Kabanata 28.

36.7K 943 115
                                    

GUIA:

"GUIA WAKE UP! hanggang kailan ka ba magpapakatanga d'yan sa lalaking 'yan?!" Singhal sa 'kin ni Clarise. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng unibersidad. Katatapos lang din ng teaching classes ko nang ayain n'ya akong mag-lunch.

"Hanggang kaya ko." Wala sa sarili kong sagot dito.

"Alam mo kakaltukan na kita. Masyado mong binababa ang sarili mo sa lalaking 'yon!"

"Kasi kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kasalanan ko kung bakit abot-langit ang galit n'ya sa 'kin." Oo, kasalanan ko ang lahat-lahat. Nararapat lamang na kamuhian ako ni Fabian dahil sa isang pangyayareng pinag-sisisihan ko ng lubos. Lingid sa kaalaman ni Clarise ang nagawa kong kasalanan kay Fabian.

Lingid sa kaalaman ng lahat ang isang gabing nagkamali ako. Isang gabi na pinag-sisisihan ko. Kapag naaalala ko ang gabing 'yon ay ayoko na itong balikan pa ngunit para ba itong isang multo na hinahabol-habol ako.

Bumalik si Fabian nang gabing 'yon galing Amerika. Sinadya n'ya ako mismo sa apartment ko. Nakainom ako nang gabing iyon at inihatid ni Luther ang taong pinag-seselosan n'ya. Hindi ko alam na sinadya talaga ako ni Fabian para makipag-ayos. Magulo ang sistema ko dahil sa alak. At ang espiritu ng alak ang s'yang nagpabago ng lahat nang makagawa ako ng pagkakamali.

Hindi ko intensyong saktan si Fabian. Hindi ko intensyon ang lahat. Nang ihatid na ako ni Luther sa mismong tapat ng apartment ko ay bigla n'ya akong hinalikan. Tao lang ako, nagkakamali. Hindi ako Santa at perpekto. Tumugon ako sa mga halik ni Luther kahit na malinaw sa isipan kong mali. Maling-mali ang ginagawa ko. Nalunod ako sa mainit n'yang mga halik. Siguro'y dahil sa pangungulila ko nang lumisan si Fabian.

Biglang pumasok sa 'king isipan si Fabian kaya't itinulak ko si Luther at tumigil naman ito. Minabuti kong pauwiin na s'ya nang magulat ako dahil sa pagbukas mismo ng headlight na nagmumula sa sasakyan. Naagaw no'n ang atensyon naming dalawa. Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan hanggang sa lumabas na nga s'ya. Walang iba kundi si Fabian. Bakas sa mga mata nito ang galit at pang-gigigil.

Akala ko'y susugurin n'ya si Luther ngunit nagkamali ako. Tinitigan lamang n'ya kami at nang matapos ay kaagad na s'yang pumasok sa kanyang sasakyan at umalis. Gusto ko s'yang habulin para magpaliwanag. Nawala ang kalasingan ko dahil sa kagagahang ginawa ko.

Hinabol ko si Fabian ngunit bigo akong mahabol ito. Hanggang sa kanyang pagbalik. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Tulad nang sinabi ko, hindi ako perpektong tao.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Napukaw ni Clarise ang atensyon ko.

"Clarise mauuna na muna ako sa faculty room may nakalimutan kasi ako." Dahilan ko ngunit ang totoo n'yan ay gusto ko talagang mapag-isa. Iniisip ko kung anong gagawin bumalik lamang sa 'kin si Fabian.

Nang matapos ang klase ay nag pasya agad akong umuwi. Nasa daan pa lamang ako malapit sa Villa ni Fabian nang makita ko agad ang sasakyan nito. Kumabog ang puso ko sa tuwa. Pagkakataon na rin marahil para humingi ako sa kanya ng kapatawaran.

Pagkapatay ko sa makina ay dali-dali na akong pumasok sa loob. Walang katao-tao sa salas. Baka nasa silid si Fabian at nagpapahinga. Malapit na ring mag dilim kaya't hindi mo gaanong maaninag ang loob. Nakalimutan kong buksan ang ilaw sa baba ng salas at tumuloy na ako pa akyat. Pag-akyat ko sa pangalawang palapag ay hinanap ko agad ang switch ng ilaw at nang makapa ko ito'y kaagad kong binuksan.

Maglalakad pa sana ako nang manghina ang mga tuhod dahil sa nasaksihan. Nakita ko si Fabian at Ashanti na naghahalikan at napatigil. Nasa mahabang sofa sila. Wala ng pang-itaas na damit si Fabian habang si Ashanti nama'y bra at pantalon na lang ang saplot. Gulat ang mga mata nilang nakatingin sa 'kin. Nakita ko pa ang ilang mga can ng beer na nagkalat sa sahig. Mukhang nagkainuman sila.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon