Chapter 30: Fight

16K 519 49
                                    


***Samara's Pov***

Akmang sasampalin nya ako pero napatigil sya at mas ikinagulat ko ang pagkuha nya sa kamay ko at isinampal sa kanya

What did just happen?

"Samara!!"galit na sabi ng boses mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang galit na tingin na ipinupukol sa akin ng mga...royalties!? Except Ice!

Now...it makes sense,kaya pala ginawa nya yon para ipakita sa mga royalties na ina-api ko sya.

Tumakbo papunta sa kanila si fake princess at nagtago sa likod ni Firen.

"Ren...'huk'... bi-bigla nya na lang a-akong sinampal 'huk'... gusto ko lang na-naman makipagkaibigan sa kanya! 'Huk'...sa-sabi nya she don't like me to be her friend 'huk'...tapos layuan ko raw kayo."umiiyak nyang sabi,napairap na lang ako sa inasal nya. Really? Wow! Just... wow!

"Bakit mo ba ginawa yun Sam!?"galit na tanong ni Aria. Nakita ko naman ang pag-ngisi ni Nicole sa likod ni Firen.

"Hindi--"hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si Earl.

"Ngayon itatangi mo!?"galit rin na tanong ni Earl.

"Hayaan nyo akong magpaliwanag."mahinahong sabi ko sa kanila dahil ayaw ko nang lumaki pa lalo ang gulo.

"Magpaliwanag? Nakita na namin kung ano ang ginawa mo kaya wala ka nang dapat pang ipaliwanag!"sabi ni Walter

"Nagustuhan pa naman din kita. Yun pala masama ang ugali mo."sabi ni Claude.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Bakit ayaw nilang makinig sa akin? Bakit pinaniwalaan agad nila si Nicole? Sabagay...sino nga ba naman ako sa paningin nila?

"Nakaka-disappoint ka!"tanging sabi ni light habang napapa-iling.

"Bakit?"tanong ni Sky pero bakas din ang pagkadismaya

Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi rin naman sila makikinig sa akin.

"Let's go!"malamig na sabi ni Firen at naunang maglakad kasama si Nicole na ngumiti sa akin ng palihim,yung ngiting tagumpay.

Sumunod sa kanila ang mga royalties pwera lang kay Ice,na naiwang nakatingin sa akin.

"Malalaman din nila ang totoo."sabi nito at sumunod na sa kanila. Wait malalaman? Ano ang ibig nyang sabihin yun bang tungkol sa fake princess o yung tungkol sa kanina.

Hahabolin ko sana sya pero nakalayo na pala sila kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataion na magtanong.

Hindi ko man lang nasasabi sa kanila na hindi si Nicole ang totoong prinsesa. Paano ko nga ba nalaman? Well ganito kasi yon...

(Flashback)

Sumunod na ako kay Goddess Nathalia at napunta kami dito sa hardin nila.

"Bakit po hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ni Nicole?"agad kong tanong sa kanya pagkarating namin dito sa hardin,sahil atat na atat na talaga akobg malaban ang totoo.

"Dahil hindi sya ang prinsesa at napapangap lamang sya."sabi nito na ikinagulat ko naman.

"A-no? P-pero...paano nangyari yun? Meron syang ibedensya at yun yung kwintas?"gulat na tanong ko sa kanya.

"Peke ang kwintas na nasa kanya."simpleng sagot naman nito sa akin.

"Pero pareho kami ng kwintas...i-ibig sabihin peke rin yung sa akin?"confusion is written all over my face.

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now