Chapter 29: Finding the Truth

16K 489 26
                                    

Hi guys!

------
***Samara's Pov***

Sya nga kaya talaga ang PRINSESA?

Yan ang tanong ko sa isip ko. Pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari. Una kung labing walong taong gulang na siya bakit hindi pa lumalabas ang lahat kapangyarihan nya. Pangalawa bakit meron syang kwintas na katulad ng sa akin? Hindi kaya...

Napailing na lang ako sa naisip ko,imposibleng maging kapatid ko sya dahil wala namang nabanggit si mama tungkol sa bagay na yan. Kaya napaka-imposible talaga.

Pero kailangan kong malaman ang totoo.

Pagkalapag namin sa academy ay nauna na ako sa kanila at dumiretso sa dorm ko. Pagkarating ko doon ay hinanap ko ang kwuntas na nasa drawer ko,hindi naman ako nabigo na makita ito.

Kailangan kong makausap si Goddess Nathalia at humingi ng tulong pero paano?Tumingin ako sa kwintas na hawak ko,kung nadala ako nito dito sa magic kingdom baka pwede din akong dalhin nito sa mundo nila.

Itinapat ko ang kwintas sa may dibdib ko at inisip ang mundo ng mga diyos at diyosa at binigkas ang salitang...

"Éńčhăńťéð"

Pagmulat ko sa mga mata ko ay hindi naman ako nabigo dahil nandto na ako sa mundo nila at nasa harap ko ngayon ang mga diyos at diyosa.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at isa-isa silang niyakap. Ang tagal na rin nung huling beses ko silang nakita at naka-usap kaya naman nasasanik ako na makita sila ngayon. Huli kong niyakap ay ang dalawang cold na tao--este diyos pala na sobrang namiss ko.

Akmang yayakapin ko silang dalawa ng biglang umiwas sila at tinignan ako ng nakasimangot bago sabay na tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad.

Lumapit sa akin si Goddess Aira at Goddess Aina.

"Wag mo nang pansinin yung dalawang yun. Sigurado ako na namiss ka lang nila ng sobra."sabi sa akin ni Goddess Aina(light)

"Oo nga. Ang tagal mo kasing hindi bumisita dto kaya ayun medyo nagtampo. Pero wag kang mag-alala sila din mismo ang lalapit sa iyo."sabi naman sa akin ni Goddess Aira(air) Napatango na lang ako sa sinabi nya. Siguro nga...

"Kumusta ka naman Samara?"tanong sa akin ni God Skie(sky)habang nakangiti.

"Ayos naman po ako!"sagot ko sa kanya.

"Buti napadalaw ka. Namiss ka talaga naming lahat lalong-lalo na yung dalawang yun."pahayag naman ni God Rence(earth)

"Mabuti at napadalaw ka ngayon?"tanong naman ni Goddess Hydra(water)

"Ahmm...may itatanong lang po sana ako sa inyo kaya ako nagpunta dito."sagot ko.

"Hmm...ganoon ba? Bago yan kumain muna tayo."biglang sambit ni Goddess Nathalia(goddess of all)

Tumango naman kaming lahat at sumunod na sa kanya. Pagpasok namin sa palasyo ay bumungad sa akin ang napaka-pamilyar na atmospera,it really feels nostalgic. Dumiretso na kami sa hapag kainan,doon ay nakita ko si God Flame at God Flake na naka-upo at nag-usap pero ng mapansin nila na papasok na kami at nakita nila ako ay tumahimik sila at umayos ng upo sabay poker face. Hmp...bahala sila dyan.

Isa-isa na kaming umupo bago nagdasal at nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming kumain at tanging tunog lang ng kutsara at tinidir na tumatama sa plato ang naririnig namin. Naputol lang ang katahimikan na bumabalot sa amin ng magsalita si Goddess Nathalia

"Samara,ano ang itatanong mo sa amin?"tanong nito.

"Tungkol po sana sa prinsesa."sagot ko sa kanya. Napatigil naman ang mga gods and goddesses sa pagkain,si God Rence naman ay muntik ng maibuga ang kinakain nya,si God Skie naman ay nabilaukan kaya dali-dali syang binigyan ng tubig.

Dahan-dahan naman silang tumingin sa akin.

"Anong itatanong mo tungkol sa prinsesa?"nagulat ako sa malamig na boses na nagtanong sa akin at yun ay walang iba kung hindi si...God Flame.

Umayos muna ako ng upo bago magsalita." Nagtataka lang po kasi ako ang sabi nya hindi pa daw po lumalabas ang lahat ng kapangyarihan nya,ang alam ko po kasi pag labing walong taong gulang na sya lalabas na ang lahat ng kapangyarihan nya,paano pong nangyari ang ganon."tumigil muna ako bago nagpatuloy"at isa pa po bakit pareho kaming may kwintas na ganito."dagdag ko sabay taas ng kamy ko na may hawak ng kwintas.

"Handa ka na bang malaman ang lahat?"tanong ni Goddess Nathalia. Tumango naman ako bilang sagot." Kung gayon ay sumumod ka sa akin"agad akong sumunod sa kanya pagkasabi nya noon.

Natapos ang pag-uusap namin at ngayon ay pabalik na ako sa academy. Isa-isa na akong nagpaalam sa kanila. Hindi ko na talaga natiis itong dalawang yelo na nasa harap ko at lumapit sa kanila.

"Hindi nyo ba talaga ako papansinin?"tanong ko sa kanilang dalawa. "Sige,mukhang ayaw nyo na akong makita. Hindi na ako babalik dto. Bye."pagdadrama ko at tumalikod na. Akmang lalakad na ako ng may dalawang pares ng kamay ang pumulupot sa akin. Sabi ko na nga ba hindi nila ako matitiis hehehe.

"You brat! You should come back or else..."sabi sa akin ni God Flame.

"We miss you!"bulong naman sa akin ni God Flake. Humarap ako sa kanila at niyakap sila pabalik.

"Sabi ko na nga ba hindi nyo rin ako matitiis eh!"sabi ko naman sa kanila. Kumalas na ako sa yakap nila at nagpaalam na rin sa iba pang diyos at dyosa.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at pagmulat ko ay nasa dorm na ako. Lumabas ako sa dorm at hinanap ang prinsesa 'kuno' naman ako nabigo dahil nakita ko sya sa hallway na mag-isang naglalakad.

Lumapit na ako sa kanya at hinarap sya"Ikaw ba talaga ang prinsesa?"agad kong tanong sa kanya kaya naman napatigil ito sa paglalakad.

Tinaasan ako nito ng kilay at sumagot"Of course! I am! And I have ebidensya."sabi nito at pinakita ang kwintas nya. Hinablot ko ito sa kanya at hinulog sa sahig bago tinapakan,gaya ng inaasahan nasira ito dahil peke lang ang kwintas na ito.

Nabigla naman sya sa ginawa ko.

"Nabigla ka? Girl di ka na dapat mabigla...alam mo naman na peke ang kwintas mo--ay wait hindi lang pala kwintas mo ang peke pati rin pala ikaw peke rin."bitch mode on. Ganito talaga ako lalo na mga kaibigan ko ang niloloko nya.

"How dare you!! Anong karapatan mo na sabihan ako ng ganyan. I AM THE PRINCESS!!"sigaw nya.

"Hinay-hinay lang baka atakihin ka. Teh...wag kang feeler masyado mong inenjoy ang pagiging prinsesa 'kuno' mo,ayan tuloy pati ikaw naniwala na rin."mataray na sabi ko sa kanya.

Akmang sasampalin nya ako pero napatigil sya at ang mas ikinagulat ko ay ang pagkuha nya sa kamay ko at isinampal sa kanya.

What did just happen?

......

PLS.

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU!!

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now