IKA SIYAM

3.9K 89 0
                                    

"Hindi ko kayang iwan ang studio" tumingin ako sa mga paa ko at hindi na tumingin sa kanya dahil alam kong magagalit siya.

"Studio ba talaga ang hindi mo maiwan?" May pagdududa sa boses ni papa.

Huminga ako ng malalim.

"Pa .  . Pakiramdam ko, may nararamdaman ako kay Jacob" nakayukong wika ko.

Nahihiya akong sabihin sa kanya yon, pero, baka naman? Diba?. Baka naman hindi niya ako ilayo sa kanya.

"That's not love, Althea, you're just attracted to his looks, hindi ka mahilig sa crush crush pero hindi yan kasing lalim ng pagmamahal"

Tumingin ako kay papa dahil doon. Nagmistula siyang love guru. Well, alam kong magaling si papa sa pagmamahal dahil hanggang ngayon, masaya si mama sa kanya. Pero paano naman sa pagiging ama niya?. Sa akin?.

"What do you know about me,pa? About my feelings?" May pagkasarkastiko kong wika.

Kumunot ang noo ni papa doon. "I know you, Althea. . Padalos dalos ka. . Iniisip mo na mahal ka ng isang lalaki and at the end, anong nangyari?. Iniwan ka. Devastated" pag aassure ni papa na talagang hindi ako marunong sa pag-ibig.

Nakakainis. That was my high school memory! Hanggang ngayon naaalala niya parin.

"Don't make this hard for me, anak. Hindi ko malalabanan ng patas ang mga Tanco kapag nasa panig ka nila, the old Tanco has plunder and graft case. Lilitisin na siya next month" wika ni papa at hindi ako makapaniwala.

"1 year lang. I'll send you to Spain. Sa tita Weng mo"

Napabuntong hininga nalang ako doon. Ano na naman ang gagawin ko sa Spain?.

"1 year, okay. . But first, hayaan mo akong magpaalam kay Jacob" tumingin si papa sa akin at halata ang pagkadismaya niya ngunit hindi siya nagsalita. Nakakainis.

"Bahala ka" walang buhay niyang sagot.

Tumango naman ako. Aakma na akong tatayo nang biglang pumasok si mama sa loob ng office kaya napatingin kami ni papa sakanya. Agad lumapit si mama sa akin at maluha luha ang kanyang mga mata.

"What happened?" Concern niyang tanong habang tinitignan ang cast sa paa ko.

"Okay lang ako ma. Sprain lang yan" wika ko tsaka tuluyan nang tumayo.

Dinaluhan naman ako ni mama, hawak hawak niya ako sa kaliwang braso at ang isang kamay niya'y hinahagod ang likod ko.

Naglakad kami palabas ng opisina at dumeretso sa kusina. Naupo ako sa high chair na nasa bar at si mama ay may kinuha sa ref..pagbalik niya ay may dala siyang chocolate cake.

"So, tell me" may ngiti sa labi ni mama kaya napangiti din ako.

"How was it with Jacob?. Nagkakamabutihan naba kayo?" Kumikinang ang mga mata ni mama sa pagtatanong non.

"Ma" may lungkot sa mukha ko. Nakita ko ang pagtango ni mama..

"I know, i heard about it. . Do you love him?"

Kinuha ko ang tinidor na nasa gilid ng pinggan at tinusok ang cake.

Sumubo ako doon bago nagsalita.

"Ma, hindi ko po alam. I'm confused" wika ko.

Iniisip ko. Kung totoo nga na gagamitin ako ni Jacob, paano naman?. Kaya ba ipinapakita niya sa akin kung gaano sila kabait? Ka welcoming?. Pagkatapos non?. Gagawin akong witness para kontrahin si papa?. Kaya ba nilang gawin yun sa akin?.

"Baby, dito kana muna mag stay, okay?" Rinig kong wika ni mama.

Tumango naman ako. Mas mabuti na na dito ako magpagaling. May mga kasama ako dito na mag aasikaso.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon