Expect the UNEXPECTED

1K 29 3
                                    

Title: Expect the UNEXPECTED

———

Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang paglayo ni mama.

Aalis nanaman s'ya iiwan n'ya nanaman ako magisa.

Napabuntong hininga nalang ako sa isiping wala nanaman akong makakasama sa bahay.

Bumalik na ako sa kusina upang ayusin ang pinagkainan namin ni mama kanina.

Inipon ko lahat ng tirang pagkain saka iyon nilagay sa plastic. Tuwing may mga tirang pagkain ay nilalagay ko ito sa plastic para kunin nalang nung katulong namin. Inuuwi nya ito sakanila upang ipangkain sa mga alaga nitong aso.

Ngunit sa kasamaang palad ay wala ang katulong namin ngayon. Umuwi s'ya sa probinsya nila dahil inatake daw ng sakit sa puso ang tatay nya.

Tinapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin sa kusina, pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan ay umakyat na ako sa kwarto para magpahinga.

Palaging wala si mama, kung umuwi man sya ay ilang linggo lang syang mananatili at babalik uli sa ibang bansa para alagaan abg mga batang nangangailangan ng tulong nya.

Medical mission ang meron si mama. Sa madaling salita, mas pinili nyang alagaan ang ibang bata kesa sa sarili nyang anak.

Nahiga na ako sa kama saka ipinikit ang aking nga mata.

_____

"Gising na tulog mantikang Rossian! Gising na! Gising na!" Iritado kong inatay ang alarm clock ko. voice record ko yan.

Bumangon na ako, inayos ko muna ang buong kwarto bago tumungo sa banyo at naligo.

Matapos kong maligo ay dumeretso na ako sa kusina para magluto ng agahan na para sakin.

"Ay butiki! Sino ka? Anong ginagawa mo sa loob ng bahay ko!?" Naibulalas ko ng may makita akong lalaki na nagluluto sa loob kusina!

"Gising ka na pala. Pasensya na at pinakealaman ko ang kusina mo. Gutom na gutom na kase ako." Aba't bastos! Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita ang mukha nya!

"Tinatanong kita!" Lumapit ako sa lamesa ng makita ko ang isang kahoy na pamalo ang nakalatag sa lamesa.

"Maupo ka muna." Aniya na hindi parin humaharap sakin.

"Sinabi nang, SINO KA!? Humarap ka sakin! Sino ka ba ha!? Paano ka nakapasok sa loob ng bahay ko!?" Iritadong sabi ko. Narinig ko ang pagngisi nya.

"I'm Alex Gabriel." Sagot nya saka palang humarap sakin.

(O_O) yan na yan ang mukha ko ngayonnnn!

Ang gwapo nya dir!— wait! Hindi! Hindi sya gwapo!

"What are you doing here? Paano ka nakapasok sa bahay ko!?" Muling sigaw ko sakanya. Itinutok ko sakanya ang nakuha ko kaninang kahoy na nasa lamesa.

"You forgot to lock the door." Nakangising aniya.

Inirapan ko sya. Itinagilid ko ang aking ulo, pinagaaralan ang bawat anggulo ng kanyang mukha.

"Labas!" Sabi ko sakanya.

"But, I'm hungry." Reklamo nya naman.

"LABAS!" Sigaw ko.

"But I don't want to, R O S S I A N." Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin nya ang pangalan ko!

"Paano mo nalaman ang pangalan ko!? Sino ka ba talaga ha!?"

"Kumain muna tayo. Gutom na gutom na ako, Rossian. Kagabi pa ako walang kain. Hindi ka pala nagtira ng pagkain para saakin." Sabi nya pa habang hinahanda ang pagkain na niluto nya.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon