Chapter 6

24K 781 155
                                    

CHAPTER 6 – BOYFRIEND

FAYE POV.

Naghalikan kami ni James!

This is not fake news! Myghad talaga. Sobrang kinikilig ako ngayon dahil sa nangyari sa aming dalawa.

Ito na ba ang sign na may pag-asa kami na magkatuluyan?

Baka talaga matuluyan na ako sa kilig, jusko! Nangingisay na ako!

“Hoy, gaga. Wala ka bang balak sabihin sa’kin kung bakit ‘di mo matikom ang bibig mo sa kangingiti.” Kunot noong na sabi ni Andrea.

Hinawakan ko ang kamay niya at wala sa sariling tumili ng malakas. Napatingin naman ang ibang estudyante sa amin dito sa cafeteria.

“Hoy, gaga! Ang ingay mo tumahimik ka!” saway sa akin nito dahil sa hiya.

“Kasi naman, Andreng.. Kinikilig ako!” Bulong ko habang pinipigilan ang sobrang kilig.

“Ano na naman ‘yan? Si James na naman, halata nang iniiwasan ka ng tao, dahil sa ginawa mo gaga ka!” natatawa nitong wika.

Ngumisi ako at sinabi kay Andrea ang nangyari.

“Naghalikan kami ni James.” Proud kong sabi.

“Oo nga nakita namin! Kahapon, kita ng buong klase.” Pagtutukoy niya sa unang paghalik ko kay James.

“Hindi ‘yun! Ngayong araw Andeng!” pagkaklaro ko.

“Huh? Hinalikan mo na naman siya? Ibang klase ka na Faye. May sakit kana ata. Buti nalang babae ka at lalaki si James kundi pinadampot kana sa pulis.” Panenermon niya.

“Iba ngayon dahil siya ang humalik at talagang...”

“Talagang...?” pag-uusisa niya.

“Talagang, alam mo yun!” sagot ko habang nilalarawan sa kaniya ang diinang paghalik sa akin ni James gamit ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata niya at napatayo.

“W-what?! T-talaga?! Totoo ‘yan?! ‘Di ‘yan fake news?!” Sunod sunod nitong tanong.

Hinila ko siya paupo at napatingin sa paligid. Nakakahiya!

“Hinaan mo nga ‘yang boses mo. Oo, hindi ‘to fake news, totoong totoo.”

“Hala. Paano? Ginayuma mo?” usisa nito sabay halakhak.

Napasimangot ako sa sinabi niya.  “Grabe ka naman! Hindi naman sa ganun no.”

“Joke nga lang! So ano na? Ano, kayo na? Mag jowa?” usisa nito sa akin.

Napanguso ako at sumagot.

“I don’t know!”

Nawala bigla ang malaking ngisi nito, at napairap. “Huh?! Anong... Hay naku! I don’t know ka jan.” Taas kilay na wika niya.

“Hindi ko pa natatanong.” Kaagad kong depensa.

“Dapat tanungin mo! Dapat panagutan ka niya sa ginawa niya! Kapal ng mukha niyang halikan ka tapos hindi ka rin pala niya pananagutan.” Litanya ng gaga.

Pero napabuntong hininga ako at hindi na nagsalita. Tama nga siya, dapat linawin ko na kay James kung ano bang meron sa amin, kung may pag-asa ba ako sa kanya?

**

“James?!”

“Hmm..” Napatigil siya sa ginagawa niya at napa sulyap sa akin.

Gumagawa kami ngayon ng papers para sa  research, nandito kami sa coffee shop sa tapat ng school.

Napakaseryoso ngayon ni James habang ginagawa ang papers namin, hindi ko magawang isingit ang gusto kong itanong.

“Pwede magtanong?”

Napakunot ang noo niya at napatingin sa akin.

“Bakit? May hindi ka ba naintindihan jan sa sinusulat mong part?” aniya.

“H-huh? Ah..hindi, hindi yun! May gusto lang sana akong linawin.” Lakas loob kong wika.

“Saan?” paglilinaw  niya.

“Sa nangyari sa a-atin.”

Nakita ko naman siyang nag iwas ng tingin.

“Gusto ko lang malaman kung anong ibig sabihin ng sinabi mo noong hinalikan mo ako. Kasi James, aasa at aasa ako sa pinakita mo eh.”

Tumingin siya ng seryoso sa akin.

“What do you want then, Faye?”

Napalunok ako sa tanong niya.

“Alam mo naman na matagal na kitang mahal diba?”

Napataas ang isa niyang kilay at tumango.

“Gusto kong panagutan mo ako. Gusto kitang maging boyfriend.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“W-what?! Are you crazy!” Hindi makapaniwala na tanong nito.

Napanguso ako.

“Sabi mo anong gusto ko?! Edi sinabi ko na ang gusto ko. Gusto kong panagutan mo ako sa paghalik sa akin at ‘yun ay ang maging boyfriend ka!”

“It’s just a kiss, Faye! Hindi naman tayo nag ano para panagutan kita! Hinalikan lang kita!” Sabi nito at napaiwas ng tingin.

Nakita ko ang pagpula ng mga tenga niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Napayuko ako at hindi mapigilang maluha.

“May pa dont give up on me ka pang nalalaman tapos hindi mo pala kayang panagutan. Alam mo, napakapaasa mo din eh! Sana hindi mo na lang ginawa ‘yun.” Sabi ko at naiyak na.

Nagulat siya ng nakita akong umiiyak.

“F-Faye..”

“Don’t call my name! Kung hindi mo ako kayang panagutan, edi hindi! Mag hahanap ako ng ibang lalaking magiging boyfriend ko. ‘Yubg hindi ako sasaktan” Sabi ko at tumayo na.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko

Tumayo siya at tinignan ako ng nakakatakot.

“Don’t you dare do that! Hindi ka pwedeng maghanap ng ibang magiging boyfriend.”

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Ah, Ibang klase!  At bakit naman, ha?! ‘Di ba ‘yun ang gusto mo? Dapat ko na sigurong tanggapin na hindi mo talaga ako magugustuhan. Isa lang naman ang ibig sabihin ng kiss na ‘yun eh, it’s either may nararamdaman ka sa’kin o naaawa ka lang!” lumuluha kong wika.

Mahina siyang napamura.

“Then, I’ll be your boyfriend!” Sigaw nito, sabay simangot sa akin.

Napatigil ako sa pagdadrama nang sabihin niya iyon. Sa totoo lang hindi ako nagulat sa sinabi niya nagulat ako sa sigaw niya. Kaya nga ilang segundo pa bago nag sink-in sa akin ang sinabi niya.

“W-what?” Ang tanging naiwika ko. Matapos nag sink in sa akin lahat.

“Narinig mo naman siguro ang sinabi ko at hindi ka naman bingi diba? I’ll be your boyfriend and that’s final!” pag-uulit niya na may diin.

Bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha at pinahid rin ang kaniyang palad sa mga luha ko kanina, sabay nagwika. “Ginulo mo na ako, at hindi ako papayag na ‘di mo pagbayaran ‘yun! Akin ka lang!”

Matapos niyang sabihin ‘yun ay parang mahihimatay ako sa kilig.  “Lord? Totoo ba’to?” wika ko sa isipan.

What the horse! I’m not single anymore! At boyfriend ko na ang matagal ko ng crush!

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon