Chapter 8: Deadline

608K 15.9K 3.6K
                                    

Tamara’s POV

Ilang linggo na kaming naglilinis pero parang wala kaming natatapos. Isang araw na nga lang ang nakalaan para sa punishment namin tapos ‘yung isang araw na ‘yun hindi pa namin magamit gamit ng maayos.

Hanggang ngayon wala pa rin kakulay kulay ‘yung mga dingding. Hindi pa rin nakaayos ang ibang bintana. Bungi bungi pa rin ‘yung pinaka salamin nun. Hindi pa rin kulay green ‘yung blackboard tapos ‘yung pinto sira pa rin ang doorknob.

Paano naman kasi, madalas late dumarating ‘yung iba. Tapos na ang tanghalian saka pa lang sila darating. Kung anu-anong issue sa buhay. May pagod sa practice, may napuyat sa pagbabasa, may masakit ang ulo, may pupuntahan o may pinuntahan, may na-late ng gising. Grabe. Lahat na nga ata ng pwedeng idahilan naidahilan na nila. Tapos kapag darating naman sila dito ng hapon, mag-aaway away lang. May mga mag-aalisan. May mga maiiwan pero hindi para maglinis kundi para tumambay lang.

‘Yung isang bintana pa lang ata ang naayos pati ‘yung isang pinto. Saka ‘yung pagtatanggal ng alikabok. Bukod dun, wala na. Ano ba kasi ‘tong gulong napasok pasok ko? Bakit ba hindi pa ako pumili pili ng grupo? Hindi ko alam kung anong mga pag-iinarte ang ginagawa ng limang ‘to at parang mga galit na galit sa isa’t isa. They took the rule too seriously. Dapat pala hindi na lang ako lumipat ng eskwelahan.

Tiningnan ko ang orasan ko. 1pm. 1pm na pero wala pa ni isa sa kanila ang nandito. Grabe! Grabe talaga. Nagpataan na nga ako at hindi agad umalis sa bahay tapos ganito pa rin pala. Kamusta naman ‘yun? Baka tapos na ang buong school year wala pa rin kaming nagagawa. Isang classroom pa lang ‘to. Paano pa ‘yung isa? Bwisit ang mga ‘yun. Kung ayaw nilang gumawa, pwes ako gagawa.

“Palibhasa mga laging nasusunod ang gusto. Wala ng mga ginawang matino. Kairita,” para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang nagpupunas ng board.

Lumapit din ako at chineck ang mga bintana. Papalitan lang naman ‘yung mga glass. Kaya ko na ‘to..

Nasa pangatlong bintana na ako nang may magsalita sa likod ko, “Ikaw pa lang?” Tumalikod ako at nakita si Nathan at Piper sa likod ko. At least may dumating kahit dalawa lang sa kanila.

“Hindi ba halata?”

“Where are the others?” tanong ni Piper.

“Tanungin mo sila para malaman mo.”

“Paano ko tatanungin kung wala naman sila dito?”

“Exactly.”

“You don’t have to be such a bitch every time, you know.”

“Whatever.”

Hindi niya ako pwedeng sisihin na mainit ang ulo ko. Aba! Kung siya kaya ang mauna dito at maglinis mag-isa. Ewan ko na lang kung sasalubungin niya pa with open arms ang mga darating pa.

Naglinis kaming tatlo ng tahimik. Wala naman akong pakialam sa katahimikan. Kaya lang parang mga multo lang ‘tong mga kasama ko. Parang wala rin. Parang kahit papaano mas okay na nag-aaway-away na lang sila. At least may ingay. Kaya para kahit papaano ay magkaroon kahit katiting na ingay, magpapatugtog na lang ako. Kaya lang nung hinanahanap ko ‘yung earphone ko hindi ko makita.

Magpatugtog na lang kaya ako ng walang earphone. Hindi naman siguro sila maiingayan. At ano nga bang pakialam ko kung magreklamo sila. Hindi naman nila pag-aari ang lugar na ‘to kaya pwede akong magpatugtog ng kahit na anong gusto ko.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon