CHAPTER 15

83.9K 3K 623
                                    

Chapter 15

"AT sino ka naman?"

Agad akong binitiwan ni Ronald. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Hinaplos ko ang namumulang braso ko. He almost gripped me to death.

Mariin silang nagtitigan. Kung kanina'y napakalakas ng kabog ng puso ko sa takot, ngayon naman ay napakabilis ng tibok nito dahil sa presensya ng taong hindi ko inaasahang pupunta rito.

Anong ginagawa niya rito sa labas ng apartment ko?

"You do not touch a woman like that," he declared. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin.

"Ano'ng pakialam mo?" maangas na balik-tanong ni Ronald.

Napapiksi ako nang akmang susuntukin siya ni Sid.

"Huwag!" Hinawakan ko siya sa kamay at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Pakiusap, umalis ka na, Ronald," mahinahong sabi ko. I can feel the fast-breathing of Sid behind me. Hawak-hawak ko pa rin ang kamao niyang handa nang manuntok kay Ronald.

"Siya ba ang ipinagmamalaki mo, Serenity? Siya ba ang ipinalit mo sa 'kin?" maanghang na tanong ni Ronald. He even spit beside him.

"Ayaw ko ng gulo, Ronald. Tapos na ang kung anuman meron tayo noon. Kailangan ka ni Tessa kaya't umuwi ka ng Bicol."

"Fck your excuses, Serenity!"

"Ronald!"

Napahigpit ang hawak ko kay Sid nang akmang susugurin niya na naman si Ronald. Tuluyan kong iniharang ang katawan ko sa kanya.

"Step away, Serenity. No one can talk a shit on you! This asshole needs a lesson," he commanded. But I tightened my grip on his fist.

"Tama na, please?" pakiusap ko. He looked down on me. Nakita ko kung paano siya nagpipigil na sugurin si Ronald.

Hinarap ko si Ronald habang nasa likod ko si Sid.

"Siguro pinagkaisahan n'yo ako ng pinsan mo, 'no? Siguro ikaw ang nag-utos kay Tessa na akitin ako noong lasing ako para may dahilan ka nang hiwalayan ako," aniya.

"Hindi totoo 'yan!"

"I know better, Serenity." Nag-aalab man ang kanyang mga mata sa galit ay halatang may mga luhang nagbabadya roon. Nanikip ang dibdib ko.

"Panalo ka man ngayon, sisiguraduhin kong pahihirapan ko si Tessa. Siya ang sasalo ng lahat ng galit ko sa 'yo, Serenity. Hinding-hindi kayo magtatagumpay! Itaga mo 'yan sa bato!" mariin niyang wika bago umalis. Sinipa pa niya ang pasong nadaanan niya.

Napahagulgol ako't napaupo sa sahig. Bumalatay sa puso ko ang pag-aalala para sa pinsan ko.

Diyos ko, tulungan n'yo pong huminahon si Ronald. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at piping nagdasal. Mali man ang ginawang panghihimasok ni Tessa sa relasyon namin noon ni Ronald, hindi naman ibig sabihin no'n ay wala na siyang karapatang sumaya. Nagmahal lamang siya.

Anyone can do wicked things because of love. Nagkataon lamang na siya ang naging biktima ng pagkakataon.

"Stop crying. You look hilarious."

Natigilan ako at napatingala sa pinanggalingan ng boses. Muntik ko nang makalimutang naririto pala siya. Yumuko ako't pinahid ang aking mga luha gamit ang aking kamay.

"A—anong ginagawa mo rito?" nakayukong tanong ko. Bigla akong tinubuan ng hiya. Tiyak na ang sagwa ng ayos ko ngayon lalo na't kagigising ko lang.

"Can you atleast stand up?" he darted. Nakalahad ang kanang kamay niya sa akin.

Pagkatapos kong mapahid ang aking mga luha'y tumayo ako at nagpagpag. Hindi ko inabot ang kanyang kamay.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon