IKA SAMPU

4.3K 88 1
                                    

Huminga ako ng malalim at naglakad nalang ulit palabas ng mall.

"Hey, wait up!"

Ang kuliiit!.

"Mister-"

"Vince" singit niya.

"Fine" tsaka ako umirap.

"Please, I am really not in a good mood, leave me alone, will you?" Pinahalata ko talagang naiinis na talaga ako dahil iyon ang totoo.

"Fine fine" wika niya tsaka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko na siya. Umirap nalang ako dahil doon. Humalukipkip din ako at tinignan siya ng masama.

"We'll meet again" nakangiti parin siya. Kumindat pa bago ako tinalikuran. Sinundan ko naman siya ng tingin at nakitang nakapark ang kotse niya sa malapit.

Hindi ko na iyon pinansin. Pumunta narin ako sa kotse ko at sumakay doon. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa ko. Nagdrive ako pauwi sa bahay. Mahaba ang byahe at madaling araw na ng maka uwi ako. Pinagbuksan naman ako kaagad ng gwardya kaya naipasok ko ang kotse ng walang aberya.

Pumasok ako sa kwarto ko. I washed up pagkatapos ay nahiga na ako. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may mga text. May isang text si Jacob.

Jacob : I am sorry.

Huminga nalang ulit ako ng malalim. Hindi manlang niya sabihin na mahal niya ako, hindi naman sa pinipilit kong yun ang gusto kong marinig pero hindi ko lang matanggap na lahat ng ginawa niya sa akin ay puro panloloko at panlilinlang lang. Ayokong maniwala na ang mga oras na inilaan niya sa akin sa gitna ng pagiging abala niya sa mga bagay bagay ay puro pagpapanggap lang. Ayokong maniwala na niloko niya ako. Siguro ay dahil nahulog nga ako sakanya. This was his plan.

Itinabi ko ang phone ko at pinilit na pumikit. Hindi ko parin matanggal sa katawan ko ang pakiramdam kaninang niyakap niya ako. Sana kasi hindi nalang Jacob. Sana kasi hindi mo nalang ako niloko. Masaya naman ako nong hindi tayo close eh.

Nakatulugan ko ang malalim na pag-iisip. Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao sa baba. Umaga na pala.

Bumangon ako at nagpunta sa banyo. Naghilamos at brush lang. Paglabas ay bumungad sa akin ang mga katulong at si mama. Napansin niya atang pababa ako kaya napangiti siya kaya ngumiti narin ako.

"Goodmorning, anong oras ka nakauwi?" Tanong ni mama nang makababa ako.

"Hindi ko alam ma" wika ko tsaka nangamot ng batok. Ayoko ngang sabihin.

"Magbreakfast kana, nauna na kami ng papa mo, ayaw kong gisingin ka kasi alam kong puyat ka" nakangiting wika ni mama. Tumango naman ako at dumeretso sa kusina.

Naglabas ako ng gatas sa ref at uminum non. Wala akong ganang kumain.

Tiningnan ko ang kusina at malinis na ito. Abala ang lahat sa paglilinis. Ano bang meron?

"Ate Sugar" pagtawag ko kay ate nang pumasok siya sa kusina.

"Ano yun ma'am?" Tanong niya tsaka lumapit sa akin.

"Bakit, anong meron?"tanong ko.

Inilapag ko ang baso at tumingin sa kanya.

"Ma'am, birthday celebration po ni Sir Arturo"

kumuha siya ng pinggan at mga kubyertos sa cabinet tsaka nagpaalam sa akin palabas. Birthday ba ni papa ngayon?.

Kumuha ako ng bacon at egg tsaka ko ini reheat. Naupo ako sa high chair tsaka kumain sa may bar.

Pasok labas ang mga katulong sa kusina pero hindi ko na sila pinansin. Nagulat nalang ako nang biglang ilapag ni mama ang pinggan sa tabi ko.

"Ma" lingon ko.

THE GOVERNOR'S FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon