Chapter 52 "Waking the Prince"

35.5K 1.4K 338
                                    

Saisumi's POV

Huminga ako ng malalim habang nakapikit. Dinadama ko 'yong hangin sa pwesto kung nasa'n ako ngayon. Sa tinagal ng panahon, ngayon ko na lang ulit sinuot ang mask ko. At 'yong katana..

Hinugot ko 'yon mula sa lalagyan n'ya tsaka sinuri ng tingin. Kumikinang 'yong talim no'n kahit madilim sa paligid.

"Purple," rinig kong tawag sa 'kin ni Louie sa transmitter. Napabuntong-hininga ulit ako.

"Yes, Black?" sagot ko.

Gusto nilang codenames ang gamit namin ngayon. Ang aarte ng mga lalaki minsan. Lalo na si Liryu. Damn you, Liryu.

"Sa mga nakilala kong tauhan ni Kurt, grupo lang nila Ralph at sila Kairen ang nakita kong mahihirapan tayo," sabi ulit ni Louie.

Tumango ako kahit alam kong hindi n'ya ako nakikita.

"I'll assist you," biglang salita naman ni Mirco.

"Baka makasalubong mo si Dad."

I chuckled. Nakakatawang tinatawag n'ya pa ring 'dad' si Kurt kahit mukhang hindi naman 'yon nagpaka-ama sa kan'ya.

"Sasama ako," si Shun naman 'yong nagsalita.

"Bro, can't do. Tayong dalawa partners ngayon. Bigyan mo naman ng moment 'yong magsyota pag nagkita na sila. Nang-agaw ka no'ng nakaraan, eh," singit ni Matt.

Napatango ulit ako.

"What are you nodding at, Hime Saisumi? I can see you." -Shun

Hanggang dito ata ramdam ko 'yong tingin ni Shun. Nag-peace sign lang ako. Hindi pwedeng hindi ako tumango. Totoo 'yong sinasabi ni Matt. Sa totoo lang tayo dapat laging sumasang-ayon.

Ilang minuto pa kami naghintay bago ako makakita ng ilaw ng sasakyan sa 'di kalayuan. Nasa paligid kami ngayon ng isang facility na malapit sa dagat. Walang bintana o ibang pintuan na pwedeng pasukan bukod sa entrance sa harap. Kasalukuyang chini-check ni Louie kung paano bubuksan 'yon.

"Naiinip na ako. Pwede bang magpa-deliver ng pizza dito? Ubos ko na 'yong baon ko," reklamo ni Ken.

"Pakidagdagan ng isang meal 'yong ipapadeliver mo, White. Nagugutom na rin ako." -Matt

"Badtrip. Sabi sa app, wala daw sa mapa 'yong nilalagay kong address." -Ken

Napailing na lang ako sa pinag-uusapan nila.

"Ano na, Black?" tanong ko ulit habang sinusundan ng tingin 'yong sasakyan. Prente lang akong nakaupo sa buhanginan malapit sa facility, nakatukod ang dalawang kamay ko sa buhangin tapos nakaunat ang dalawang paa. Para lang akong nagsa-sunbathing o mas tamang sabihing moonbathing kasi gabi na?

Masyadong maraming gwardya sa paligid. Hindi kami pwedeng pwersahang pumasok kasi kung nand'yan nga si Liryu, unang gagawin nila ay ang itakas s'ya pag nagkagulo. Bakit ba mukhang hindi pa gumagawa ng paraan ang isang 'yon para makatakas? Nagustuhan yata kay Miracle. Tss.

"'Yong system nila, parang katulad ng sa S.O. Madaming harang kaya medyo matatagalan pa ako. Unless, magkaroon ng himala at tanggapin ng scanner ang structure ng mga mata n'yo at finger print," paliwanag ni Louie.

"Sigurado ba kayong nandito si Liryu?" sunod na nagtanong naman si Matt. Pinakinggan ko lang sila.

"Laging pinagmamalaki ni Mira kay Dad ang lugar na 'to. That she has this high-class facility called Area 7 that no one can breaks in. Wala na s'yang ibang pagdadalhan kay Liryu na may magandang security system bukod dito."

Napangisi ako sa sinabi ni Mirco bago ako tumayo at nagpagpag ng damit. "Ah. She obviously hasn't seen me work yet."

Naglakad ako palapit sa daan. "There's no place I can't enter," dugtong ko pa.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon