Kabanata XIX

20.4K 970 258
                                    

ELIANA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ELIANA'S POV

Hindi ko na halos mabilang sa utak ko kung nakailang mura na ba ako sa ginagawa ko ngayon. Halos hindi na magkamayaw ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito habang magkalapit kami ngayon ng isang estrangherong lalaki.

Naramdaman ko naman na may balak na siyang pumalag kaya mas lalo kong inilapit sa kanya ang aking sarili at tinitigan siya ng diretso sa  berde niyang mga mata.

Marahan akong umiling saka pinandilatan siya ng mga mata sa pag-asang maiintindihan niya ang pakiusap ko na makisama muna siya. Tanging titig lamang ang naisagot niya sa akin ngunit dama kong kumalma na ang kanyang sistema at hininga na lamang niya ang nararamdaman ko sa aking mukha. Mas lalo tuloy akong kinikilabutan sa posisyon namin.

"Nasaan na iyong babaeng iyon?! Hanapin niyo!" Galit na sigaw ng lalaki.

Nang marinig kong papalapit na sa puwesto namin ang isa sa mga lakaking humahabol sa akin ay mas lalo kong inilapit ang sarili ko sa estrangherong ito at bahagya pa akong nagpakawala ng isang ungol. Dama kong nanigas ang pangangatawan ng lalaki na tiyak nailang sa ginawa ko.

"Ano ba yan! Dito pa kayo gumagawa ng milagro!" Dinig kong sita ng lalaking habang napapakamot na lamang sa ulo saka naglakad na paalis. Nang masiguro kong nakaalis na ang lalaki ay agad kong itinulak ang nilalang na malapit sa akin saka pinunas sa aking bestida ang mga daliri ko.

"Kadiri! Nahawakan ko pa yung labi mo!" Nandidiri na pahayag ko habang pinupunasan pa ang dalawa kong hinalalaki na nadikit sa malambot at mamasa niyang mga labi.

Paano ba naman kasi ay hindi naman talagang naglapat ang mga labi namin. Bago ko pa man siya halikan ay nakaharang na ang dalawang hinlalaki ko sa pagitan namin kaya ng siniil ko siya ng halik ay nagsilbi itong harang upang hindi tuluyang maglapat ang mga labi namin.

Aba! Hindi siya sinusuwerte para makauna sa labi ni Eliana kaya huwag siyang mangarap.

Binalingan ko ng sama ng tingin ang lalaki na balisa at medyo tulala pa rin hanggang ngayon. Mukhang hindi siya makapaniwala sa mga nangyari kaya ako na mismo ang tumawag sa atensyon niya.

"Hoy! Tapos na ang pag-arte, gumising ka na!" Pinitik pitik ko pa ang daliri ko hanggang sa makita ko na siyang ilang beses kumurap-kurap. Dahan-dahan niya akong nilingon nang may nanlalaki at gulat pa rin na mga mata.

"Anong ginawa mo sa akin?!" Hindi makapaniwala niyang sigaw.

Nang mukhang nahimasmasan na siya ay nagpakawala na siya ng isang malakas at halatang inis na sigaw. Napausog pa tuloy ako ng konti dahil pakiramdam ko ay nabingi ako sa ginawa niyang pagsigaw. Ang lapit ko pa naman sa kanya.

"Huwag kang sumigaw, puwede ba?!" Mataray ko ring sigaw sa kanya pabalik saka siya tinaasan ng kilay at muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Magpapaliwanag ako kaya kumalma ka muna!" Naging masama na rin ang timpla ko dahil imbes na pasasalamatan ko na lamang siya sa ginawa niyang pakikisama ay pinainit niya pa ang ulo ko kaya nawalan tuloy ako ng amor sa kanya.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon