“Kayo ang magiging partner sa gagawin niyong research paper.”

Oh my!!! God sign na ba ‘to? Mas mapapadalas talaga ang pagsasama namin ah.

“James, wait!”
Sigaw ko habang hinahabol ang supladong lalaking si James. Matapos kasi ang klase namin ay dapat naguusap na ang bawat magka partner. Pero siya bigla nalang lumabas at tila nagmamadali pa.

“James! Sandali nga lang!” Hinawakan ko ang braso niya ng maabutan ko para tumigil sa mabilis na paglalakad.

Tinignan niya ako ng napaka-sama. Hinila ko naman siya papunta sa likod ng classroom.

“Ano ba!” Galit nitong bulyaw sa akin.

Binitawan ko naman siya at hinarap.

“Ano bang problema mo?!” Inis nitong sabi.

“Ikaw anong problema mo. Dapat nag-uusap tayo ngayon para sa research paper pero umalis ka bigla.

“Hindi ba obvious! Kaya ako nagmamadali dahil ayaw kong makausap ka.” Pagpapamukha niya sa akin.

“Eh, bakit mo ako iniiwasan.” Malungkot kong sabi.

Umiwas siya ng tingin.

“C-cause you’re crazy!”

“Oo! Baliw ako sayo!” 

“Tigilan mo na nga ‘yan, Faye! Masyado ka nang desperada!”

Natigilan ako sa sinabi niya dahil tumama ito hanggang sa pinakamalalim na buto.

“Hindi ko na nagustuhan ang mga pinaggagawa mo!” dagdag pa niya.

Biglang umagos ang luha sa mga mata ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Nasasaktan na kasi ako sa mga sinasabi ni James. Pakiramdam ko tuloy ang baba kong babae.

Napakurap naman siya ng makita akong umiiyak.

“H-hoy..bakit ka umiiyak?” Nauutal nitong sabi.

“G-gusto mo nang iwasan kita?”

Hindi siya naka sagot sa akin.

“Gusto mo hindi na kita guluhin?”

“G-gusto mo lumayo na ako sayo?”

“Faye..”

Malungkot ko siyang nginitian.

“S-sige..kung ‘yan ang gusto mo. Lalayo na ako sayo at maghahanap ng ibang gugustuhin at mamahalin.” Sabi ko at akmang aalis na ng mahawakan niya ang kamay ko.

Sinandal niya ako sa pader na ikinagulat ko. Sobrang naging magkalapit ang mukha namin na naging dahilan ng malakas na pagtibok ng puso ko.

“J-James..”

“Gaano mo ako kamahal?” Seryoso nitong sabi.

Napalunok ako ng laway sa tanong niya.

“M-mahal na mahal.” Kinakabahan kong wika.

Napataas ang isa niyang kilay at napa tango-tango.

“Talaga? Pero bakit easy lang sayo na iwan ako.”

“K-kasi ayaw mo naman sa akin diba?” Mahina kong sabi at napayuko.

“Oo ayaw ko sayo ngayon. Pero hindi ko naman sinabing iwasan mo ako, dahil hindi ko rin alam kung ayaw ko pa ba sayo bukas.”

Muli akong napatingin sa kanya.

“J-James..”

“Don’t..don’t give up on me yet.” Mahina nitong sabi na nagpatulala sa akin.

“H-hindi ko pa naintindihan ang sarili ko. Kaya sana ‘wag mo muna akong iwan. I want to confirm something.” Dagdag nito.

“J-James..”

Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako.

“Help me, Faye.” Mahina nitong sabi at hinalikan ako sa labi.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Napakapit ako bigla sa balikat niya ng hapitin niya ako sa bewang at mas pinalalim ang aming halikan.

Napapikit ulit ako at napakapit sa leeg niya.

“James, I love you so much.”

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon