Nasa huli ang pagsisisi

3.8K 33 0
                                    

Title: Nasa Huli Ang Pagsisisi

"Kiah please!" Napairap ako nang marinig ko nanaman ang pakiusap nya.

"Ganyan ka ba talaga ka tanga?! Habol ka parin ng habol!! Ayoko na nga sabi!" Sigaw ko sa mismong mukha nya.

Unti-unting napalitan ng lungkot ang mukha nya.

"Please Kiah. Alam kong mahal mo parin ako."  Pagpupumilit nya.

'Oo mahal kita.. pero mas mahal ko s'ya.' hindi ko magawang sabihin sakanya ang gusto kong sabihin.

Iniwas ko sakanya ang aking paningin. Nagkunwaring iritadong iritado na sakanya, umirap muna ako bago tuminging muli sa kanyang mga mata.

Ang mga mata n'ya na kahit sino mang tumitig ay talagang mahuhumaling sakanya. Ang mga mata na palaging nagsasabihin saakin ng tunay na nararamdaman n'ya. Ang mga mata na palagi kong nakikita na masaya ngayon, ibang iba. Halo halong emosyon ang mababasa sa mata n'ya pero mas lamang ang lungkot. Kahit sino man ang tumingin dito ay talagang mararamdaman ang sakit na nararamdaman n'ya.

"Just accept the fact na hindi na ako babalik sayo! Wala ka ng babalikan pa Ryan. Wala na." Pagdidiin ko sa huling salita.

"Just tell me you love me. Kakalimutan ko lahat ng mga sinasabi mo. Please, tell me that you love me. Please." Hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay, inilagay nya iyon sa kanyang pisngi.

"Ako na ang makikiusap sayo, tigilan mo na Ryan. Tigilan na natin 'to. Hindi na kita mahal. Hindi na. Wala na yung dating nararamdaman ko para sayo. Wala na." Hinigit ko abg kamay ko sakanya saka tumalikod.

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap nya mula sa aking likuran.

Pilit kong pinigilan ang pagbuhos ng aking luha.

'Tama na Ryan. Nahihirapan din naman ako.' Sabi ko saaking isip.

"Please. Bawiin mo yung sinabi mo. Mahal mo ako, hindi ba? Sabi mo mahal mo ako. Please wag mong gawin 'to. Bumalik na tayo sa dati Kiah. Please." Naramdaman ko na basa na ang kanang bahagi ng balikat ko.

Umiiyak s'ya.

Inalis ko ang pagkakayakap n'ya saakin saka tumingin ng diretso sa kanyang mga mata ng walang nilalabas na emosyon.

Pilit kong nilabanan ang titig n'ya. Pilit kong nilabanan ang panghihina ay ang kagustuhang yakapin s'ya.

"Tapos na tayo. Wala nang dapat pang balikan Ryan. Tama na. Hindi na kita mahal. Ayoko na sayo." Huling linyang sambit ko bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

—————

Tatlong buwan.. Tatlong buwan na ang nakalipas pagkatapos ng paguusap naming dalawa ni Ryan.

Akala ko kapag iniwan ko s'ya magiging masaya na ako, magiging masaya na kami ni William. Pero mali ako.

Sa loob ng tatlong buwan, wala akong ginawa kundi ang tanungin ang sarili ko kung bakit ko iniwan si Ryan. Kung bakit kailangan ko syang iwan para lang kay William.

Si William na walang ibang ginawa kundi ang ipagtabuyan ako. Akala ko mas mahal ko si William. Pero mali ako. Maling mali ako.

"Hoy bes! Umayos ka nga. Araw ng kasal ko 'to tapos nakasimangot ka?" Sita saakin ng matalik kong kaibigan.

"May iniisip lang ako." Sagot ko sakanya.

"Ano nanaman yan? I mean. Sino? Si Ryan nanaman?" Tanong nya.

Kahit kailan abnormal tong kaibigan ko na to. Tabong nya, sagot nya.

"I still love him, Kelly." Nabigla ako dahil sa lumabas sa bibig ko!

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon